Chapter 82: ⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄

95 7 1
                                    

After nang Graduation ni Langston agad kaming dumeretso lahat sa isang restaurant para kumain at mgcelebrate, kasama rin namin sina Tita Liya, Yaya at ang Grandparents ni Langston.

"Anong plano mo ngayon Hernan?"tanong ni Lolo habang kumakain kami.

"Ako na po magpapaaral sa sarili ko, Lo. Milyonaryo na ako Lo bilhan kita bagong pustiso."sabi ni Langston habang ngiting ngiti. Agad kaming napatawa.

"Ikaw bata ka puro ka katarantaduhan."pagtuturo sakanya ni Lola kaya lalo kaming natawa.

"Pero seryoso Lola, Lolo. Ako na po magpapaaral sa sarili ko magMmedicine po ako, dapat po si Ate yung papaaral sakin kaso marami na akong pera kaya ako na lang."nakangiting sabi niya. Hindi naman namin maiwasang mapangiti dahil kung ano ang dating Langston ganun parin siya ngayon.

"Kaya ngayon, Lolo, Lola, magpakaDonya na kayo at Don kasi sabi niyo sakin hindi kayo nakaranas nang ganon kaya paparanasan ko kayo, limang piso kada oras."pagbibiro niya pa kaya panay rin ang tawa namin. Siraulo talaga kahit kailan.

"Pero Lola, Lolo, seryoso na ak----"

"Mukha kang Clown."sapaw ng Lolo ni Langston, napanguso siya kaya napapalakpak kaming natatawa.

"Pero, totoo nga. Bumili na ako nang bahay, malapit lang sa boothcamp namin don na tayo titira"sabi ni Langston. Agad kaming napangiti nang tuwang tuwa na napahagikgik sina Lolo at Lola.

"Kailan kami lilipat? Dapat may Aircon try naming magpainit ron."pilyong sabi ni Lolo at kiniliti si Lola kaya nagsiayiehan at napatawa na lang dahil hinampas ni Lola si Lolo.

"Huwaw! Makaharot! Akala mo edad dise nuebe!"pangaasar ng Apo.

"Huwaw! Naghiya kami sayong dise nuebe na wala paring jowa."asik ng Lola ni Langston.

"Ohh! Walang jowa!"pangaasar namin kay Langston kasama sina Tita Liya at Yaya. Napanguso si Langston kaya nagtawanan kami.

"Anong plano niyo mamaya? Doon kami kina Liya dahil ang iingay niyo."sabi ni Lola kaya natatawa kaming napatango.

"Magbbar po kami"

"Yung may naglalampungan na bahay?"tanong ni Lolo, natatawa naman kaming napatango.

"Asus, may kwento kami jan....."panimula ni Lolo kaya tinuon namin sakanya ang pansin namin.

"Dati nung kabataan ko, mga edad kinse pumupunta rin ako sa bahay lampungan...."bahay lampungan talaga ang tawag ni Lolo. Ayaw niya sa Bahay katuwaan, lol. Wow, ako nung 15 ako palagi akong nasa eskwelahan sinasamahan si Loki maghanap ng pogi, tapos kapag may mahanap na inaaya niyang magkwekkwek tapos ayun nakiki-third wheel ako para lang makalibre.

"Jan kami nagkakilala nang Lola niyo. May kaibigan kasi kaming nagbbirthday... Tapos nun, naglaro kami nung truth or dare tapos eh tarantado kaibigan ko, nagdare ba na mag one night stand kami nang Lola niyo...."agad nanaman namin silang inasar, kahit wala pa kinikilig na ako.

"Eh nag one night stand nga kami, ang hindi lang inaasahan, after ng isang buwan pumunta sa akin sabay sabing buntis eh malupit naman ako kaya ang ginawa ko pinakilala ko na agad sa mga magulang ko... Kasi sa akin, kapag ganyan ang nangyari, huwag na huwag niyong taguan o tanggihan ang babaeng nabuntis niyo dahil nung ginawa niyo iyon umayon ka, ikaw mismo ang um-oo na gawin iyon, kaya kung mabuntis ang partner niyo panagutan niyo, sabihin nga nating hindi niyo pa mahal pero dadating rin ang araw na mamahalin niyo sila. Itong Lola mo inantay kong mahalin ako, tatlong taon pa bago niya sabihin na mahal niya ako pero ako simula nung tinanggap ko ang nangyari minahal ko na agad ang Lola niyo. Nagalit ang mga magulang syempre pero tinanggap parin dahil pinakita kong papanagutan ko..."nakangiting kwento ni Lolo kaya napangiti na rin kami.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now