Chapter 47: With Silent Peace

83 8 15
                                    

Sa Iisang mali nilang galaw na Wipe out sila nang Necromancy Voyage. Malakas nanaman na hiyawan ang umugong sa buong Lugar.

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa gitna na kung saan sila dadaan. Alam ko kasing iiyak si Chevian.

Pagtanggal nila nang nerve gear agad na tumuon ang tingin sa akin ni Chevi. Agad siyang tumakbo pababa, hindi na siya nakipagbatian. Paglapit sa akin agad siyang yumakap. Napapunas na lang rin ako sa mata dahil nahawa ako sa pagiyak ni Chevi. Humahagulgol talaga siya, feeling ko tuloy ako ang nanay niya.

Bumalik kami sa upuan habang yakap yakap ko parin si Chevian. Mukha siyang batang inagawan ng candy dahil sa pagiyak niya.

"Chevi, magaling ang ginawa mo. Proud si Ate sayo."dumating rin si Loki at agad na niyakap si Chevi, baby boy namin to eh.

"Isang Flash Slash na lang sana Ate Kuya! Kami na yung mananalo! Sayang kasi blast ang napindot ko kahit sabi ni Cap na Flash Slash dapat. Mali ang napindot ko."pagsumbong ni Chevi at mahigpit kaming niyakap ni Loki at umiyak ng umiyak. Pumapadyak pa si Chevi. Mukhang umiiyak na marshmallow si Chevian.

"Baby, ayos lang iyan. May season 3 pa at least nadala kayo diba? Ang mahalaga nakapasok ulit kayo sa Top 5. May pagkakataon talaga na hindi lahat ng araw umaayon sa gusto mo."sabi ni Loki. Naglakad na nga rin pababa ang 13 na namumuo na ang luha.

"Hindi eh! Nasasabi niyo lang iyan kasi gusto niyong maayos ako pero hindi, walang talab. Nasasaktan ako, Isa na lang iyon! Isa na lang! Sila na dapat yung wiped out! Mali si Cap sa pagpili, mali ka sa pagpili sa akin Ate. Magagalit si Cap dahil sa akin! Ayoko nang ganun!"halata ang kaba kay Chevi dahil nanginginig nga talaga siya.

"Kung papagalitan ka ni Cap ako ang kakausap. Chevi hindi mo yun kasalanan. Ipinasok kita.....nila sa Line Up kasi alam naming magaling ka and you never failed us. Kung papagalitan ka ni Cap ako ang sasagot sakanya. Isa pa, sa tingin mo magagalit si Cap? Lalo na't alam niyang naga----"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa tinig ni Aexl.

"Chevian!"

Dumungaw si Chevi pero hindi siya bumitaw sa amin ni Loki.

"C-captain."nanginig ang boses ni Chevi.

"Halika rito kay Kuya. Magaling ang ginawa mo."lalong umiyak si Chevi, bumitaw siya sa amin at agad na tinakbo si Aexl at sakanya umiyak.

Hinanap ko naman si Lath. Nakita ko siyang nakaupo lang at nakatingin sa taas. Nilapitan ko siya nang makita niya ako agad na bumuhos ang luha niya kaya agad akong umupo sa tabi niya. Humarap siya sa akin kaya agad kong binuksan ang mga braso ko kaya agad siyang yumakap sa akin. Binaon niya ang mukha niya sa balikat ko at doon umiyak.

Si Lath, palaging saakin sinasabi ang mga problema niya. Kaya kahit nasa bahay ako nagtatawagan kami o ako ang tumatawag dahil kinakamusta ko siya. He's telling me everything he felt or how his day was. Kaya ganito na lang to umiyak sa akin. Hinagod ko naman ang likod niya.

"You did great. Proud sayo si Ate."I said as I messed his hair.

"S-sayang Ate, Sayang. Kung hindi lang ako nagkamali sa pagatake p-panalo na sana." His voice trembled as he bursts into tears even more.

"Lath, everything happens for a reason. Itong Tournament na to ang magiging stepping stone niyo sa lahat. As the time will goes by you'll achieve everything you've wished at siguradong isa na rito ang manalo sa Tournament. Proud na proud ako sayo dahil kahit unang laro mo na execute mo lahat ng sinabi ko, walang kulang, Mahal ka ni Ate, proud ako sayo."I said solemnly kahit pati ako naiiyak habang nakatingin sakanila. Ang sakit sa puso tignan silang umiiyak.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now