Chapter 72: The Dangerous Captain

71 9 0
                                    


Napabangon ako nang wala sa oras ng marinig ko ang malakas na paghambalos ng sandok sa kaldero. Pagbangon ko kita ko si Papa, nakasuot siya nang jacket na may logo nila, ang baduy ng pangalan ng grupo nila, 'Threat disco'. Ang jacket niya may Captain sa likod.

"Bangon na!"napatingin ako sa orasan at napabalik na lang sa higaan nang makitang Alas sais pa lang.

"Euphrasia, babangon ka o iuuwi kita."banta ni Papa kaya agad akong bumangon.

"Iuwi mo na lahat wag lang ako."sagot ko at tumakbo sa banyo. Dahil sa pangdadali ni Papa halos ibuhos ko nanaman ang shampoo sa buhok ko. Dumeretso ako sa walk in closet.

"Hindi ganyan gumalaw ang mga Captain!"sigaw ni Papa sa labas. Dahil ang ingay ni Papa, tanging sleeveless ang naisuot ko at shorts na lang, lumabas ako habang pinapatuyo ang buhok ko.

Biglang may hinagis sa mukha ko si Papa. Kulay itim na jersey jacket pagtingin ko sa likod wala ako sa sariling napatawa.

"Papa! Bakit ganito?"agad kong tanong, may Captain na nakalagay sa likod, imbes na Kristopher ang sa likod 'Veneracion' ang inilagay.

"Bakit? Okay naman ah. Pero meron ron Captain lang na nakalagay"tinuro ni Papa ang kama ko. Napailing na lang ako at isinuot iyon.

"Tigdalawa ang jacket niyo, Isang plain na may Luctor et Emergo tapos yung Isa may apilyido niyo."

Nagningning ang mata ko,"Pinagawan mo kami?"

"Yeah, nirush ko nga eh. Tara na, gisingin mo mga teammates mo. Ayun yung bag na may jacket."agad akong pumunta sa tinuro ni Papa, kinarga ko ang bag.

"We need to condition your selves. We have two days and it will start right now."sabi ni Papa kaya nakangiti akong napatango. Isinabit ko muna ang jacket ko sa balikat ko.

Una akong pumasok sa kwarto nina Maddison. Kinuha ko ang kaldero at sandok ni Papa at pinatunog iyon. Salubong na salubong ang kilay nilang lima na gumising.

Pagupo nila, ibinato ko sakanila ang mga jacket nila. Agad na nanlaki ang mga mata nila.

"Sino nagpagawa?"

"Si Papa. Nirush kaya magayos na kayong lahat. Marami tayong makukuha kay Papa."sabi ko sakanila kaya agad silang nagtayuan. Lumabas ulit ako at dumeretso sa kwarto nang mga lalaki.

Halos lahat sila mga salubong at galit na gumising pero nang ibinato ko ang mga jacket nila biglamg umaliwalas ang mukha. This Morning is treasure.

Paglingon ko kay Papa may hawak na siyang megaphone.

"In 20 minutes! Ang hindi makakababa sa Sala, 50 push ups!"wala ako sa sariling napatawa nang marinig ang kalampagan sa mga kwarto, malamang sa malamang nagrrush sila.

Bumaba kaming dalawa ni Papa, agad akong mapamaang ng makitang may gym equipments ron. Si Yaya busy kakaluto. Sinuot ko ang jacket kong may Veneracion sa likod. Hanggang sa may pinakita sa akin si Papa na picture.

"Binigay ko sakanya kanina tutal three years ago panay ang  pagswap niyo."sabi ni Papa. Yumakap ako sakanya at humalik sa pisnge niya.

"Thankyou Pa. Ikaw palagi ang nandito para sakin."nakanguso kong sabi kay Papa. He smiled and gave me a forehead kiss.

"Dahil naranasan ko rin ang mga naranasan niyo. May araw na magiginh successful kayong katorse feeling ko nga maiiyak ako eh."natawa ako sa sinabi ni Papa.

"Paano ba yan, lahat ng Anak mo Captain."sabi ko. Sina Kuya kasi divided ang grupo nila dati dahil marami sila tapos ayon, three division and my Brother's are the Captain.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now