Chapter 139: Cottagecore

49 3 0
                                    

LANGSTON


"You three disobeyed the orders of staying here in the house."


Kuya Link is standing in front of us at three in the morning. Sober pa si Haruto samantalang kaming dalawa ni Dylan e tipsy.


Hindi maganda ang paningin ko dahil ikot ng ikot. The gang had a drink, napasarap kaya napasobra. Sa sobrang sobra, nakalimutan naming hindi pala kami nagpaalam at tumakas lang kaya ayon, umuwing pasuray suray pero naglakad ng matino ng makita sina Kuya Link at Ate Maddy na nakatayo sa gate habang nakakrus ang mga braso.


"Pre, puta! Dahan dahan naman!" sigaw ni Haruto. Ang lalakas ng tawa namin habang nagda-drive si Chevi. Mamamatay na yata kami dahil sa ka walang hiya mag drive nang taga-Principium na 'to. Naisuka ko na yata lahat ng nainom at nakain namin dahil sa bilis g pagda-drive niya. Hindi naman kami masagwa na sa kotse sumuka no, sa bintana lang kami sumuka kaya good luck kay Chevi sa paglilinis.


Sumubsob kaming lahat paunahan ng biglang nagpreno si Chevi. "Oh pucha. Baba na. Kingina niyo, ang baho na ng mga bintana puro suka na."


"Sino ba 'yung tatanga tanga nag-drive." sagot ni Dylan at tinadyakan ang pintuan na kakabukas lang ni Haruto. "Gago pre! Akala ko kanina sinilip na tayo ni San Pedro sa bintana!"


Nagtawanan kami at nag-apir bago kami bumaba na tatlo. Nang makababa, humarurot nanaman paalis si Chevi, good luck kay Chester na tulog, tignan natin kung gigising yang nasa boothcamp na ng Silent Peace or sa boothcamp na ni Lord.


The three of us walked while intertwining our arms, pasuray suray kami habang naglalakad. Yung paningin ko parang dinadala ako sa kung saan mang universe, paiba iba yung kulay eh tapos parang iba 'yung ihip ng hangin na nararamdaman ko, parang may nakatingin sa akin na malamig.


Ang mga mata kong nasa kalsadang nilalakaran namin ay umangat. Naging yelo yata ang buo kong katawan sa panlalamig ng makita si Kuya Link at Ate Maddy sa gate na nakabantay.


"Pre, sina Ate at Kuya. Umayos kayo." bulong ko. Nakagalaw ako ng magbitaw kaming tatlo. Biglang umayos ang tayo naming tatlo, pati ang paglakad ay biglang naging normal.


"Hi." bati agad ni Dylan ng makalapit kami. Tinalikuran kami bigla ni Kuya Link.


"Lagot kayo mga tanga." sabi ni Ate Maddy at napailing iling. She even gave us mints, alam yatang mga nagsasakitan ang ulo. Kahit kinain namin 'yon walang talab. "Pasok. Kanina pa nakatayo 'yon rito."


Tumingin ako kay Dylan, nakahawak naman siya sa bunganga niya, pasuka na. Tangina, subukan niyang sumuka rito mas dadagdag ang galit ni Kuya Link.


I don't know how the three of us ended up in this position, ang tanging natandaan ko muntik na akong mamatay habang si Chevi ang driver at pagkahinto sa harapan ng bahay namin, nasa labas si Link at Maddy, nag-aantay.


Okay lang sana kung si Maddy ang nasa harapan namin ngayon at madaling pakiusapan na ipagpabukas na lang hanggang sa walang mangyayaring hot seat, pero hindi e, si Link 'to, mas sobra pang magalit kesa kina Lola.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now