Chapter 28: Mysterious Island is Mystery

122 10 1
                                    


"Bebs! Bebs!"sigaw ni Chevi sa labas ng kwarto ko.

"Bub! Bub!"sigaw rin ni Trevon.

"Babs! Babs!"sigaw rin ni Arius.

"Bhie"si Conan, mahina man pero naririnig ko rin naman.

"Bebe ko!"sigaw ni Lath sabay tawa.

Napailing na lang ako. Kagabi pa sila ganiyan, may mga endearment na sila sa akin mukhang mga tanga.

Kinalampag na nila yung pintuan kaya napilitan na akong huwag mag blower. Exited kasi pumuntang MCDO, mukhang mga hatdog. I'm wearing a tank top and a highwaisted track pants. Kumuha ako ng bomber jacket at nagsuot lang ng tsinelas.

Pagbukas ko ng pintuan bumungad silang lima sa akin, puro naka-mask at cap, mukha silang mga men in black dahil na rin puro nakajacket.

"Wew, artista kayo mga sis"sabi ko, hinampas naman ako ni Chevi sa braso.

"Hiyang hiya naman kami sayong magpa-fashion show"agad kong pinulot ang tsinelas ko at akmang ihahampas kay Trevon ng tumakbo na siya pababa.

"Pangit mo talaga Bling"pangaasar pa nila sabay takbo maliban kay Lath. Napangiwi na lang ako kaya natawa tong isa.

Inakbayan niya naman ako at sabay kaming dumulong sa baba.

"Ang basa ng buhok mo"bungad ni Captain. Binigyan naman siya ni Vash ng twalya.

"Wag na yan Cap! Exited nakong mag kape!"sigaw ni Chevi sabay high kick. Itong batang to kagabi pa high kick ng high kick, kagabi muntikan nang mabagok ang ulo niya dahil sa unang high kick niya nadulas siya.

"Mabuti sana kung maikli lang buhok. Itong si Chevian ewan ko sayong bata ka, punasan mo buhok niya Aexl ako na rito kay Euphi"sabi ni Ate Samsam. At yun na nga ang nangyari, Chevian's hair was dried by the Captain habang sakin si Ate Samsam.

"Ang haba ng buhok mo beh"sabi niya kaya natatawa akong napatango. Ang bilis humaba nang buhok ko, dati hanggang kilikili lang ngayon hanggang bewang na

Paglabas naming anim dumeretso kami sa parking lot, sa kanilang lahat kasi si Lath yung may kotse. Sumakay ako sa motor ko at pinainit ang makina, si Chevian binuksan na ang shotgun seat pero ng marinig ang motor ko agad siyang lumingon sabay sarado ng pintuan at naglakad paunti unti habang ang mga kamay nasa likod at nakangiti sa akin na kung saan lumabas na ang dimples niya.

Natatawa akong napatango,"Halika na rito"agad siyang tumakbo sabay sampa sa motor ko. Nagsingiwian naman sina Conan, sabi kasi nila saakin gusto rin nilang sumakay sa motor ko kasi nagiinit na ang pwet nila sa palaging pag-kokotse.

"Sa susunod na kayo or mamayang gabi, gala tayo paikot. Madami pa akong araw rito"sabi ko sakanila. Natawa na lang ako ng sabay sabay nilang itinaas ang mga bintana.

"Huwag humarurot sa kalsada!"sigaw ni Coach Rodan sa may veranda ng second floor. Binuksan ni Lath ang bintana.

"Ano?!"sigaw niya pabalik, mukhang hindi narinig. Tinuro ako ni Sir Salvion at Coach Rodan kaya natatawa akong tumango.

"Huwag kayong humarurot sa daan!"

"Euphrasia! Ikaw bata ka"

"Opo!"sagot ko kay Sir Salvion. Silang dalawa ang tatay tatayan namin sa buong boothcamp kaya ganito sila kung magpaalala.

"Ayoko nga! Miss ko na magracing!"sigaw ni Lath, si Chevian naman hindi magkamayaw sa paggalaw sa motor kaya agad kong pinaandar kaya napayakap siya at tumili.

Natawa naman ako,"Huwag kang gumalaw. Kahit marunong ako, kung ikaw ang dumulas jan ewan ko na lang"

"Feeling ko kasi kasing laki na ni Cardi B ang pwet ko habang nakaupo rito"aniya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now