Kabanata 14

42 5 0
                                    

Kabanata 14

Ang balak kong pagkausap kay Axel kinabukasan ay hindi natuloy at naadjust na nang naadjust!

Ang lalaking iyon talaga!

He kept delaying our meet-up, saying that he was so busy on his school works, but the truth is, he was too embarrassed to even show up to me.

Sadya. Mahiya talaga siya dahil sa kapalpakan na ginawa niya sa party ni Maricar.

Mahigit isang linggo na agad ang lumipas. Hindi ko na alam ang nangyari kina Axel dahil hindi naman siya nagpapakita.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon. Patuloy ang pagc-chat ni Maricar sa akin noong sabado pa ng umaga. At nakakagulat kung paano niya nalaman ang facebook account ko, pati Instagram ko ay hindi niya pinalagpas.

Si Zane naman ay nag send rin ng friend request sa akin sa Facebook at nag follow request naman sa Instagram. Paano kaya nila nalaman ang account ko?

Pareho kong hindi pa ina-accept ang dalawa dahil kailangan ko pang ikonsulta kay Axel 'to. Eh kaso nga ang mokong na 'yon, ayaw naman magpakita sa akin!

Axel:

Sorry chen. Late na ako makakauwi mamaya eh. I'll try this coming sat. what do u think?

Inis kong pinatay ang cellphone nang muling basahin ang reply niya sa akin kanina.

What do you think ka pa diyan eh ikaw naman din nagd-decide!

Hindi ako puwede sa sabado dahil balak kong umuwi sa amin.

Okay. Bahala siya. Hindi ko naman problema iyon. Problema niya iyon kaya bahala siya.

Ang ikinakainis ko pa ay pinapunta niya si Kuya Kid noong unang linggo, sa may labas ng bahay nila Jerace at may inabot sa aking sobre. Akala ko kung ano ang laman pero nang nakitang pera iyon ay mas lalo lang ako nairita sa kaniya. Binigyan ako ng twenty thousand!

Nabilaukan talaga ako roon. Mayaman naman talaga si Axel, pero hindi siya. Ang mga magulang niya kaya paanong may pera siyang ganoon?

Baka may bank account sadya siya? Hays ewan.

Let's just say na barya lang ang ganoong pera sa kanila pero para sa akin na hagya na makahawak ng 1000, iba na ang halaga ng ganoon.

Pakiramdam ko tuloy, sinupalpal niya ako ng pera at sinabing manahimik na lang sa nangyari noong gabi.

Nakakainis din talaga ang utak ko at grabe mag-isip.

My phone vibrated again. Taas-kilay ko iyong binuhay.

Axel:

Labas ka. I'm here.

Namilog ang mga mata ko at halos madapa pa sa pagmamadali maisuot lang ang tsinelas. I suddenly stopped. Tiningnan ko ang itsura sa salamin at sinilip ang ayos.

Nakasuot ako ng white pajama at blue na malaking t-shirt. Tinanggal ko ang tali sa buhok at hinayaan iyong nakalaylay.

Ohh, walang ibig sabihin 'to ah..nag-ayos lang ako at baka kung saan na naman niya ako dalhin.

Iyon lang 'yon.

Tumikhim ako at lumabas na ng silid namin. Magkakatabi lang kasi kami ng silid, nakakahiya pa nga kasi mag-isa ako sa silid ko gayong ang iba ay dalawa sa bawat kuwarto.

Kaya siguro palaging mainit ang dugo ni Myla sa akin. Iba kasi ang treatment sa akin lalo pa at kaibigan ako ni Jerace. Hindi ko naman hiniling na mag-isa ako sa kuwarto, sadyang iyon na ang binigay sa akin ni Ma'am Kate.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now