Chapter 116: 'Euphrasia cheated'

72 7 4
                                    

"Tita! No alis na kasi! Dito ka na lang hanggang tomorrow and another day or next year ka na lang umuwi." Humahangos si Cris habang nakasabit sa binti ko para pigilan ako sa pag-alis.

Dala dala ko na ang gamit ko habang suot suot ang damit at track pants na ninakaw ko kina Kuya.

Si Yexl at Euxeen nakahawak sa damit namin ni Kuya Lachlan.

"Tito! Wag na kasing umuwi! We can play naman dito eh!" Ani Yexl. Tumango tango naman si Euxeen.

Sina Mama at sina Kuya pati ang mga asawa nila pinapanuod lang kami na pinipigilan ng tatlo.

"Dali na Tita! Parang si others naman oh!" Ani Cris at mas nagpabigat. Tumawa naman sina Kuya sa pinagsasabi nitong bubwit na 'to.

"Hoy, pinagbigyan na kita ha. Tinuruan na kita kaya uuwi na 'ko." Sagot ko kay Cris na lalong umiyak.

"Daaaaaaaaaali naaaaa po, sigeeee na kasi."

Si Lachlan hindi rin makalakad nang tumalon si Yexl sa likod niya.

"May practice kami, tatalunin pa namin mga coach ng Principium na bano."

"Sinong bano?"

"Kayo!" Dumila ako. "Hindi maka-hit players niyo sa'kin." Pangaasar ko.

"Hah! Humanda ka sa Season 7! Ihanda mo pa tatay at nanay mo! Matatalo kayo." Ayan na ang pagmamayabang ni Kuya Eiko.

"Ihanda mo rin tatay at nanay mo, pare pareho kayong tataob!" Sagot ko pabalik.

"Isa lang naman nanay at tatay niyo." Ani Ate Auxeen.

"Pa oh, nagpalaki kayo ng mga bobo." Epal ni Kuya Yuri. Napailing iling na lang si Mama ng tumawa si Papa. Pagod na pagod na siya sa ingay naming magkakapatid.

"Titaaaa, dali na kasi."

"Cris, Yexl, Euxeen. Bumitaw na kayo, aalis na sila. May tournament they need to prepare." Kuya Euriel stated. His strict voice caught the three's attention.

Agad silang napalingon kay Kuya.

"Don't make me repeat myself."

Masama ang mga loob nilang bumitaw sa amin.

Tiningala ako ni Cris at niyakap. "Tita, isama mo na 'ko. Dali na, i-adopt mo na 'ko."

"Oo nga naman, Euphi. Adopt mo na 'yan gawa na lang kami bago." Ayan nanaman, nagsisimula na naman si Kuya Eiko.

"Isama mo na si Yexl. Gagawa rin kami bago, babae naman."

"Dad, hindi mo 'ko isasama?" Ngumiwi si Euxeen.

"Sumama ka na, may bago naman na akong baby." Pangaasar din ni Kuya Euriel at humawak sa tiyan ni Ate.

"Lola oh! Si Daddy oh!" Sumbong nang tatlo at nag-marcha sa Lola nila.

"Dapat sa Lolo kayo magsumbong para pagalitan natin sila." Ani Daddy.

"Nangaaway ka rin Lolo." Sumimangot ang tatlo.

Lumapit ako at hinalikan sila isa isa.

"Tita naman."

"Babalik ako, tapusin lang natin 'tong tournament. Punta tayo EK, hindi natin isama mga tatay niyo."

"Sama ng ugali mo, ibalik mo hoodie ko." Hinila ni Kuya Yuri ang hoodie ko kaya napaupo ako sakanila.

"Nagmana sa'yo."

"Ismile!" Ani Kuya Ross. Sabay sabau naman kaming napatingin sakanya.

He's holding a camera. Agad akong nag-posing, 'yung two joints na tinuro ni Langston. Nakita 'yon nina Kuya at Papa kaya ginaya rin ako hanggang sa gumaya rin sina Euxeen kaya napatawa na lang ako.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now