Nineteen

64.5K 599 11
                                    

"Woah? Talaga? Nag-propose ng kasal si JM sa'yo? Kasal agad? 'Di pwedeng sagot muna? Taray, ha!" ani Ava.

Naroon si Hana sa bahay nila kasama ang kaibigan. Umuwi  kasi siya para kumuha ng damit. Nasa ospital ang nanay niya, binabantayan ang kanyang tatay.

"Ano kaya kung pumayag akong pakasal kay JM? Aside sa tutulungan niya akong ipagamot si Tatay ay pag-aaralin din daw niya ako. Kahit na anong kurso daw, pwede 'Pag nagkataon, baka makahanap ako ng maganda-gandang trabaho. Matutulungan ko na sina nanay. Hindi 'yong ganito paraket-raket lang ako."

"Alam mo, friend, tama 'yan. Tiyak giginhawa buhay niyo 'pag nagpakasal ka kay JM. 'Di na kailangang makisaka ng lupain niyang tatay at nanay mo. 'Di mo na rin kailangag rumaket-raket para magka-datung. Ako nga, eh. Plano kong ituloy 'yong pagdi-DH ko. Tumatanda na rin sina tatay, ano. Gusto ko na silang pag-retire-rin. Ayoko namang habangbuhay nalang silang aasa sa pagsasaka. Saka 'yong mga kapatid ko, gusto ko silang pag-aralin hanggang college."

"Tingin mo? Dapat ko bang pakasalan si JM?"

"Eh, ikaw nga ang maysabi, 'diba? Malaking tulong sa pagpapagamot ng tatay mo iyon. 'Saka giginhawa pa ang buhay mo, sa'n ka pa? 'Saka 'di ka naman lugi doon kay JM. Guapo na, matalino pa, mabait, mayaman... lahat na! Siya nga ang lugi sa'yo, eh!" Humagikhik ito.

"Luka-luka!"

"Gow na kasi, 'wag nang masyadong magpakipot at baka mauntog 'yong tao, matauhan pa."

Sinimangutan niya ito.

"Bakit ba kasi 'di ka makapag-decide? Si Ram, ano?"

"Uy, 'di ha!"

"Sus, kunwari ka pa. Alam ko namang si Ram ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay 'di makuha-kuha ni JM ang matamis mong "oo". Pano, nasa kapatid niya ang puso mo. Mag-best friend talaga tayo, iisa lang ang taste natin sa  lalaki. Pasalama't ka't naka-get over na ako sa mokong na 'yon."

"Anong gagawin ko, Ava?"


"Aba, ewan ko sa'yo. Alangan namang pilitin kitang pakasalan si JM, eh, iba naman ang itinitibok niyang puso mo."

Sasagot pa sana siya nang biglang may bumusina sa labas ng bahay nila.

"Ayan na si JM!" ani Ava, tila excited pa.

Bigla tuloy siyang kinabahan.

Nagkarera sila para sumilip sa bintana.

"Hala, mali, friend! Hindi si JM 'yan!"

At dumoble din bigla ang pintig ng kanyang puso nang mapagsino ang bisita. Naramdaman na lamang niyang hinihila siya ni Ava palabas ng pintuan.

"May lakad ka?" ang walang kangiti-ngiting wika ni Ram noong nasa labas na sila. 

Ang guapo ng loko, kahit naka-t-shirt lang ito at denim shorts. 

"Wala. Kagagaling lang kasi niya sa ospital," si Ava ang sumagot para sa kanya.

"Ah. Mabuti naman. Sige, sakay na!" anito. Binuksan nito ang passenger seat ng dalang kotse.

"Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?" aniya.

"Wag nang matanong. Sakay na. 'Wag kang mag-alala, wala akong balak rape-pin ka," anito.

"Bakit? Sinabi ko bang may balak kang rape-pin ako? At saka bawal na bang magtanong ngayon, ha? Sa pagkakaalam ko, eh, may freedon of expression pa naman dito sa Pilipinas."

"Alam mo, ang ingay mo. Sinasayang mo lang ang oras." Lumapit ito sa kinatatayuan nila at saka hinila siya sa isang kamay.

"Uy, teka, teka, sinabi ko bang sasama ako sa'yo, ha? Narinig mo bang nag-"oo" ako? Hindi, 'di ba?" 

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon