Chapter 71: Media

71 6 2
                                    

I have never been so nervous like this. Paikot ikot ako ngayon sa kwarto ko, after all of us celebrate our victory halos hindi ko na maramdaman ang kamay ko dahil sa panlalamig, after two days raw yung competition. I'm so very proud of the team, yung tipong tatanungin ka kung anong nararamdaman mo eh hindi mo masagot kasi there's no specific words how to describe your feelings. Passive ako sa pag-compliment kasi pakiramdam ko naiiyak ako palagi. All of us experienced a not good living, we have experienced being scammed, acussed and jailed at kung ano ano pang mga bagay na nakakapagpahina sa akin pero ngayon ramdam kong ito na ang simula, so as the Captain of Luctor et Emergo I'm giving my best for everything, ayokong ma disappoint sila kaya bigay na bigay ako for one hundred percent. All I wanted for my Team is to be happy.

I'm planning to write the game plan sana but I'm too nervous that leads mo not to think about something, blanko ang utak ko. Feeling ko hindi ko alam ang gagawin dahil sa kaba, honestly, I never expected that we'll reached for the finals, defeat Onyx Steal, the Top 12 group in the Philippines for DSO that leads for us to have a clash with Russia.

Rocket Emperor raw ang pangalan ng makakalaban namin, and guess what?! Sila ang Top 1 team ng Russia. I have read information kaya lalo pang dumagdag iyon sa kaba ko. Mas kinabahan pa ako rito kesa sa Bar Exam ko.

Napasabunot ako sa buhok because of frustration, kumuha na lang ako nang Susi. Lumabas ako sa kwarto dahil plano kong magikot para naman mawala kahit ng konti ang kaba ko.

Pagbaba ko nakita ko si Langston na gawa nanaman ng gawa nang assignment niya.

"Sana halls, collage na next year."sabi ko at dumulong sakanya. Napasulyap siya sa akin at nakangusong napailing iling

14 years old pa lang si Langston nung magkasama kami pero ngayon 18 na siya, habang nakatingin sakanya feeling ko ako yung nagluwal sakanya eh.

"Kakastress nga eh! Gusto ko na lang maging high school para kapag walang project isang floor wax ayos na agad."sabi niya kaya agad ko siyang binatukan.

Umupo ako sa tabi niya,"Ikaw bata ka sumbong talaga kita kay Lola."dumila lang siya sa akin.

"Alam mo Ate, stress na stress ka na. Kung ako sayo, tawagan mo yang si Aexl mo."sabi niya habang nagttype. Online Class lang si Langton simula nung 9 siya na nagkasama nga kami pero kapag tumuntong siya sa Collage ipapasok ko siya sa North University, syempre ako ang magpapaaral kay Langston ano, hindi narin kasi kaya nina Lola, tapos yung magulang pala ni Langston matagal na palang nawala kaya si Langston inaalagaan na nina Lolo at Lola.

"Anong gagawin ko kay Aexl?"takang tanong ko sakanya. Kinuha ko ang booklet niya na full of assignment at ako na ang naganswer.

Sinulyapan niya ako,"Kausapin mo, magusap kayo. Alam mo kasi Ate, kami palagi ang iniintindi mo pero yang sarili mo hindi mo iniintindi, you keep taking a good care of me where in fact you should take a care for yourself."

"Wow ha! English"sabi ko at sabay kaming natawa. I flip the page and answer again.

"Hoy, tangina. Halos mawasak ang ulo ko sa Math na yan pero ikaw dinaig mo pa si Einstein, paambon naman ng talino."binatukan ko siya nang kiniliti kiliti niya ako.

"Mas matalino si Loki sa akin, nagbabasa lang talaga ako at iniintindi ko ang lahat ng to, hindi tulad mong hindi pa inumpisahan sisigaw mo na pangalan ko 'Ate! Tulong! Tulong! Parang mamamatay ako Ate! Ate! Waaaah!', yan ka."panggagaya ko sakanya palagi. Tuwing may sinasagutan kasi siya hindi niya pa naman nababasa agad na siyang magmamaktol dahil hindi raw marunong.

Tuwang tuwa siyang napatawa at hinampas ako,"Kasi naman! Lahat kayo graduate na, kaya niyo namang answeran lahat ng assignment ko eh kaya ganon."he explained. Masama ang mukha kong nilingon siya sinarado ang booklet.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now