Chapter 55: Used

60 5 2
                                    

December 20, 2024 • 9:00 pm

Magiisang buwan na kaming magkakasama pero wala paring magandang nangyayari. Puro bangayan, suntukan, insultuhan at salitaan ng kung ano. Wala nang pakialaman sa nararamdaman ng bawat isa. Ako palagi ang kawawa, sina Sierra, Lenox, Danica at Lucian ang palaging kumokontra sa akin kahit wala naman akong may ginagawang kung ano, I don't know, they're always pointing mistakes on me even though hindi ko naman kasalanan. Pero, ayos lang sa akin naiintindihan ko naman sila dahil naririnig ko ang palaging pagpuri sa akin ng mga nandito kahit wala akong ginagawa like, I'm the center of attraction here. I just let them say whatever they wanted to say, it's their freedom to say naman eh, nanatili lang akong tahimik dahil ayaw kong madagdagan ang galit nila.

The mark of fear, unsafe and uneasy never leaves Eustace and I. Nadagdagan iyon bawat araw dahil nasa iisnag bubong kami. Minsan dahil sa takot at kaba namin na baka mangyari ulit, nakikitulog kaming dalawa kina Maddison at Brazil, mabuti lang talaga ayos lang sakanila.

Ang hirap mabuhay sa takot, balisa ka sa lahat ng bagay at minsan napapaisip ka na lang kung bakit sayo nangyari.

May pagkakataon na nahuli ko si Eustace na biglang nagsugat sa pulsuhan kaya ayon nanaman kaming dalawa, umiiyak nanaman habang nakikinig sa salita ng takot.

Nakaupo kaming lahat ngayon sa game room. Pinapagalitan kami nina Vic and Jonas dahil nga sa wakas na laman na rin nila kung bakit araw araw may bangas ang mga lalaki at may mga kalmot sina Sierra at Danica. Hindi kami makatingin sakanila ni Eustace dahil sa same reasons, takot.

"You're all here to become a team!"

"Pero bakit si Euphrasia palagi ang pinagtutuunan niyo nang pansin at pinunupuri kahit mas magaling naman ang ginagawa namin. Nakakahalata na ako rito, inimbita niyo nga lang yan siguro para sumikat kayo dahil Kristopher yan."pagtuturo sa akin ni Danica.

"Tangina, ako nanaman."naibulong ko na lang.

"Euphrasia needs to leveled up para makaha----"

"Hindi, wag niyong irason niyan. Ang sabihin niyo ginagamit niyo si Kristopher para sumikat ang grupo na bubuuin niyo. Sisikat siya pupurihin ng lahat tapos kami nasa pinakalikod at u-oo na lang dahil kami ang maraming may nagawa tapos siya ang kukhuha nang lahat!"tinuro ako ni Sierra.

Galit na galit sila sa akin. Mukhang kailangan kong tanggalin ang pagiging Kristopher ko dahil pakiramdam ko ako ang nakakapagbigay sakanila nang rason para ganun ako.

Gusto kong ipaintindi kina Sierra ang lahat, gusto kong itanong sakanila kung bakit ganito na lang sila magsalita sa akin. Gusto kong makipagkaibigan sakanila pero sila ang lumalayo sa akin, may pagkakataon na I offered Sierra a food pero tinapik niya mismo sa akin kaya bumuhos ang mga iyon, syempre pinabayaan ko lang. May pagkakataon rin na naglilinis ako tapos bigla niyang isinaboy ang pintura ni Danica sa flooring kaya nilinisan ko nanaman ulit, may oras ring, Danica and Sierra pull a prank on me, isinabog nila ang mga gamit ko tapos nagupit nila ang buhok ko, mabuti lang talaga at hindi mahaba haba ang nagupit nila. I let everything pass kasi I know may galit sila sa akin, imbes na dagdagan pa hayaan na lang para hindi lumala.

Hindi ko naisip na gumanti kasi kahit kailan hindi ako tinuruan ng mga Kuya kong gumanti kahit dehado na ako. Ang mga Kuya ko madalang na lang kung tumawag, tinatanong ko minsan kung bakit they always answered na busy sila kina Ate. Syempre ayos lang kasi asawa nila iyon. Si Papa, minsan nagttext siya sa akin pero hindi ako nagrereply. Si Mama naman wala talaga.

I'm still close with Principium even though once lang akong bumisita ron. Aexl and I get close each other more than before, when he have a problem he always call me, I didn't hesitate to help him over come it. Kahit madaling araw nagkikita kami para magusap lang. Alam niya ang tungkol sa nangyayari sa akin maliban sa itinakwil na ako nina Mama, wala lang, ayaw kong kaawaan ako. Honestly, I can go somehow I wanna go, I have money, I can unwind but I choose my dream.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now