Chapter 4: Captain Lazarus

204 11 10
                                    


Saktong alas sais ako nakauwi, pagpasok ko sa bahay agad na may ibinatong paper bag si Kuya Eiko na saktong tumama sa mukha ko. Binuksan ko naman iyon ng walang pasabi.

Napangiwi na lang ako sa nakita. Isang lace-up plunging shirt dress at itim na open stiletto. Malamang sa malamang may Family dinner nanaman.

"Ano nanaman bang meron?"tanong ko sa tatlo kong Kuya habang nakasunod sakanila paakyat sa hagdanan.

"Family Dinner, bobo mo talaga"sagot ni Kuya Eiko kaya inabot ko siya at binatukan. Pumasok silang tatlo sa kwarto ko kaya napangiwi na lang ako.

Dahil nga magrereklamo nanaman tong mga to kapag tumagal ako pumasok ako sa walk in closet ko at dun nagbihis. Imbes na suutin ang stiletto kumuha ako ng boots na lagpas sa angkle ko. Paglabas ko napamewang ako ng makitang pinagbubuksan nila ang binili ko sa watsons.

"Oy! Pucha! Akin na lang to!"sabi ni Kuya Eiko habang hawak hawak na ang hoodie na binili ko. Tumakbo ako sa gawi niya at inagaw iyon.

"Gago, bumili ka ron"sagot ko at hinagis ang hoodie sa kama ko. Si Kuya Euriel naman busy sa pag bblower. Ayaw bumili ng blower kasi gustong makigamit. Si Kuya Yuri naman kumuha ng sanitizer na kakabili ko lang, akmang ipapasok niya iyon sa bulsa niya ng maramdaman niya ang titig ko.

Ngumiti siya na parang bata,"Akin na lang to. Damot mo"

Namewang ako,"Hoy! Hatdog ka. Hindi pa nga ako nagsasalita madamot na agad"sabi ko, inirapan niya naman ako.

Nakapolo nanaman silang tatlo kaya mukhang formal dinner nanaman 'to. Hindi kami magkasama nina Mama at Papa sa iisang bahay dahil meron naman sila ng kanila at meron rin kami which is ito nga, yung tinitirahan naming tatlo. Gusto raw ni Mama at Papa na lalo pa kaming maging close kaya ganun, andaming kenemerut.

"Sino ba ang ka dinner ha?"tanong ko. Napakibit balikat naman silang tatlo.

-

Nakaupo kaming dalawa ni Kuye Eiko sa back seat habang si Kuya Yuri nasa may shotgun at si Kuya Euriel ang driver.

"Saan makakabili ng nerve gear?"tanong ko, sabay sabay silang napalingon sa akin, si Kuya Euriel agad na binalik ang tingin sa unahan dahil baka mamatay kami ng wala sa oras.

"Maglalaro ka?"tanong ni Kuya Yuri kaya agad akong napatango at inayos ang buhok ko. Nag lip balm lang ako dahil maganda naman ako, charot. Kay Kuya Euriel pa na lipbalm ang gamit ko, hindi kasi ako palabili ng face products.

"Oo, try lang naman. Nag explain kasi sakin sina Loki at Che---"

"Chevi?!"sigaw na patanong ni Kuya Eiko kaya agad ko siyang hinampas sa balikat dahil masakit sa tenga ang boses niya.

"Oo, friends na kami ng batang iyon, even Loki. Kaya dalawa na kaibigan ko"sagot ko at nag chat kay Loki dahil ang gaga panay ang pag sspam niya sa akin.

"Bakit ba kasi napaka-introvert mo?"tanong ni Kuya Euriel.

"Akala mo hindi introvert eh. Li-lima ang kaibigan"pagpaparinig ni Kuya Eiko, natawa naman si Kuya Yuri at inangat ang cellphone para nanaman mag picture. Sa aming apat si Kuya Yuri ang madaming friends pero sabi niya lima lang raw ang real. Si Kuya Eiko naman ang mas madaming friends, halos ka close niya lahat, wala eh ang daling makipagplastikan rito, charot. Habang kami ni Kuya Euriel iilan lang, hindi ko nga alam kung bakit eh...bata pa lang ako, ang mga kapatid ko lang at si Loki ang ka close ko. Nung bata raw ako sabi ni Mama agad akong umiiyak kapag may bagong tao na hahawak sa akin. Nang lumaki na hindi ako palakaibigan, hindi ko rin alam kung bakit, dahil siguro bitchesa ang mga taga North University.

"Ayoko ng madami. Magastos sa inuman"pawalang pakialam ma sabi ni Kuya Euriel kaya natawa ako.

"Patawa tawa ang dalawa lang ang kaibigan"pagpaparinig niya kaya napairap ako.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now