Chapter 30: "The Captain's"

127 7 3
                                    

Sinamaan nila ako nang tingin kaya agad akong napahawak sa espada na nasa bewang ko.

"Look who we got here?! A bunch of bitches!"sigaw ni Pine na nasa itaas ng Puno.

"Itahimik mo nga yang bibig mo!"sigaw pabalik ng isa.

Akmang susugurin nila akong lahat ng maunahan kong kontrolin ang tubig na nasa may fountain. Humampas ang mga iyon sakanila kaya agad akong napakamot sa ulo. Yung crest kasi na nakuha ko kayang kontrolin ang tubig katulad ng sa mga taga Aqua.

"Yung Poseidon's Crest na hawak dati nang Silent Peace!"sigaw ng Isa kasabay non ay ang pagsulpot nina Chaos sa harap ko.

"Friendship Over na talaga tayo"sabi ni Chester kaya agad akong napasimangot.

"Bakit kasi? Ano bang kasalanan ko?"tanong ko, nilingon naman nila ako at sabay na inirapan. Mukhang malaki ang kasalanan ko na hindi ko man lang alam.

"Ano bang problema niyo?"tanong ni Terra3 sakanila. Biglang sumulpot sina Pine at iilang mga taga Lightning, Red Ant at Cow's Roar na taga District 1 na nakalaban ko nung tournament.

"Yan! Halos lahat na lang nakukuha n----"

"Malamang mas magaling siya sainyo"sabay na sagot nina Chaos at Pine.

Bigla silang naglabasan ng mga espada kaya halos gusto kong pumadyak sa inis.

"Chaos"tawag ko. Napalingon sila sa akin kaya binigay ko iyon sakanilang anim. Muntikan ng tumili si Chester kung hindi lang tinakpan ni Terra3 ang bibig niya.

"Hindi mo kami masusuhula---"

"Tanga, kahit hindi na tayo bati sainyo talaga iyan. Nakuha ko yan don"Sabi ko. Biglang ngumiti si Demon Blood kaya binatukan siya nang lima.

"Ay kami wala?"nakangusong sabi ni Pine kaya agad akong napangiwi.

"Hindi, tangina mo"sabi ko at hinugot ang espada ko.

"Anak nampucha"komento nila kaya napailing na lang ako. We battled those bitches. Madali ko lang silang napapatay dahil masyadong malakas ang espada ko.

After we battled with them ito ako ngayon nakasunod kina Chaos.

"Chaos...uyyy"

"Aalis nga kami"

"Saan?"

"Doon"

"Saang doon?"

"Jan"

"Saan jan?"

"Doon nga"

"Saan nga don?"

Huminto sila at nilingon ako.

"Uminom tayo kape"sabi ko pero umiling sila

"Bakit nga? Apat na araw ko kayong hindi nakasama! Dalawa dahil wala kayo rito! Tapos dalawa kasi hindi niyo ko pinapansin!"

"Ikaw kasi Yakult!"sigaw ni Chester sabay dabog

Nagdabog rin ako nang paa,"Oh ano?!"

"Inaya ka namin sa Silent Peace! Pero bakit sa Principium ka sumama?!"inis niyang sabi. Natigilan naman ako pero agad ding napangisi.

"Anong mali ron?"tanong ko. Agad na nagsalubong ang kilay nina Chaos, Rocco at Terra3, si Hendrickson naman wagas makatitig na akala mo alam ang mga krimen na ginawa ko sa buhay tapos itong si Demon Blood umiling iling lang.

"Nauna kaming umaya sayo! Si Chaos pa ang umaya! Kapag si Chaos ang umaya! Matik na totoo iyon! Nireccomend ka pa namin sa buong team tapos kina Coach tapos sa Boss! Tapos malalaman naming pinagkakaguluhan na ang Principium dahil sayo!"

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now