Chapter 131: Backing Him Up

65 5 1
                                    

Euphrasia POV


Sa wakas tapos na rin ang laro and there will be a next game by tomorrow. Ngayon, magkasama kami ni Aexl, he's putting our things inside his car. Pupunta pa kaming restaurant dahil nag-ayang mag-dinner ang pamilya. And Lolo wanted Aexl to be there too.

While standing behind Aexl and watching him fixing our things inside the car, I heard men talking behind me. May kotse ring nakaparada at nakatalikod sila sa gawi namin.

"Tinalo ng LEM yung Figure 7. 1 v 3 daw si Euphrasia. Ang lupit!"

"Kahit gaano pa yan kalupit sa laro mas malupit parin kung sa kama ulit makikita."

"Oh, speaking of the devil. Hi Cap." A hand touched my waist. Agad akong napalayo at napahawak sa dulo ng damit ni Aexl.

That triggered me. Bago pa ako makapag-react si Aexl wala na sa harapan ko. Tinapik niya pa ang kamay ng lalaki. "Anong problema mo, Pre?" maangas na tanong nito.

"Yang pagkabuhay mo. Don't you dare speak ill and touch her. Dudugo yang nguso mo." Aexl is facing the man. Masama ang tingin sakanya ng lalaki, masyadong arogante. "Isipin mo nanay mo o mga babae mong kapatid bago ka mag-isip at magsalita ng kabalastugan, tangina ka."

"Aba, wala kang pakialam sa sasabihin ko. Ang arte mo naman. Parang bewang lang." Tinulak tulak niya si Aexl. "Ano naman ngayon kung pro player ka? Kung artista? Papaduguin ko yang nguso mo. Hindi lang ikaw ang marunong."

"Pre, tama na 'yan Pre. Ikaw yung mali." Tinapik siya ng kaibigan niya. "Pasensya na, Boss—"

"Hindi! Mayabang e. Suntukan oh." Pag-aya ng lalaki.

Umismid si Aexl. Tinaas niya ang sleeve ng jersey jacket niya. "Ako pang mayabang kung yang bunganga mo kung ano anong kagaguhan ang pinagsasabi. Parang hindi ka galing sa babae para di bigyan ng respeto girlfriend ko." Hinawakan ko ang dulo ng jacket ni Aexl at hinila hila.

"Vallerin, wag mo nang patulan." I said to him.

Pero hindi niya ako pinakinggan. Hinawakan niya ako sa kamay at inilipat sa likod niya. Hindi ako makatingin ng deretso, nakayuko lang ako. Akala ko maayos na ako pero hindi pa din and it's frustrating. "Stand back. I don't care about anything now maliban sa'yo." He told me.

Tumawa ang lalaki at tinapik pa sa ulo si Aexl. Hindi naman gumalaw si Aexl at hinayaan siyang hampas hampasin siya sa ulo. He's still composing himself.

"Pinaglalaban mo walang kaputihan!" Umiling ito. Sumuntok ang lalaki. Umiwas si Aexl at agad siyang binigyan ng suntok sa panga at isa pang suntok sa nguso.

Napatabon ako sa labi ng bumagsak ang lalaki habang dumudugo ang nguso. That was one hit! Bunga ba to ng pagsama niya sa sparring kasama ang mga kapatid ko? Damn.

"Boss..." the guy's friend uttered in shock while staring at Aexl.

"Kung magdedemanda 'yan sa ginawa ko, ito number ko. Tawagan mo ko." Binigay ni Aexl ang calling card niya na tinanggap rin ng lalaki.

Bumaling sa akin si Aexl at hinawakan ang kamay ko. "Tara na. Hinihintay tayo nina Boss."

"Aexl naman kasi..."

"What? I just can't stand there doing nothing while they're speaking ill about you. I don't care if they will call me out and my career will fall out because I punched a man. My career is nothing compared to you. I have my principles, Euphrasia." he said and opened the door kaya pumasok ako.

"It's you or nothing." Yan ang huling sinabi niya bago isarado ang pintuan.  And my body is trembling when I saw people around the area. Malamang nakita nila 'yon! If something bad will happen to Aexl's career because of that, the blame is all on mine.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now