Chapter 128: La Union

66 5 2
                                    

Langston POV



Nagja-jamming kami habang nasa kalsada. Si Rocco ang nagda-drive, salitan sila ni Helix at In-Kyu.Ang sasama pa nga ng mga ugali e, sabi ko kasi ako makikipag-salitan sa pagda-drive. Ayaw ba naman, ito lang tuloy ako sa likod kumakanta na lang.7 seater tong sasakyan ni Kuya Link kaya kasyang kasya kami ng hindi nagsisiksikan.


We're all jamming to Stereo Hearts when a bottle pops. Paglingon ko nagbubukas na ng tiger crystal beer si Iñigo the tanga. Tumungga siya bago bumaling sa amin na nakatingin sakanya.


"Hoy!" we all pointed at him. "Aba, nagsasarili. Pagbuksan mo din kami!" agap ko sakanya.


"Tanga, sabi ng Kuya wag kang iinom ng madami sa sasakyan dahil baka tumalon ka." sabi niya sa akin at binigyan ako. Nasa harapan niya ang cooler kaya madali niyang nabubuksan. Maliit lang kasi ang cooler. Sampong bote lang ang kasya sa loob, at may kaha kaming dala na nasa likod lang kaya lalagyan na lang namin mamaya para malamig.


"Hindi ako tatalon siraulo!" asik ko at agad na tumungga. Inabutan rin ni Iñigo ang iba.


"Pass." umiling si Kuya Koko. Ang sagabal banggitin ng In-Kyu e, kaya Kuya Koko na lang para madali.


Si Rocco at Helix nag-pass din. Magda-drive pa daw sila, e two hours na lang makakarating na kami don. Yung first two hour nga nang byahe tulog kaming lahat, sina Rocco at In-Kyu lang ang gising. 


"Pre, pulutan 'yan ha." inakbayan ni Helix si Haruto na agad namang humagikgik habang kumakain ng chippy.


"Rocco, palit tayo. Pahinga ka na." gumilid nga si Rocco at nakipag-palit ng pwesto kay Helix. Nang makaupo si Rocco nagtalukbong agad siya ng kumot sa katawan.


"Wag kang matulog, di namin alam 'yung daan." sabi agad sakanya ni Helix na nagda-drive.


"Deretso lang naman muna. May one hour pa bago pa tayo makadating." sagot ni Rocco. "Drive thru tayo starbucks."


"Hinto tayo sa jollibee, di pa pala tayo kumain!" ngayon lang talaga na-realize ng Hapon na wala kaming kain.


"Stop drinking then." Kuya Koko spoke. 


"Yes Boss!" we all saluted. Napailing na lang si In-Kyu. Nasa shotgun seat siya, ang haba kasi ng binti, baka di magkasya kapag magkakatabi kami. Siya ang pinaka-mataas sa buong LEM na sinundan ni Link, Lucius tapos ako at ang kasunod ko si Maddy. Hindi ko alam pero ang taas ni Ate Madison.


"That's a red bee diba? It's jollibee no?" pagkumpirma ni Helix.


"Colonize colonize niyo pa bansa ko di mo pa kilala si Jollibee." sabi ko agad. Ayan nanaman ang tawa ni Rocc. Ngayon ko lang rin na-realize na puro foreigner ang kasama ko, si Rocco lang ang pure Pilipino.


"Jollibee 'yan. Park tayo. Sa loob na tayo kumain." sabi ni Rocco at binitbit ang bag niyang may laman ng cellphone at wallet namin. Hindi kami nagdala ng kung anong bag na maliit para lagyan ng mga cellphone. At ayaw naman naming mawala kapag may tama na kami kakainom kaya pinalagay namin kay Rocco, siya kasi si boy clean. Ayaw ng madumi. Magsama sila ni In-Kyu, ang aarte e palaging may bitbit na alcohol.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now