Kabanata 24

49 5 0
                                    

Kabanata 24

He smiled at me the moment I opened my eyes. "Nakapagwish ka na?"

I nodded. He smiled with satisfaction. "Now, blow your candle," his baritone voice enveloped my ears.

Tumango ako at mabilis na hinipan iyon upang mamatay. Mahina siyang pumalakpak sa kaniyang braso saka ngiting-ngiti na tumingin sa akin.

"Happy birthday! It's your debut, right?"

I pursed my lips. "Paano mo nalaman?"

Binaba niya ang cake sa may gilid ng kama, roon sa maliit na table. Muli siyang tumingin sa akin at umayos ng upo paharap, pakiramdam ko tuloy ay nasa VIP seat ako.

"Hmm..ano.." he was contemplating but when I arched a brow, he sighed. "Okay, I stalked you these past months," ngumuso ito.

"Stalker," natatawa akong umirap sa kaniya. "Tapos?"

Namula ang buong mukha ko nang maisip na baka ang panget ng view kung sakaling pinupuntahan niya ako sa bahay ng mga Walkins.

"Hoy, teka ha. Hindi personally! Sa socmed accounts mo. Ang tingin mo naman, akala mo ba pinupuntahan kita lagi?" Tila nabasa niya ang iniisip ko!

"H-Hindi ah?! Bakit ko naman iisipin 'yon."

Lumayo ako sa kaniya pero humarang agad ang kamay niya sa likuran ko, nakangisi na naman ang kumag.

"Okay, sige na, galit ka na naman."

"Ano nga? Tuloy mo na."

"Hmm tapos napansin ko na, tuwing December 10, nagp-post ka ng sunset sa Instagram. Nakita ko lang sa highlights mo, so I assumed that maybe that day is special for you," he looked away when I stared at him. "Ah..hindi ko naman kasi matanong si Jerace, pati ako iniiwasan eh."

"So you just assumed that..that day was my birthday?"

Parang bata itong tumango. Bumaba ang kamay niya sa kamay ko at pinaglaruan iyon.

"Paano kung mali ka? Paano kung masakit na pangyayari pala 'yon para sa akin?"

Nanlaki ang mga mata niya, napatigil ito sa paglalaro sa kamay ko.

"Edi itatapon ko na lang ang cake," natawa ako kaya natawa na rin siya. "Pero puwede pa rin naman nating alalahanin diba? Papalitan natin 'yong masakit na alaala."

Tumaas ang kilay ko. "Hmm okay, pero buti na lang tama ka."

"Happy birthday!" He kissed my right hand. I felt my face burn. "Happy birthday, Chen."

Namungay ang mga mata ko at tumango. "Thank you."

"Ang lamig pa rin," he chuckled.

Maya-maya pa ay bigla itong sumeryoso. Ang kaninang naglalaro niyang kamay ay pumirmi at humigpit ang hawak sa akin.

"Puwede ba tayong mag-usap?"

"We are..already," mahinang sagot ko.

"Ah, I mean..about us?" He looked shy.

"W-What about us?" My lips quivered.

Hindi siya nagsalita. Sinilip ko ang mukha niya at nagulat pa ako nang makita kung gaano ito kaseryoso. Inayos niya ang upo ko kaya gulat pa akong napakapit sa braso niya. Sinigurado niyang nakaharap talaga ako sa kaniya.

"Gusto kita, Chenniah Jaime."

Wala akong narinig, kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko na parang ngangayon lamang nakarinig ng ganoong salita, tila ngayon lamang naunawaan ang ibig sabihin noon.

Lost Stars (On-Going)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα