Chapter 26: The Blue Wolf

107 11 3
                                    

Kakababa ko pa lang sa may hagdanan bumungad agad sa akin si Aexl.

"Netflix pa more"sabi niya at agad akong inakbayan hanggang mapunta kami sa may Kusina kung saan andun na sila. Kagabi kasi maaga silang natulog habang kami ni Chevi panay ang panunuod.

Komportable ako sa buong Team dahil ramdam mo ang pagiging marespeto at gentleman nila sa babae kahit na puro kalokohan ang mga pinaggagawa na sinasalihan ko rin. Dati si Loki lang ang kaibigan ko pero ngayon marami na.

"Na check mo na SocMed mo?"tanong agad ni Chivon pagupo namin ni Aexl.

"Nakalimutan ko ang daldal niyo kasi"sabi ko, napailing iling naman sila. Pagbukas ko ng facebook ko sobra sa limang libo ang mga Friend Request ko tapos maraming nagttag sa akin na hindi ko naman kilala. Nakapublic kasi ang account ko kaya mukhang madali silang makakatag sa akin.

Tinignan ko naman ang pinost ni Kuya Euriel, yun yung mga picture namin buong team, kaming magkakapatid and even Loki at si Tita. Tinignan ko naman kaagad ang post ni Kuya Yuri, mukha kong puro stolen... Walang post si Kuya Eiko sa FB kaya agad akong pumunta sa Instagram. Napangiwi na lang ako sa pinost niyang video, ako iyon habang umiiyak na tumatakbo papunta sakanila. Napailing na lang ako, abnormal kahit kailan.

"Aidan, Voel, Cyon, Lath, Miguel at Chivon may laro kayo with Red Ant, live streaming sa page nila. Tapos Trevon at Arius live stream kayo ngayon"paalala ni Aexl sakanila.

"Chevi, Euphi, Reiko magpataas kayo ng Level. Sa Mini tournament 1v1, puno iyon ng mga structures kaya matagalan ang paghahanap ng mga kalaban"

"Taguan ba sa Mini tournament na yon?"I asked, tumango naman sila. Aexl discussed what's with them today kaya panay ang tango nila habang kumakain.

Dahil dalawang araw na akong hindi nakaikot sa District 1 agad akong nagikot ikot habang inaantay ang pagsulpot nina Chaos. Namimiss ko na ang mga kurimaw na mga iyon.

Nakakailang ikot na ako sa District 1 pero hindi ko parin sila nahahanap. Napatingin naman ako sa lalaking kumalabit sa akin.

"Oh, pine?"

"Sina Chaos ba?"tanong niya kaya agad akong napatango

"Nasa Mount Beam, nakaupo lang sa may damuhan"sabi niya.

"Salamat!"paalam ko kaagad at agad na tumakbo sa labasan.

Pagsakay ko kay Tingting agad ko ko iyong pinag-sprint para mabilisan akong makarating sa Mt. Beam kasi miss na miss ko na ang mga kurimaw kong tropa.

Pagrating ko sa Mt. Beam agad kong itinali si Tingting at agad na tumakbo patungo kina Chaos na nakaupo sa may damuhan.

Huminto ako sa harap nila at agad na naupo. Ipinatong ko ang mga siko ko sa binti ko sabay patong rin ng baba ko at ngumiti.

"Fake friend"sabi agad ni Chester. Ha? Paano ako naging fake friend?

"Hoy anong fake friend? Sabi niyo Wala kayo nang dalawang araw kaya magisa ako rito"sabi ko sakanila. Napailing naman sina Chaos at agad na tumayo kaya napatayo rin ako ng wala sa oras.

"San kayo pupunta? Pasama naman"sabi ko habang palukso luksong sumusunod sakanila.

"Hindi ka pwede ron"sagot ni Chaos, kaya napasimangot ako.

Inakbayan ko si Hendrickson pero tinabig niya ang kamay ko. Agad silang sumakay sa mga kabayo nila kaya napahinto ako at agad na tinagilid ang ulo ko.

"Hoy...bakit kayo ganyan?"kinakabahan kong tanong. Hindi ko alam kung ano yung kasalanan ko sakanila.

"Tanong mo sa bato"sagot ni Terra3 kaya agad akong napanguso.

"Huy"halos manginig ang boses ko. Nagulat na lang ako ng sabay sabay nila akong tinalikuran.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now