Chapter 38: Nonsense Quarrel

108 6 7
                                    

"[Ano tong nabalitaan ko ha?]"agad na tanong ni Kuya Euriel, ngumisi ngisi ako.

"Wala naman, nasali lang naman sa District Survival tapos secret na yung iba"sagot ko. Biglang may babae na lumitaw sa screen kaya agad na itinagilid ni Kuya Euriel yung camera.

Natawa naman ako,"Mukha kang hatdog, patago tago pa"

Napakamot naman sa ulo si Kuya."[Hindi pa pwede ngayon, may problema rito eh]"

"Ano? Hindi payag si Mama?! Asus! Wala na kayo sa kalendaryo bat ba kayo pinagbabawalan?!"inis kong sabi na siyang ikinasimangot niya.

"[Tanga, ayos nga na magkaroon kami nang ganito. Ang problema lang---]"

"Ano?! Wala kayong balak na magpaksal kasi may third-party?!"

"[Tanga. Ikaw nga tong madaming manliligaw hindi man lang sinasabi sa amin]"pagsulpot bigla ni Kuya Eiko. Si Kuya Yuri humiga rin kaya magkakatabi nanaman silang tatlo.

"Tanga, kahapon lang 'yon! Atsaka automatic agad iyon! Hindi ko nga napansin yung mga message nila bago yung mga padala eh! Atsaka instant busted na agad iyon!"

"[Ayos naman si Gemini ah]"si Kuya Eiko, napangiwi ako.

"[Hindi, Si Asher rin]"si Kuya Yuri, napasimangot ako.

"[Si Zetlan or si Herwth]"si Kuya Euriel, napairap ako.

"Sige! Ibugaw niyo ko! Mga dimunyu!"

"[Kahit anong bugaw namin sayo alam naming ayaw mo]"sabi ni Kuya Eiko.

"Wala raw. Meron na eh"sabi ko kunwari. Agad na nagsalubong ang mga kilay nila kaya natawa ako.

"Joke lang. Mga hatdog"

"[Hoy disenuebe ka pa lang, sinasabi ko sayo]"

"Oo na...."may nakita akong tatlong babae na naguusap sa gilid kaya agad akong ngumisi ngisi.

"[Nginingisi ngisi mo?]"tanong ni Kuya Euriel.

"Bat nasa iisang kwarto kayo? Infairness ang gaganda nila"sabay sabay silang napalingon sa likod. Napatingin naman sakanila yung mga bebe nila. Napatili naman ako.

"[Babe?]"sabay sabay nilang tanong kaya lalo pa akong natawa

"[What?! Mukha kayong mga gago, wala kaming ginagawa rito]"sagot ng Isa kaya napatawa ako, matapang mukhang jowa ni Kuya Yuri.

"[We're just busy talking]"inosenteng sagot ng Isa, sure Jowa ni Kuya Eiko.

"[Oh? What's with you?]"malditang tanong ng Isa, sure kay Kuya Euriel iyon.

"Kuyaaaaaa!!!! Ang gaganda!!!!"sigaw ko pagtingin nilang tatlo pabalik sa camera. Natawa na lang ako ng pinagtaasan nila ako nang gitnang daliri sabay patay ng tawag.

Tumayo ako sa pagkakahiga at agad na nagstreching, para naman maayos akong makapaglaro mamaya. Alas tres pa lang ng hapon, tapos mamayang six ako kakain tapos alas siete mag oo-ol ako.

"Bebs!"kumatok si Chevi sa pintuan kaya agad akong lumapit ron at binuksan.

"Oh?"

"Ikaw muna sumama kay Cap sa mall. Inaantok ako eh"sabi niya at pumasok sa kwarto ko. Malamang dito siya matutulog kasi mas malakas aircon ko rito.

"Bakit? Anong gagawin niya ron?"

"May bibilhin yatang kung ano, gusto ng kasama eh"sagot niya at binagsak ang katawan sa kama

"Edi yung Hannah isama niya"sagot ko. Biglang napalingon sa akin si Chevi, nakapikit ang isang mata niya habang nakangisi sa akin.

"Bakit? Selos ka?"

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now