Kabanata 2

53 8 1
                                    

Hind ko na nga napigilan si Jerace sa plano niya.

"Ayos ka lang?"

Umirap ako ng palihim. "Oo naman."

Ngumuso siya. "Bakit parang ayaw mo akong kasama?"

Hindi ako nagsalita.

"Chenny." Ungot ng bata. "Chenny naman eh!"

"Ano?" Tamad ko siyang nilingon.

"Dapat masaya ka kasi pinayagan ako."

Napatingin ako sa dala niyang gamit bago bumuntong hininga.

Nang sumapit ang araw ng sabado, maaga na agad akong gumising. Nagulat pa ako nang may mas nauna pa palang gumising sa akin.

"Good morning, Chenny!!"

Ngiting-ngiting mukha ni Jerace ang sumalubong sa akin nang buksan ko ang pinto kung saan ang nagsisilbi kong kuwarto.

"J-Jerace.." gulat kong usal. Humalakhak siya. "A-Ang aga mo naman! Madilim pa sa labas ah?"

Umirap ang babae. "I know!" Lumapit siya sa akin at hinila agad ako pababa. "Alam mo ba, kanina ko pa tinitingnan ang kuwarto mo kung anong oras ka lalabas! Chenny ha, akala ko ba excited ka umuwi? Bakit ang tagal mo naman bumangon? Nauna pa ako sa'yo!"

Nanakit ang tainga ko. Gusto ko sana siyang iwanan sa paglalakad kaso hindi ko naman puwedeng gawin iyon at amo ko siya.

"Hindi ko naman alam na mas excited ka pala sa akin."

"Psh! Tara na nga! Kumain na tayo para makaalis na rin."

Wala akong nagawa kundi magpatianod sa batang Walkins. Ang dami pa niyang arteng ginawa bago natapos sa pag-aayos. Nakaupo lamang ako sa malambot nilang couch habang tinitingnan ang suot kong puting sapatos. Binili ito ni Ate Berna noong isang linggo na namalengke siya. Hindi ko alam pero naging emosyonal ako nang inabot niya sa akin iyon.

Siguro dahil unang beses kong nakatanggap ng ganoon kahit hindi ko naman kaarawan.

"Darling, bakit sasama ka kay Chenniah? At ano iyang mga dala mo?"

Napatingin ako sa taas nang marinig ang boses ni Ma'am Kate.

"Mom, gusto ko pong sumama eh."

"Bakit nga? Baka maging busy siya roon sa kanila, tapos sasama ka pa." Mukhang pababa na sila.

Nakagat ko ang labi. Ayos lang naman sa akin na sumama si Jerace pero ang iniisip ko ay baka hindi siya sanay sa bahay namin pero uuwi naman agad siya sa hapon kaya ayos lang naman siguro iyon.

"Hindi, mom! Magiging mabait ako. Saka dalawang araw siyang mawawala eh. Wala akong kausap." Maliit ang boses na ani Jerace.

Ngumuso ako. Naabutan ni Ma'am Kate ang mga mata ko. Ngumiti agad siya sa akin saka bumaba ng hagdan at lumapit sa akin.

"Chenniah, ayos lang ba sa'yo na isama si Jerace?" Malumanay ang boses niya kaya sino ba namang tatanggi?

Napatingin ako kay Jerace nang humaba ang nguso niya habang nakatingin sa akin.

Tumango ako. "Ayos lang po, Ma'am Kate. Hindi naman po siya makakaabala."

"Chenny!!"

Tumawa ang ginang sa sinabi ko. "Sigurado ka ha? Malikot ang isang 'yan, baka manakit ang ulo mo."

Natawa ako nang lumapit na si Jerace. "Sigurado po ako, Ma'am. Malikot nga po kaya mas lalong babantayan ko."

Napadako ang tingin ko sa hila-hila niyang maleta. Nalaglag ang panga ko. Bakit may maleta itong dala?

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now