Chapter 27: Strange Gestures

124 8 0
                                    

Sa lahat ng Principium si Chevi talaga ang gusto ko palaging katabi, wala eh instant laruan. Ang taba kasi ng pisnge tapos kapag pinipisil iyon agad na ngunguso ang labi niya na mukhang bata.

Kumakain siya habang nanunuod ng Simpson habang ito ako pinaglalaruan ang pisnge niya.

"Mukha kang tanga bebs"komento niya sabay glare natatawa kong pinisil ang pisnge niya, mukha siyang galit na pusa.

"Ang taba ng pisnge mo halatang pinabayaan sa kusina"sabi ko, dinikit ko labi ko sa pisnge niya sabay kagat.

"OUCH!!!!"malakas niyang reklamo sabay hampas sa akin sa balikat kaya natawa ako sabay gulo ng buhok niya.

Ngumuso siya, his cheeks were puff as a lot of marshmallow went in a seconds ago."Ginagawa mo kong baby"nakanguso niyang reklamo.

"Malamang siya bunso sa bahay nila"sulpot ni Conan sabay upo sa single sofa at nanuod ng Detective Conan.

Si Chevi naman agad na sumandal sa akin sabay kain ulit, hindi niya na kami sinagot at kumain na lang sabay panuod. Napatingin ako kay Aexl at Trevon na kakapasok lang habang may ngisi sa labi.

"Anong tsismis?"tanong ni Chivon na kakababa lang.

"Pabalik na si Coach habang padating na si Sir. Mag 7v7 tayo for two hours straight after that two hours may dual match tayo, marksmen to marksmen and so on"they all groaned hearing Trevon said that.

"Ayusin niyo ang paglalaro, may bagong bukas na Plaza ron, sa may labasan lang ng subdivision, punta tayo ron"sabi ni Ate Samsam na kakababa lang habang may hawak na tasa, malamang sa malamang magkakape naman. Agad silang humiyaw na akala mo talaga nanalo sa championship.

"Ilan ba yung maglalaro?"I asked. Binigyan ako ni Arius ng chocolate kaya agad ko iyong kinuha sabay ngiti at hampas sa braso niya, napailing naman siya habang bahagyang nakangiti.

"Eight teams"panimula ni Aexl at naupo sa pabilog na upuan.

"Apat apat afterwards, ang mga nanalo susunod sa dalawahan na match two by two, kung sino ang manalo ron silang dalawa ang maglalaban"paliwanag ni Aexl kaya napatango tango naman ako at kinain ang hawak kong chocolate.

"Pwede akong palitan?"tanong ko. Ayaw ko naman ng sunod sunod na competition no, pero siguro kung sunod sunod, keri lang.

Sabay sabay silang tumingin sa akin.

"Pwede ba kakong palitan?"I asked again. Napangiwi na lang ako ng sabay sabay silang umiling.

"Paano iyon?!"

"Pag nasa unang laro ka, matik nang dapat ka nandon sa susunod sunod na laban, if changing of a member means disqualified."sabi ni Voel.

Napasuklay naman ako sa buhok ko, nakakainis naman sina Kuya eh."Nag search ako, kayo nanalo nung Season 1"napatango tango sila.

"Eh kung matalo kayo?! Hatdog ba kayo?"naglalakihang mata kong tanong.

Ngumisi si Aexl,"Bakit? Itatalo mo ba?"

Nakangiwi akong umiling,"Malamang hindi. Ayaw ko naman na ma bash ako dahil pina-drop ko ang grupo niyo....."sabi ko...."Walang Silent Peace?"tanong ko. Napangiwi nanaman sila.

"Bakit? Gusto mong makalaban?"

Umiling ako,"Ayoko, nanalo sila nung Season 1 sa Major....pero"huminto ako at napaisip...."Ayoko talaga eh"

"Bakit?"tanong ni Chevi.

"What if hindi kayo magkaibigan?"

"Well, hindi parin. Ang lakas kasi nila, anong gagawin ng kotong lupa ko ron"sabi ko at pinagkrus ang binti ko.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now