Kabanata 12

30 3 0
                                    

Kabanata 12

Hindi pa naman nagsisimula itong pagpapanggap namin ni Axel ngunit pakiramdam ko kailangan na agad tapusin.

Mali yata na pumayag ako.

"Sorry, galit ka ba?" Tanong sa akin ni Axel habang sumisimsim sa hawak niyang kape.

Umikot ang mga mata ko at hindi siya pinansin. Mariin kong hinawakan ang baso at binalot ang mga kamay doon.

"Nilalamig ka?"

I am torn between leaving him here and not to face him anymore or just continue what we have started and let myself drown.

May kakaiba kasi akong naramdaman. Alam ko naman ito ngunit takot akong pangalanan.

Matapos niya kasing purihin ang itsura ko ay nagtungo kami sa pinakamalapit na café kung saan ang bahay ng kaibigan nila. Mag-uusap daw muna kami rito pero puro kalokohan naman siya.

"Anong gusto mo?" Tumingin siya sa gilid. May mga nakalagay na roon. "Coffee?"

Tumango na lang ako kasi malamig na rin naman. Hapon na eh.

"Owkay!" Tumayo na ito at pumunta ng counter.

Ilang sandali pa ay may bitbit na rin naman siyang dalawang cup at nakasunod sa kaniya ang isang lalaki na may bitbit na tray.

Pinanood kong ilapag nilang dalawa iyon sa table. Napangiwi pa ako nang umorder pa siya ng isang slice ng cake para sa amin. Tig-isa pa kami. Hindi ko alam kung cake nga ba iyon pero mukha naman.

"Kain muna tayo," aniya pagkaupo. Inayos niya ang plastic cup at inusog sa akin ang platito.

Tinanggap ko naman iyon at tiningnan lang. "Anong gagawin ko?"

Gulat pa siyang nag-angat ng tingin. Inayos niya ang sarili dahil handa na talaga siyang kumain kanina kung hindi lang ako nagsalita.

"Sasamahan mo lang ako. Ako na ang bahala sa iba," he smirked.

"Kapag lumabag sa pagkatao ko, ayaw ko na–"

Humalakhak si Axel. "Grabe ka talaga sa words mo ha! Lumabag?" Hindi pa rin siya nakakabawi. "Hindi naman ako ganoon, Chenny. Alam ko naman ang limit ko, don't worry."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Uuwi na rin agad tayo bago mag hatinggabi."

"Huh? Cinderella?" Tumawa siya.

"Cinderella?" Nangunot ang noo ko. Tinikom nito ang bibig kaya umirap ako. "Malamang, may trabaho pa ako bukas. Hindi ako pwedeng umagahin sa ibang bahay."

"Got it!"

"Huwag kang gagawa ng bagay na walang kwenta, mamaya ha?"

Nangunot ang noo nito. "Like what?"

"B-Basta."

"Eh ano ba 'yon?"

Umirap ako. Ayaw ko naman idiretsa sa kaniya, baka isipin naman nito na ako lang ang nag-iisip noon. I looked at him and he seems like he doesn't have any idea.

Ngumuso ako at umiling na lamang. "Wala."

"Luh." Lumayo pa 'to ng bahagya. "Ano ba 'yon?"

"Wala nga. Kalimutan mo na."

"Sows! Meron eh. Feeling ko, may laman ang sinabi mo e–"

"Kapag sinabi sa'yong wala, wag ka nang magtanong ulit! Chismoso!" Iritadong sinabi ko.

Nagulat ito at hindi agad nakabawi. Nakagat ko ang dila.

"Luh? O-Okay," he said sadly.

Tahimik itong kumain, nakanguso pa at parang batang uminom sa cup niya. Hindi man lang ito umimik sa loob ng ilang minuto. Pinagmasdan ko siya at mukha itong naoffend sa sinabi ko. Pasimple siyang sumubo sa cake niya at hindi man lang ito lumingon, ni sulyap ay wala.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now