Kabanata 34

68 6 1
                                    

Kabanata 34

Nang dumating ang gabi ay tinawagan ko lamang si Ate George para kumustahin si Callista at para na rin makausap. Hindi kasi iyon makakatulog, hangga't hindi naririnig ang boses ko.

Naglakad ako palapit sa maliit na veranda at lumabas doon. Sinalubong ako ng malamig na hangin kaya napayakap ako sa katawan.

"Mama!" Callista squeals on the phone. "I miss you, Mama!"

I smiled. "I miss you more, Calli. Kumain ka na?"

"Opo! Tita Gigi brought me fried chicken! Nandito rin po si Tito Arman! Ang daming dalang fruits! Magkatabi sila, Mama!"

Narinig ko pa ang saway ni Ate George kay Calli na ikinatawa ko. Dinig ko rin ang mahinang halakhak ni Kuya Arman.

"Okay baby, huwag papasakitin ang ulo nila Tito at Tita ah? Bukas, gigising ikaw ng maaga ah?"

"Yes, Mama!" Napangiti ako.

Nawala lamang iyon nang biglang natahimik si Calli.

Nangunot ang noo ko at sinilip pa ang cellphone para icheck kung on-going pa ba ang tawag at hindi naman ako nabigo.

"Baby?"

"Mama..can I ask you a question?"

I felt a little nervous but I smiled. "Yes baby ko, what is it?"

"Have you..talk with him?"

May kirot na hatid ang maingat na pagtanong ni Calli sa akin, na para bang takot siyang magalit o masaktan ako sa itatanong kaya parang hangin niya iyong pinakawalan.

Kinalma ko ang sarili at tinanaw ang city lights sa ibaba. My baby Calli.

"B-Baby, pag-uwi ko riyan," I paused to breathe. "I promise..I will bring him there."

"R-Really, Mama? Are you okay with that?"

Fresh tears formed in the corner of my eyes, it hurts hearing her words.

Paano ko nagagawang saktan ng ganito ang anak ko?

"P-Pero, ayos lang Mama if hindi. Calli will understand," she sniffs.

Bumuhos ang mga luha ko at parang ayoko nang magsalita. Ayoko na marinig niya ang paghikbi ko at akalaing nasasaktan ako sa pagtatanong niya sa kaniyang papa.

"Calli?" Si Ate George. "Anong nangyari?"

Hindi ko na muling narinig ang boses ni Calli, sinalubong ako ng boses ni Ate George na nagtataka sa aming napag-usapan hanggang sa ikuwento ko sa kaniya ang itinanong ng bata.

"Hindi mo man napapansin, Chen, pero araw-araw nagtatanong sa akin si Calli about sa papa niya, wala naman akong masabi dahil wala rin akong ideya."

Tumango ako. "I understand, Ate. Buo na rin naman ang loob ko, na sabihin sa papa niya ang tungkol kay Calli."

"Buti naman. Alam mo, Chen, naiintindihan kita kung ayaw mong ipaalam sa ama niyan, pero paano ang bata? Matalino si Calli, alam kong naiintindihan ka rin niya at ang sitwasyon na meron kayo...pero hindi mo maalis na kailangan niya rin ng kalinga ng isang ama, lalo pa na sinabi mo na hindi alam noong lalaki na umalis ka."

Nahigit ko ang hininga at tumango na lamang kay Ate. Nag-usap pa kami ng ilang sandali at tinanong ko pa siya kung nasaan si Calli. Aniya'y kalaro raw si Kuya Arman at nang tawagin niya para kausapin ako ay tumanggi raw ito.

Para akong nadurog doon, hindi ako sanay dahil unang beses iyong nangyari.

Ang tanggihan akong kausapin ni Calli.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now