Chapter 126: Came from the Worst

77 6 24
                                    

"For the next game. First game will be Daylight Oax versus Golden Greed." the shoutcaster announced.


Pinagsiklop ko ang mga daliri ko, hindi ko alam pero kanina pa ako dasal ng dasal. Ang lakas ng tibok ng puso ko.


"Second game will be..." he continued to announce. Kanina pa ako kinakabahan pero mabuti nang kinakabahan kesa sa walang maramdaman, mas hindi ko kaya iyon.


"And the third game for tomorrow. Luctor et Emergo versus Principium."


"Oh wow." Dad commented, nakaupo siya sa tabi ko.


Nilingon ko ang Principium na katabi lang namin, hinanap agad ng mata ko si Aexl. When our eyes caught each other, nagkatanguan lang kami.


Inakbayan ako ni Papa at ginulo ang buhok ko. "It's you against your friends. It's you against those guys who accepted you before you build your own. Show them how much you progress, Euphrasia cause for sure they will do the same."


Ngumiti lang ako kay Papa at tumango.


After the announcement, lumapit pa kami sa isa't isa. LEM is talking at them samantalang kaharap ko si Aexl.


"Galit galitan muna tayo sa susunod na araw." sabay naming sabi at napatawa. Hinila ako ni Aexl at niyakap.


"Galing ng tactics mo kanina. It was unexpected. Akala ko nga ikaw lang mag-isa doon, nakasunod pala sina In-Kyu." he said and ruffled my hair.


"Alam ko namang sinundan nila ako. I took the risk pero hindi ko naman maiwasang ma-disappoint sa sarili ko dahil ako yung Captain ako pa yung naunang makalabas sa laro." napatawa ako pero tumulo ang luha ko.


I saw that in one of the tweets that was tag to me. They criticize me saying wala raw akong kuwenta kasi Captain daw ako pero mabilis lang mapaalis sa laro.


Humigpit ang yakap ni Aexl. "You're not a disappointment, Euphi. If they're a gamer like us, they would know. Besides, kung maalam ka sa paglalaro wala kang dapat ikatakot na gawin ang mga bagay na alam mong makakabuti, you will not fear taking a risk that will benefit your group. And that was you, hindi ka natakot, alam kong wala kang pinagsisihan sa ginawa mo pero ngayong nabasa mo ang mga pinagsasabi nila nagsisimula kang kuwestyunin ang sarili mo kung tama nga ba o mali ang ginawa mo."


Humiwalay ako kay Aexl. "Shh ka lang pero hindi talaga plano yon, mukhang nabasa lang nila galaw ko." umiiyak akong tumatawa pagkatapos kong sabihin iyon.


"Siraulo ka talaga, lakas ng tawa mo tas iiyak ka. Kaya pa ba today?" Aexl chuckled.


"Medyo." I giggled. Pinunasan ni Aexl ang mga luha ko.


Nang makabalik kami sa bahay, nagpahinga muna kaming lahat. I locked myself in my room at nag-open ng laptop. Pinagbabasa ko lahat ng insights at opinions na binibigay ng mga tao


@Findel_xx: Roar always disappoints.


@gAsfire: Parang hindi Captain, pinabayaan mga kasama sa loob.


@x_x_goldie: It was a good tactics actually. Taking a risk is a major part in the game if you know what would be the outcome. Captain Roar did great. It was unexpected. Every LEM members stands out hindi lang ang Captain. I don't know why people couldn't see it but Captain Roar is a great leader.



Napangiti ako ng makita ang comment na iyon pero pagkatapos sa comment na iyon, nawala na lahat. It was tainted with negative comments against me.


District Survival OnlineWhere stories live. Discover now