Kabanata 36

81 8 1
                                    

Kabanata 36

Madaling araw na ako nakatulog kung hindi pa ako pinilit ni Axel ay baka magdamag na nga akong nakatitig sa kawalan.

Pinilit niya akong mahiga sa loob ng kuwarto ko na tila hindi ko naging silid mula pagkabata. Ibang-iba iyon ngunit nagustuhan ko.

Pakiramdam ko ay bago iyon sapagkat hindi ko na nakikita ang batang ako na takot na takot sa isang sulok. Hindi ko na naalala ang mga mapapait na nangyari sa akin dahil hindi na ito katulad ng nakasanayan kong silid.

At..gusto ko 'yon. Gusto ko ang pakiramdam na tila..bago ang lahat.

"Saan mo gustong pumunta mamaya?" Mahinahong tanong ni Axel habang hinahaplos ang buhok ko.

Nakaupo ako sa bago kong kama samantalang nakaluhod siya sa harapan ko. Parang bata ako kung kausapin.

I sighed. "Gusto kong pumunta kina Ate Berna."

Tumango agad ang lalaki at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Pupunta tayo kay Ate Berna mamaya. Kaya matulog ka muna dahil baka mag-alala iyon, paga na ang mga mata mo oh." Hinaplos niya ang pisngi ko. 

Hinanap ko ang mga mata niya at hindi naman ako nabigo dahil sinalubong niya agad ako.

"S-Saan ka tutulog?"

His jaw clenched. "Sa kabila."

Napanguso ako at tumango. Tumikhim si Axel at gumalaw sa harapan ko.

"I'll watch you sleep." Malambing niya iyong sinabi. "Saka ako pupunta sa kabila..ayos lang ba?"

I slowly nodded. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil iyon.

His lips parted.

"Good night, Axel. Thank you."

No words would be enough for all the things he did for me, for my Papa and for giving justice to Tatay Marciano and Nanay Abri even it'll cost my mother's freedom.

Umiwas siya ng tingin sa akin pero hinayaan naman ang kamay kong pumisil.

"P-Puwede ko bang.. makita si Nanay Abri?"

He glanced at me and nodded. "Of course, baby. She's staying in our house."

Tipid akong ngumiti. "I-I'm sorry–"

"It's not your fault. Stop it, baby. You should take a rest." Hinaplos niya ang kamay ko. "Matulog ka na muna."

Kinagat ko ang dila at tumango saka sinunod ang sinabi niya. Nakaharap ako sa gawi niya habang nakatitig naman siya sa akin.

Napalunok ako at pinigilan ang sariling hilahin siya palapit sa akin at yakapin ng mahigpit.

M-May girlfriend nga pala siya..pero bakit tinatawag niya akong baby?

Ngumuso ako at mabilis na tumalikod sa puwesto niya. I heard him cleared his throat but I just rolled my eyes and decided to shut it to sleep.

Dahil na rin yata sa labis na iniluha ko kagabi at sa pagod..idagdag na rin ang biglang inis na naramdaman ko, nakatulog na rin ako at nagising nang halos hapon na.

Gulantang kong hinagilap ang cellphone at halos mapamura nang mag aalas dos na ng hapon!

Nalimutan ko nang tawagan si Calli!

Tuloy ay kahit liyo pa dahil sa biglaang pagbangon ay agad ko nang pinindot ang numero ni Ate George na mabilis niya namang sinagot.

"Aba! Buti naman at ikaw na ang tumawag? Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo?" Bungad agad ni Ate na naiimahe ko nang nakatayo sa may kusina at nakapamaywang.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now