Chapter 44: DSO Domination

95 6 4
                                    

Two days had passed pero those DSO Enthusiast never leaves to bombard the whole social media. Halos dalawang araw na ring Trending ang District 1 along with my Username and my team mates also.

After the Result night sunod sunod na nagtunugan ang Messenger ko dahil kina Loki. Tumawag nga rin sa akin sina Kuya pati si Papa para mag-congrats. I'm really happy.

At the moment, nagaayos ako ngayon dahil aalis nga kami nina Ate Samsam, ang alam ko magpapasama lang sila tapos parted ways na agad kami kasi aalis rin kaming dalawa ni Aexl.

I'm wearing a black oversized shirt and a black cargo pants paired with a combat boots, I also wear a bucket hat. After that, I grab my mini clear bag. Sinuot ko rin yung binigay ni Mama na relo at lumabas habang hawak hawak ang susi ng motor ko, sina Kuya Jon at Ate Samsam kasi magmomotor lang rin.

Pagbaba ko natawa na lang ako ng makita ang porma ng Kumag. He's wearing a vneck tee and a gray trousers.

"Poging pogi ah, may date ka?"natatawang tanong ko.

"Oo meron, sayo."sagot niya sakin. Biglang nagyugyugan sina Ate Samsam at Kuya Jon kaya napailing na lang ako.

"Tara na mga bebs"

Pagrating sa may garahe hinubad ko ang bag ko at binigay kay Aexl na sinuot lang niya rin.

"Black na black bebs ah!"sigaw ni Chevian sa second floor. May hawak siyang libro.

Nakangiti naman akong napailing iling. Wala lang, I just like this style.

Sumakay nga ako sa motorbike ko at pinainit ang makita, si Ate Samsam naman sumakay sa scooter na motor ni Kuya Jon.

"Hoy ang cute, ang liit"sabi ko kaya natawa sila. Si Aexl sumakay na nga rin.

"Hoy wag mong bilisan ah. Pakiramdam ko mawawala ang kaluluwa ko"paalala ni Aexl kaya natatawa akong napatango.

"Ate, magkano nga magpakulay ng buhok?"tanong ko. Umarangkada na nga kami palabas ng bahay.

"Dalawang Libo yata, pero sa haba ng buhok mo mukhang sobra"napatango naman ako sa isinagot ni Ate.

Kinuha ni Aexl ang bucket hat ko at agad na tinalian ang buhok ko habang nasa kalsada kami.

"Hawak na"utos ko kaya yumakap rin siya sa akin. Pagrating sa highway hindi na nga rin kami nagusap dahil delikado na rito.

After a minute of travel nakarating na nga rin kami sa Mall. Nagpark lang kami ni Kuya Jon at agad na bumaba. I also checked it kung na lock ko.

As soon as we entered the Mall my eyes are welcomed with brilliancy. May gold Flag sa paligid habang nandon ang pangalan ng Distrito Uno. Halos buong mall, gold ang design. Paglapit sa may center ng Mall, may nakatayo rong Flag ng District 1, tapos yung chandelier na design gold rin, may anim na design na nakalaylay rin mula sa taas, andon ang Username at mukha nang Avatar namin nina Chaos kaya wala ako sa sariling napatawa at pumalakpak dahil sa tuwa.

"Kingina, grabehan na to men"komento ni Ate Samsam. Binigay ko kay Aexl ang cellphone ko.

"Picture mo ko"agad akong pumwesto sa gitna. Napatawa ako dahil mukhang tanga si Aexl na gumagalaw galaw para lang may makuha na magandang anggulo.

After akong picturan ni Aexl na gulat na lang ako nang biglaang may lumapit sa akin hanggang sa dinumog na nga rin ako. Nataranta na sina Ate Samsam habang ako ngumingiti na lang. Nakita ko si Kuya Jon na tumatakbo sa kung saan, malamang maghahanap ng guard

"Bling, Congratsulations!"

"Thankyou"

"District 1! Andito si Blingbling!"biglaang sigaw ng kung sino. Mas lalo akong kinabahan dahil lalong dumarami na ang lumalapit. Hindi ko naman inaasahan na ganito karami ang gustong magpakuha nang picture.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now