Chapter 6: Pulling Out with Principles

156 11 1
                                    

"AAAAAARRRGHHHHH!"gigil plus exited plus masaya kong sigaw pagkarating ko sa sala kung saan andun ang mga Kuya ko nagaantay, mga galit pa kasi ang tagal ko raw.

Sabay sabay silang napatingin sa akin ng may pagtataka kaya kunwari kong hinawi hawi ang buhok ko.

"Oh?"

"Na-eexite kasi ako!!!!"sigaw ko, napahawak naman sila sa mga tenga nila. Mukha akong edad singkong bata na may ipapakitang kung ano sa mga Kapatid.

"Mukha kang hindi edad disenuebe"naiiling na sabi ni Kuya Yuri.

"Kasiiiii ngaaaaaaa!"kunwari akong nagpose na pang model sabay hawi hawi ng kamay ko na parang nag-iintroduce nga product.

"Oh?"lalo pang nagsalubong ang kilay nila kaya tuwang tuwa akong napatawa sabay tili na sinabayan ng hagikgik ng isang biik.

"Mukha kang tanga. Ano nga?"tanong ni Kuya Euriel, si Kuya Eiko naman may hawak ng cellphone na nakatutok sa akin. Malamang izzoom niya nanaman mukha ko sabay my day.

"Nasuot ko na yung dress na tooooooo!"mahabang sigaw ko at nagspaghetti dance sa harapan nila. Si Kuya Eiko panay ang tawa habang ang dalawa napailing na lang at tumayo.

Lumapit sila sa akin at inakbayan ako.

"Kulang lang iyan sa Vitamins. Bilhan kita mamaya"sabi ni Kuya Yuri, kaya sinimangutan ko siya.

"Maganda naman sayo yung damit, mukha mo lang hindi"pag-epal ni Kuya Eiko kaya lalo akong napasimangot.

"Wag mo silang pakinggan"napatingin ako kay Kuya Euriel.

"Bakit? Kasi maganda ako?!"sabi ko at kunwaring naghawi ng buhok sabay snap.

Naiiling siyang natawa,"Kasi totoo naman talaga, masasaktan ka lang"dagdag niya kaya agad ko siyang siniko.

Masama ang loob kong pumasok sa kotse. Nakakabwiset talaga ang mga Kapatid mong bully. Feel na feel ko ang ganda ko habang suot tong solid tee with plaid cami dress at ang mahiwagang chelsea boots na pinangbayad ko credit card ni Kuya Eiko. Instagramable kaya to, koryan koryan estetiks!

Pagandar ng kotse sinamaan ko ng tingin si Kuya Eiko na pinagtatawanan ang kuha niyang mukha ko, naka zoom, ang laki ng mata at butas ng ilong ko tapos yung bibig ko nakanganga pa. Inabot ko siya at hinampas pero dumila lang siya.

Nagpatunog sila ng mga music ng The 1970.

"San ba tayo pupunta?"tanong ko at ipinatong ang binti ko sa kandungan ni Kuya Eiko kaya hinampas niya naman ako, umirap lang ako kasi dapat mas bitch ang bunso.

"Sa science lab, tatanggalin yang utak mong walang silbi"pabibong sagot ni Kuya Eiko. Lumingon ako sakanya.

"Sinasabi ko sainyong dalawa, wag dito sa kotse"si Kuya Euriel.

"Ikaw lalagyan ka ng utak kasi wala ka nun"nakangising sagot ko. Maghahampasan sana kami ng agad na nagpalit ng pwesto si Kuya Yuri, nakisiksik siya sa gitna namin kaya siya ang hinampas namin.

"Aray putangina"

"Wala ako jan"sabay naming sabi at tumingin sa unahan.

"Astig ka rin eh. Sa gabi doctor, sa umaga driver, sa midnight p"rnstar"pilyong sabi ni Kuya Eiko, nagtawanan kaming tatlo pero agad ding ng biglang may inilabas na scalpel si Kuya Euriel kaya kunwari kaming nagtulog tulugan.

--

Lumiko kami sa isang exclusive subdivision rito sa may Maynila. Paghinto namin agad na nagningning ang mata ko dahil ang taas ng isang bahay.

"Kaninong bahay to?"tanong ko ng makababa kami.

"Bahay ng mga Principium"

"Ha?"tanong ko. Kasi sa pagkakaalam ko grupo iyon ni Cap.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now