Chapter 2: The Captain with Principles is No Longer Ruling

237 13 0
                                    

REAL WORLD

Pagbaba ko sa Kusina andun na ang tatlong kapatid ko, Isang strikto, Isang Masungit at Isang abnormal.

"Diba summer break niyo na?"tanong ni Kuya Eiko sabay kaltok sa akin paglapit ko kaya agad siyang binatukan ni Kuya Euriel.

Umupo ako sa stool,"Hindi, winter break, disposal break, menopause break, periodical break at heart break"pagiisa ko, kakaltukan niya sana ulit ako ng binato na siya ni Kuya Euriel ng kutsara.

"Itong si Doctor kapag si Euphi ang nangkaltok parang wala lang eh"sabi ni Kuya Eiko sa nangongonsensyang boses.

Seryoso naman siyang tinignan ni Kuya Euriel,"Kung pumatol iyan magtutuloy na iyan hanggang sa umiyak kung sino man sainyong dalawa. Dise nuebe na't bente sais mga isip bata parin"

Madrama kaming napahawak sa dibdiban namin habang nakatingin kay Kuya Euriel.

"At least kami may Jowa!"sabay naming sabi kahit wala naman talaga.

Nanlisik ang mga mata nilang napabaling sa akin kaya wala ako sa hulog na napalunok. Bat ko ba sinabi iyon? Ayaw nilang magka boyfriend ako kasi raw ayaw nilang makakita ng unggoy.

"Hoy joke lang naman"depensa ko. Ang kaninang maloko na si Kuya Eiko seryosong nakatingin sa akin, si Kuya Yuri naman na nagluluto lang nakakrus na ang braso habang si Kuya Euriel lalo pang naging strikto ang mukha.

"Akin na cellphone mo"Kuya Eiko urged. Napasimangot ako at binigay ang cellphone ko.

Napatingin ako kay Kuya Euriel,"Wala nga akong boyfriend! Joke lang nga eh!"

"Riel, may lalaking ka chat!"pagsumbong ni Kuya Eiko kaya agad kong hinablot ang cellphone ko at tinignan iyon.

"Kita mo na? May jowa"

Nagtayuan silang tatlo at pumunta sa likod ko para makitsismis sa cellphone ko. Tinago ko iyon kahit wala namang kailangan itago, sabay sabay nila akong binatukan kaya parang lalabas ang aking fucking spirit.

"Amputa!"sigaw ko kaya binatukan nanaman nila ako.

"Ipakita mo"utos ni Kuya Yuri kaya binuksan ko cellphone ko kasabay nun ay ang pag pop up ng Fried Request galing sa Facebook.

Chevian Ramirez sent you a friend request.

"Hoy! Child abuse ka! 13 pa lang si Chevi!"sigaw ni Kuya Eiko kaya siya naman ang nakatanggap ng batok.

"Tanga ka rin. Pinatahan ko lang yan ng Isang araw"

Dahil wala naman silang nakita sa cellphone ko nagsibalikan sa mga ginagawa nila. Anim nga lang friends ko sa facebook. Dumungaw ako sa cellphone ni Kuya Eiko, nag sstalk siya sa account ko, wala naman siyang nakikita jan maliban sa mga memes.

"Bakit hindi ka mag laro ng DSO?"tanong ni Kuya Yuri at naglagay ng pagkain sa hapag. Wala kaming katulong dahil ayaw nina Mama at Papa.

Napakibit balikat ako at umiling,"Hindi ako player"

"Matuto ka rin naman. Ang bored ng buhay mo, si Loki lang kaibigan mo tapos panay ang pagbabasa mo ng kung anong romance na akala mo magiging totoo ang mga fictional characters mo"sabi ni Kuya Eiko with matching action action.

"Bakit? Yang pinagyayabang mong maging kayo ni Ate Mira nagkatotoo ba?"I fired back, napaubo ang dalawa at tumawa. Si Kuya Eiko naman inirapan ako sabay batok kaya natawa ako.

"Atsaka hindi romance ang binabasa ko, tungkol iyon sa utak ng tao na hindi ko malaman kung bakita ka naging tao eh wala ka namang utak"sabi ko at tumuhog ng hatdog.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now