Chapter 60: First Tournament

74 5 2
                                    

Moments had passed

Nakakrus ang mga braso ko habang nakasandal ako sa pintuan ng game room. Nakatitig ako sakanilang trese habang naglalaro sila nang DSO. I can't stop my self from smiling as I look at them.

Isang buwan na kaming magkasama, may pagkakataon na nagbabangayan pero hindi na umaabot sa puntong nagkakasakitan, we all consider everyone's feelings pero pranka kami sa Isa't isa, kung may kinaiinisan dahil sa ganitong attitude agad naming kinokompronta. Ang iilang medyo tago sa pagkwento sinasabi na sa amin ang lahat, lalo na si Brazil. Sabi niya kailangan niya lang talaga nang pera pero tumakas talaga siya sa   Tatay niyang Senator na pinipilit siyang pinapakasal sa kaibigan nito, she also said na she's into gaming naman talaga.

Ang Tournament na sinabi nina Loki hindi namin sinalihan dahil nga balik to Level 1 kami. As we planned, pinalabas lang namin na binili namin ang item ng former avatar namin. Sa DSO world, matunog parin ang pangalan ko, pinag ttsismisan ako at pinagsasabihan ng kung anong masasamang salita

Isang buwan ko na rin hindi nakakausap ang Principium maliban kay Aexl na kung minsan nakakamusthan ko. Lahat ng SOCMED ko, deactivated na pero meron akong bago na silang trese lang ang nakakaalam. If you want to move forward then step a little and leave everything negative in the last.

"Hoy Brazil, gago ka. Paano pag mahanap ka nang tatay mo?"tanong ni Kenji, kahit mga naka nerve gear panay parin ang pag tssismisan.

"I don't know"

"Gago, paano pagpilitin ka?"

"Hindi ko alam ang gagawin"Brazil answered honestly.

"Ito na lang. Sabihin mo ako Jowa mo tapos sabihin mo Buntis ka, handa akong gamitin"suggest ni Lucian. Napangisi naman sila. Napatango lang si Brazil.

Sabay sabay nilang binaba ang mga nerve gear nila. Napalingon naman si Langston sa gawi ko.

"Ayan nanaman si Euphi na ngiting ngiti. Dhai, level 2 ka pa lang! Magiisang buwan na"stress na stress na sabi ni Langston, agad naman silang napalingon sa akin. Napatawa ako dahil ngumiwi sila at napatango tango.

"Asus, kahit level 2 pa lang yan, kaya ka niyang ipatumba"agad siyang tinulak tulak ni Eustace.

"Weh? Di mo sure"sagot ni Langston kaya napairap na lang ako. Meron na akong nerve gear, binili ko last month, I mean, binili ni Link sa akin, syempre pera ko gamit, ayaw nila akong palabasin dahil masyadong marami ang mga judgemental sa paligid.

We even have a rule in here, tawagin namin silang Kuya at Ate, syempre yung edad 24-26 lang ang tatawagin naming ganon, sina Kenji kasi feel na feel agad, bigla ba namang inutusan si Langston na maglinis ayon, nakatanggap ng kaltok kay Danica.

"Ano na bang meron?"I asked them. Lumapit ako at naupo sa pwesto ko. May pangalan ang inuupuan namin tuwing naglalaro para hindi magkaagwan.

"Wala naman. Nagaadventure lang naman"sagot ni Brazil. Itong sina Loki at Eustace mukha nang magjowa, wala eh ang harot nilang dalawa. Baka talaga maging lalaki na si Loki, oh em gee.

"Anong level na kayo?"tanong ko sakanila at hinanda ang notebook ko pangsulat.

Isa isa nga nilang sinabi sa akin ang mga level nila. For the whole month we talked about our dream, iisa lang ang pangarap namin, yun ay maging malakas at kinakatakutan na grupo sa larangan ng paglalaro, gusto naming ipakita sakanila na kaya naming tumayo para sa sarili namin.

District 1: Roar+ 2
District 2: Maddy+ 13
District 3: Eliks+ 20
District 4: Share+ 11
District 5: Blood+20
District 6: Drain+ 18
District 7: Hit+19
District 8: Reapel+20
District 9: Poison+12
District 10: Haunt+17
District 11: Stilled+16
District 12: Poseidon+20
District 13: Warshock+16
District 14: Flute+19

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now