Chapter 11: Auditorium of Illegality

127 8 0
                                    

GAME WORLD

Paglingon ko si Morana kaya agad akong tumakbo palayo, pagliko ko sa may Market ay siyang pagsalubong sa akin ni Azvameth kaya agad nanaman akong tumakbo hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa isang auditorium na kung saan may nagsasaksakan, may nagccheer sa paligid at may nagpupustahan.

"What the world am I in?"

Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa mga naglalaban sa baba ng bigla akong mapatalon dahil sa gulat ng may umakbay sa sakin.

Paglingon ko agad akong naginhawaan ng si Chaos iyon, sa tabi naman niya si Chester.

"Nakita kitang tumakbo kanina, pinaggagawa mo?"

Napakamot ako sa ulo,"Other districts are chasing me dahil sa malaking ulo ng rabbit para sa rare item......."kinuwento ko ang lahat sakanila kaya panay ang pagtango nilang dalawa.

"Why did you gave them? You should've the first one to have a rare Item sa buong District 1"Chaos stated, I just shrugged.

"Meron na akong rare item eh"sabi ko sakanila kaya agad silang napalingon sa akin. Binuksan ko ang inventory ko at pinakita sakanila ang ancient dragon dagger ko.

"What the fuxk! Yung hinahanap mo Boss!"sigaw agad ni Chester at niyugyog si Chaos. Si Chaos naman nanatiling nakatitig sa dagger na hawak ko.

Napalingon siya sa akin,"Where did you get it?"

"Sa wild rabbit quest..."I answered. Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong ang dagger sa palad niya. Ayan nanaman ang sigaw ni Chester habang niyugyog si Chaos.

"Eh?"

"Sayo na"sabi ko kaya lumukso lukso si Chester.

"Weh? Gago?"gulat niyang tanong.

"Joke lang pala. Ipapahawak ko lang, kakamutin ko lang palad ko"sabi ko kaya agad siyang napangiwi na siyang ikinatawa ko...."Oo nga, sabi ko kanina diba bibigay ko... Atsaka mukhang hindi naman bagay sakin iyan, bet ko sana mga bazooka"

"Walang bazooka rito"Chester corrected.

"Ay wala ba? Sibat na lang"sabi ko kaya napailing iling sila.

"Friend request kami sayo para madali ka naming mahanap"sabi ni Chaos. May lumabas ng notification kaya agad ko iyong pinindot.

Sinamahan nila akong dalawa sa pagdaan ng mga rabbit head sa isang nagbebenta tapos nun bumalik agar kami sa Auditorium of Illegality na tinatawag nila. Auditorium of Illegality ang tawag nila dahil raw hindi naman talaga to nadala sa DSO, trip trip lang raw to ng mga tao para magkapera at para magpasikat.

Kakapasok pa lang naming tatlo agad na may humila sa amin.

"Tangina hoy!"sigaw ko ng bigla kaming binato sa isang kwarto.

"Kalma Bling. Si Rocco lang iyan, kaibigan rin"tinulungan nila ako ni Chaos na makatayo dahil natumba nanaman ako. Kahit sa laro nafafall ako kingina.

Napatingin naman ako sa lalaki.

Rocco
[Level:6]

"Girlfriend mo?"tanong ni Rocco kay Chester, tumawa si Chaos na parang tuwang tuwa siya.

Nandidiring napalingon sa akin si Chester kaya agad ko siyang binatukan. Dalawang oras pa lang akong naglalaro tapos may jowa na ako.

"Yak! Ayaw ko sa mukhang pulubi!"sabi ni Chester sabay batok sa akin.

"Pulubi?!"naglalakihang mata kong tanong. Namewang siya habang lumaki rin ang mata niya.

"Oo! Pulubi ka tapos ang liit mo! Mukha kang yakult!"sigaw niya. Kaya halos umusok ang ilong ko.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now