Chapter 118: Out for Delivery

68 9 1
                                    

This day is supposed to be the opening for Season 7 Tournament but Rie just received an email saying that the arena na paglalaruan namin, nasunog. Pero mabilis rin naman raw naagapan.

"Ano ba sanhi ng sunog?" Tanong ko kina Trevon. Nagv-video call lang kami. Kanina talaga, si Aexl ang kausap ko pero ngayon nandito na sina Arius, Trevon, Chevi at Lath.

Kaya nga ayan nanaman ang bagot na mukha ni Aexl.

"[Apoy.]" Sagot ni Chevi at humagikgik.

"[Last mo na 'yan, h'wag ka nang umulit.]" Pangbabara sakanya ni Lath.

"Pero ano nga?" Umupo sa tabi ko si Langston at inagaw sa'kin ang cellphone ko para mamakyu kay Chevi.

"[Lumiyab raw yung tatlong PC ron. Sa pinagsaksakan yata nagsimula.]" Trevon stated.

"San mo na laman?" Tanong sakanya ni Langston.

"[Kina Boss, alam mo na Kristopher ang major sponsor ngayon season.]"

Nagkwento sina Trevon sa nalalaman nila hanggang umabot sa tsismisan tungkol sa host.

Si Aexl, nananahimik lang habang siya ang may hawak sa cellphone. Bagot na bagot ang mukha niya na para bang pagod na pagod na siya tuwing sumusulpot ang mga kaibigan niya tuwing naguusap kami.

"[Kailan kayo matatapos?]" Tanong sakanila ni Aexl. "[Tuwing nag-uusap kami sulpot kayo ng sulpot!]" Binatukan niya isa isa sina Trevon na tumawa lang.

"[Bye Euphi! Jowa mo nagseselos! Ba-bye! See you after 3 days!]" Kumaway kaway na sila sa camera pero si Chevi nasa tabi parin ni Aexl kaya itong kumag na 'to, tumayo at biglang tumakbo.

"[Chevian! Wag mo 'kong sundan!]" Rinig kong sigaw niya. Sa background, rinig ko naman ang pagtawa ni Chevi.

Maya pa, nakita ko na si Aexl na lumabas sa bahay nila. Pumunta siya sa parang garden.

"[Alam mo ba 'yung duyan dati na binagsakan nina Chevian binitbit nila hanggang dito.]" Aniya at tumawa.

"Ang tagal na nun ah, hindi pa ba marupok?"

"[Hindi naman.]" Humiga si Aexl sa duyan. "[Dito nga ako nakahiga eh.]" Itinaas niya lalo ang cellphone niya para makita siyang nagduduyan. "[Mas matibay pa 'to sa tuhod ng Nanay ko.]"

Dinuyan niya ang sarili niya.

Yon na lang ang paglakas ng tawa ko ng biglang naputol ang pisi at bumagsak ang gago.

Napakuha na ako ng unan at itinabon sa mukha ko.

"[Aray, putangina.]" I heard him. Nakarinig na ako ng iba't ibang tawa mula sa background niya.

Binaba ko ang unan. Sa screen nakita ko nang si Mayux ang nasa screen. He flipped the camera kaya nakita ko si Aexl na nasa lupa nakahiga habang pinagtatawanan nina Dalion.

"[Pakitang gilas kasi sa girlfriend, ayan tuloy!]" Narinig ko si Kuya Eiko. Tumatawa pa.

"[Hoy, nakita mo 'yon? Buhay pa 'ko Euphi]" Aniya ng maagaw ang telepono kina Mayux.

Naglalakad nanaman siya ngayon.

"Gago ka talaga, Veneracion. Pumwesto ka na nga lang jan sa kung saan may upuan! Dami mong exhibition." Bumungisngis ako. "Ilang palaka nahuli mo?"

"[Mga five.]" He showed me my palms. Hindi ako matigil sa pagtawa kaya ang tanga natawa rin. Natawa sa sariling katangahan.

"H'wag ka nang mag-likot. Ang gulo mo."

"[Yes po, opo. Ito na po, uupo na.]" Ngumiti siya na parang bata. Napailing ako.

"[Hindi pa naman tayo sure sa magiging schedule ng match...]"

District Survival OnlineOnde as histórias ganham vida. Descobre agora