Chapter 52: Hideous Clash, First Game

70 6 7
                                    

GAME WORLD

Nakatago lang ako sa Isang building. Meron kaming Practice play na tinawag nilang Hideous Clash. Hindi naman siya tulad ng Hideous Night, for title purposes lang talaga.

Kagabi, it's worse than ever. Sierra even insulted me for just being famous sa DSO dahil una akong babae tapos walang laban sakanya. Nanalo kasi siya kagabi sa duel namin. Nakakasama lang ng loob pero ayos lang iyan.

Nakita ko si Dubheasa na tumatakbo agad akong lumabas ng makitang hinahabol siya nina Sephtis at Deianira. Agad kong isinangga sa aming dalawa ang kalasag ko nang biglang lumabas sina Azvameth at Morana.

"Girl ang tanga ng ginawa mo"naiiling na sabi niya.

"Ha bakit?"

"May planong ambush sina Hadeon kaso winasak mo"sabi niya sa akin. She looked at me with disappointment, hindi ko malaman ang gagawin dahil siguradong kawawa nanaman ako nito mamaya dahil sa mga sasabihin nila.

"Sis! Kailangan kita rito!"sigaw ni Trickster mula sa taas agad kong ginawang airboard ang Godsword ko at sumunod kay Trickster.

"Okay ka lang?"tanong niya kaya agad akong umiling.

"Hayaan mo sila ako ang sasali sayo. Kung hindi mo naman ginawa iyon hindi makakatakas si Rapier.x

"Loki, mukhang hindi talaga bagay sakin to. Nasira ko yung ambush siguradong mangyayari nanaman yung kagabi. Ayoko na."sabi ko sakanya. Napailing siya at tinapik ako sa balikat.

"Tapusin lang natin to. Ako ang bahala sayo, kami ang bahala sayo ni Donovan. Ngayon protektahan moko."sabi niya kaya agad kong pinalabas ang serpent ko.

Naninibago ako. Pakiramdam ko napakahina ko ngayon. Pakiramdam ko hindi talaga to pwede sa akin tulad na lang ng sinabi ni Mama.

Naririnig ko ang pagmumura nina Hadeon at Aridam dahil biglang naharangan ng serpent ko ang ginawa nilang atake kaya nakatakas sina Bludgeon.

Nilingon ako ni Trickster. Ngumiti lang ako at agad na inayos ang sarili ko.

Bawat atake na pinapakawalan ni Sephtis agad na lumalampas sa amin.

"Subukan mong ihambalos kay Sephtis yung buntot mo."sabi ni Trickster habang hawak hawak ang staff niya. He's now casting some spells.

Kasabay ng paggalaw ko ay siyang pagkabigla ko dahil si Aridam ang natamaan na siyang ikinawala niya sa laro.

Nanginginig na ang mga kamay ko kaya wala ako sa sariling nalaglag sa sariling bitag. Kasabay ng pagbagsak ko sa baba ay siyang pagtarak agad ni Sauda sa akin ng espada niya.

Hindi ko akalain na magiging ganito ako kahina.

++

REAL WORLD

"Bobo ka ba?! Alam mo namang andun ako diba?"bungad agad ni Lenox pagtanggal ko nang nerve gear.

"H-hindi ko sinasad----"

"Ni ambush winasak mo! Nakikinig ka ba? Isa ka nga ba talagang Kristopher? Hanggang pasikat ka na lang eh! Maraming nagsasabing malakas ka pero sabi sabi lang pala yon. Tanginang yan."sabi ni Lenox. Pabagsak na binaba ni Loki ang nerve gear niya.

"Eh gago ka pala eh. Ikaw ang sumulpot ron! Wag mong tawaging bobo dahil mas bobo ka! Ambush ba yon?! Nagkalat kayo tapos ambush?! Tapos kung may maling nagawa ang Isa si Euphrasia ang sisihin niyo! Sino ka ba para magyabang ha?!"ganting asik ni Loki.

"Huwaw! Kagabi pa kayong ganyan! Wala kayong may natulong sa grupo kundi magpasikat dahil puro halos rare items ang hawak! Benta mo kaya yan hindi bagay yan sayo! Ni hindi mo nga magamit ng maayos!"sabi niya habang deretsong nakatingin sa akin.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now