Chapter 97: The Result

90 7 10
                                    

Astig rin pala nitong clock deceiver, ngayon ko lang nalaman na pwede mong utusan kung ano ang gusto mo and you can teleport with this.

Ngayon, trip kong masisidan kaya naging tubig ako, wala lang trip ko lang, pwede kasing gamitin ang oras na 'to para makapanguto at makapagchill, nakakapagod mahiga sa inclined chair feeling ko nasa kabaong ako, char.

Maya pa, dahil gusto ko nang makipagwarlahan agad akong nagteleport. Pagdating sa likod ni Zetsuya agad kong itinutok ang armadyl godsword ko at walang pagaalinlangan na itinarak sa ulo niya ang armadyl godsword ko, gusto kong double dead kaya sunod sunod kong tinaga.

Humiyod ako at agad na naglakad, hindi ko na makita 'yung tatlo, baka panalo na 'ko, naglag lang 'yung announcer, chika ko don.

Maya pa, nakita ko si Dao na naghheal, wow ha, kering keri makatakas may 2% pa siya. Ginawa kong shallow ang espada ko at agad na nagteleport.

Pagdating ko sa likod niya agad ko siyang sinipa. Pagtalsik niya tinakbo ko ang gawi niya, I attack him but he successfully defended my shallow. Kalahati ang buhay niya kaya malamang sa malamang may katagalan nanaman ang pagatake namin sa Isa't isa.

Sinipa niya 'ko sa tiyan kaya natumba ako. Bigla siyang tumayo at tinalon ako. Napadaing na lang ako dahil sa bigat ng pagkakaupo niya sa tiyan ko. Sunod sunod niya akong sinuntok. Hanggang sa itinaas niya ang sword niya, akmang itatarak niya 'yon sa bungo ko nang mabili kong naiwas ang ulo ko. Pagtarak non sa lupa sinuntok ko ang mukha niya, sinunod ko naman ang tiyan niya, ayaw niyang umalis kaya ang ginawa ko, inabot ko ang buhok niya pero hinampas niya ang kamay ko.

Mukha laming mga tangang nagaaway gamit ang kamay. Pagdaan ni Cerberus (dahil hinahabol siya ni Chaos) agad siyang lumapit sabay hila kay Dao.

"Aray! Putangina mo!" Sigaw ni Dao. Binitawan siya ni Aexl kaya ang ginawa ko, malakas siyang itinulak. Pagbagsak niya sa lupa ako naman ang tumalon sakanya sabay suntok ng paulit ulit.

"Wah! Tangina mo! Mag roar ka sa jungle!" Sigaw niya kaya sinampal ko siya. Napahawak naman diya sa pisnge niya.

"Tangina mo! Mang saksak ka tutal espada ka naman." Tumayo ako. Bago pa siya makatayo agad akong tumalon sabay lapag sa tiyan niya.

Agad akong tumakbo sa godsword ko. Pero bago ko 'yon makuha, umikot na sa'kin ang lasso at mabilis akong hinambalos sa poste, hindi pala sa poste, kundi kay Chaos na nasa loob ng kulungan, malamang galing to kay Cerberus.

Umuubo akong tumayo. Nakita ko si Cerberus at Dao na nagpapalitan ng atake.

"By Lods, pahinga ka muna jan." Tumatawang sabi ko.

"Gago!" Chaos replied. Pinagtaasan ko siya ng gitnang daliri at tumakbo kung nasaan sila.

Humagis si Cerberus patungo sa'kin. Sabay kaming bumagsak sa lupa, nakadagan pa ang gago.

"Putangina mo, tumayo ka nga!" Iritadong sabi ko.

"Iritado ka na niyan?" Nakangising sabi niya. Ngumisi ako pabalik sabay tarak ng kuko ko sa leeg-an niya.

"Aray putangina." Dumaing siya sabay mabilis na tumayo. Agad akong tumayo at sinugod siya.

"Anak ng!" Sigaw niya at inatake rin ako pabalik.

Si Dao nakita kong naghheal sa gilid habang pinapanuod kami nang may ngisi.

"Date tayo mamaya." Bulong niya at iniwas ang sarili sa espada ko. Sinipa niya ako pero hindi ako nagpatinag, nanatili akong nakatayo.

"Date mo mukha mo." Bulong ko pabalik. Nagtagpo ang espada namin kaya gigil naming diniin 'yon sa Isa't isa, napaliyad ako nang wala sa oras kaya napangisi si Cerberus at lalo pa akong diniin.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now