Chapter 92: ('∩。• ᵕ •。∩')

85 8 1
                                    

Vallerin Aexl Veneracion
Captain Cerberus of Principium

Naginat agad ako paggising ko. Bukas na 'yung Summer Cup pero hindi ako kabado dahil alam kong samin parin ang panalo.

I grab my phone to check if my Captain messaged me. Napanguso ako nang wala sa oras dahil wala, itong baby ko busy'ng busy, haist, it's okay though, we're adults, we got heavy responsibilities. Instead of waiting for her message I message her first.

My baby oink:

Morning, I love you ♡˖꒰ᵕ༚ᵕ⑅꒱

Bahagya akong napatawa dahil sa name niya sa contacts ko, hindi niya naman na nakikita kaya ayos lang. Ewan ko sakanya kung bakit hindi siya nakikicheck ng mga socmed ko, feeling ko tuloy wala siyang pakialam or over acting lang talaga 'ko. Euphrasia is too respectful when it comes to phone thingy, kung hindi ko pa sasabihin o 'di kaya pipilitin na tignan niya cellphone ko hindi niya pa titignan. I don't intend to something, I just wanted her to see and know everything I have, kahit ano pa 'yon.

After minutes of waiting she didn't respond, sure she's busy. I shrugged and went to the bathroom to shower.

After taking a bath I went out with only a towel covering my bottom. My phone beeped, mukha akong gago na mabilis pa sa alas kwatro kung kunin 'yung cellphone ko. Well, this is Euphrasia effect.

My baby oink:

I love you (っ˘з(˘⌣˘ )

I held my chest and smile like an idiot. I'm so fucking in love. Ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan at ngumiti habang paulit ulit na binabasa ang reply niya.

May kumatok sa pinto."Gago, kailan ka lalabas? Andito sina Boss!" Boses ni Trevon.

"Lalabas na 'ko, teka!" I replied and hurriedly stood up. Agad akong kumuha nang damit, a black sweater and a gray sweatpants. Hindi na 'ko nagabalang magsuklay dahil hindi naman talaga ako nagsusuklay.

Kinuha ko lang 'yung cellphone ko at agad na nagsuot ng slides at lumabas na sa pinto. Nakasalubong ko si Chevian na salubong ang kilay.

"Hoy, anong mukha 'yan?" Tanong ko, sinamaan niya ako nang tingin at agad na padabog na naglakad pababa.

Namewang naman ako. "Anyare sa batang 'yon?"

"Hindi matanggal yung pagkapikon ng matalo ni Drain." Sabi ni River habang nagsusuklay.

Napailing iling na lang ako. Ang init ng ulo niya sa Luctor et Emergo, mukhang tanga.

Sabay kaming bumaba ni River, alas nueve na nang umaga. Not all the time andito sina Boss, kasi nga may mga baby na sila kaya less na sila rito.

Kung may baby kaya kami ni Euphi? Ang cute siguro, cute tatay eh.

"Ke-aga aga nagiimagine ka jan." Agad akong binatukan ni Ate Samsam kaya siniko ko siya. Itong babaeng 'to, wala paring jowa.

"Oo naman, imagine ko lang na kasal na kami ni Euphi tapos ikaw wala paring boyfriend." Pangaasar ko.

"Gago!" Akmang babatukan niya pa ako nang tumakbo na ako pababa habang tumatawa.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now