Chapter 93: Missing

90 8 1
                                    

Napagising ako nang wala sa oras dahil pakiramdam ko baliktad ang sikmura ko. Mabilis kong tinanggal ang kamay ni Aexl na nakayakap sa akin at mabilis na bumangon at tumakbo sa banyo.

Pagbukas ko agad akong lumuhod sa harapan ng toilet bowl at sumuka ng sumuka. Kingina, hindi na ako iinom ulit, hinding hindi na, pero maliban kung magaaya sina Danica, lol.

Maya maya pa, bumukas ang pintuan. Napairap na lang ako, malamang sa malamang, mangaasar nanaman to.

"Sows pisos, iinom tapos susuka." Pinagtaasan ko lang siya nang gitnang daliri.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang buhok ko.

"Bakit ka ba sumuka?" Tanong niya. Mukhang tanga to, obvious na obvious kung anong nangyari kagabi tapos 'yan pa yung tanong.

"B-bobo ka b----" napasuka nanaman ulit ako kaya narinig ko ang pagtawa niya.

"Panira yang suka mo, sarap na nang tulog ko kasi may kayakap akong baby piggy."

Sumama ang mukha ko pero hindi ako makapagsalita dahil panay ang suka ko. Iilang minuto pa, kumalma na rin ako at bumalik na sa dati ang pakiramdam ko pero sobrang sakit ng ulo ko.

"Huwag mong sabihing kinakausap mo 'yang toilet bowl?" Natatawang tanong niya kaya napangiwi ako.

"Manahimik ka nga, nakakabwiset ka." Iritadong sabi ko pero mas lalo akong nabwiset dahil tumawa pa siya.

"Why? I'm not nakakabwiset ah." Marahas akong napakamot sa ulo ko matapos niyang bitawan ang buhok ko.

Tumawa nanaman siya kaya inis na inis ko siyang nilingon.

"What?" He gave me a dumbfounded look that made me rolled my eyes. Isang asar pa nito hindi ko to kakausapin.

Sinamaan ko siya ng tingin at pinilit ang sarili kong makatayo pero dahil nanrupok ang binti ko agad niya akong sinalo.

"Ano ba! Naiinis ako sayo." Sabi ko sakanya at hinampas siya sa braso.

"Hoy, hindi kita inaano ah." Inirapan ko na lang siya at pumunta sa may sink.

Hinawakan niya ang buhok ko hanggang sa itinali niya 'yon. Kakahawak ko pa lang sa sabon agad na dumulas 'yon sa kamay ko, kinuha ko ulit pero nadulas nanaman.

I keep repeating what I am doing, getting the soap then it slips and then I heard a chuckle.

Nakanguso akong lumingon kay Aexl. Nakapikit pa ang Isang mata ko, inaantok talaga ako.

Hinawakan niya ako sa pisnge at pinanggigilan 'yon habang natatawa."Mukha ka talagang baby. Let me do it."

"K-kaya ko." Sabi ko pero tinawanan niya ako.

"I'm watching you ni-sabon ayaw sayo kasi gusto niyang ako lang."

I hissed.

Aexl chuckle.

Binasa niya ang mukha ko kaya nakayukod rin ako habang nakapikit. Inaantok na ako pero ayaw ko namang matulog ng pangit ang mukha.

After niyang basain ang mukha ko, kinuha niya yung toothbrush ko.

"Smile."

"Ah ayoko, nang uuto ka."

He laughed."Tangek, totoothbrush-an kita. Atsaka, kailan pa kita inuto?"

Nagmulat ako."Nung sinabi mong hindi mo ko gusto." Ngumisi ako. Agad naman siyang napatawa.

"At least, 'yon lang, duh." He rolled his eyes in a sassy way.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now