Chapter 48: Contacted

82 7 15
                                    

I'm peacefully sleeping when someone just called me exactly 4 in the morning.

"Mahadera ka nang taon bakla."bungad ko kaagad kay Loki.

Biglaan siyang tumili kaya nailayo ko ang cellphone ko sa tenga.

"[Bakla! Babe! Oh em gee! May naginvite sa akin!]"

"Saan nanaman?"I asked him. Sana naman wag sa bar kasi ayoko na ron andaming masakit sa eyes, hehe.

"[Management Babe! They're finding E-sport players! Tapos ayun! Na-email ako nila kasi nga napanuod nila yung Day 14 ng District Survival!.......]"nagkwento na nga si Loki kaya nakikinig rin ako habang nakapikit at naantok pa. Antok na antok ako kasi naglive stream si Chester at sumama kaming dalawa ni Chevi, tapos alas dos na kami nang madaling araw natapos. Ang ginawa namin, nakipaglaban sa Auditorium of Illegality.

"[Tapos babe! Ang sabi! May 14 players raw silang ini-email kaso hindi pa sumagot! Ako raw ang una nilang tinawagan! Sa tingin mo, scam ba yon o hindi?]"I just groaned.

"[Babe? Anong oras ka bang natulog?]"

"Alas dos, naglive stream kami."inaantok kong sagot.

"[Ay gago ka! Teka! Pupunta na lang ako jan sa bahay niyo mamayang alas nuebe! Sa labas tayo kumain! Libre ko]"bahagya akong natawa.

"Sige babe"

"[Ukiiii! Sleep well! Mwuah!]"

+

Wala ako sa sariling napatabon ng unan sa tenga nang magsipasok ang mga Kapatid ko.

"Yaya! May hugasin na ron!"sigaw ni Kuya Eiko. Nagsalubong na lang kilay ko dahil sa pagkairita sa mga boses nila.

Maya maya pa, napadaing na lang ako nang niyakap na nila ako at may dumagan.

"Gising na baby damulag."bulong bulong ni Kuya Yuri. Malamang sa malamang siya ang nakadagan tapos sina Kuya Eiko at Kuya Euriel ang nakayakap.

"Gigising na iyan. Madaming nagaantay sayo sa baba..."nangaasar ang boses ni Kuya Eiko..."Syempre, mga plato. Wala ka namang jowa eh. Mga plato ron hugasan mo." Agad silang nagtawanan.

"Ang pangit niyang umiyak. Mukhang baboy na kinatay habang sumisigaw ng Kuya."pangaasar ni Kuya Euriel at sabay silang natawa kaya napairap na lang ako. Ganito sila tuwing umaga, imbis na ang mga jowa ang guluhin ako ang ginugulo.

"Gago, pagod yan. Kasama sina Chevian at yung Chester sa Silent Peace. Hayaan niyo nga jan
"malamang si Ate Xleen niyo. Nang magkasama kami sa bahay nakahanap na ako nang kakampi kaya parating sumisinangot sina Kuya eh.

"Hindi to pagod. Halatang gising gusto lang ng yakap kasi mahal kami."sagot ni Kuya Eiko at agad akong hinawakan sa leeg kaya buong pwersa ko siyang siniko kaya napaubo siya. Sa pagsasama namin, tinuturuan ako nina Ate nang self defense kaya lumakas mga suntok ko.

"Aray! Kita niyo?"

"Bumaba na kayo pagkatapos. Si Loki andun na sa baba kakadating lang."sa sinabi ni Ate Xleen agad akong bumangon pero napahiga ulit dahil nakadamba pala si Kuya Yuri.

Natawa silang tatlo,"Yan mukhang tanga."

"Alis na nga! Ang bibigat niyo."reklamo ko. Nandidiri akong tinignan sila Isa isa dahil hinalikan nila ako sa pisnge bago bumangon.

"Ang arte mo ah! Nung baby na baby ka pa nga eh ikaw ang kumi-kiss sa amin! Tapos kapag hindi ka kinikiss, sisigaw ka nang 'Kuya!' tapos iiyak ka."panggagaya ni Kuya Eiko sa paraan ko nang pagsigaw ng Kuya. Agad ko silang binato nang unan kaya tumawa sila at pinulot yon sabay bato sa akin pabalik.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now