Thirteen

66.9K 553 4
                                    

Six years later.

"And Bb. San Gabriel 2013 is no other than contestant # 6, Hana Pelaez!"

Kung 'di pa siya niyakap noong nanalang first runner up, 'di pa niya mari-realize na siya ang tinanghal na Ms. San Gabriel 2013. Halos maiyak siya sa labis na tuwa.

"Congrats, Hana! Ikaw na talaga, you already!" ang salubong sa kanya ni Ava noong nasa backstage na siya.

"Congrats, anak. Proud na proud talaga kami sa'yo ng tatay mo," ang wika naman ng nanay niya.

Salisihan niyang niyakap ang best friend at ang ina, she was so happy! Nakakalungkot nga lang at 'di naka-attend ang tatay niya. Bawal kasi itong ma-stress. Lumala kasi ang sakit nito sa puso sa mga nakaraan na taon.

Iyon nga ang dahilan kaya siya nakipagsapalarang sumali sa Bb. San Gabriel. Gusto niyang manalo para sa tatay niya. Aside sa malaki ang maitutulong ng perang napanalunan niya para pambiling gamot, she was also hoping na makakuha siya ng mga sponsors para sa tatay niya.

"Grabe, nilampaso mo 'yong ibang mga contestants. Ang arte-arte kasi. Akala mo kung sino, porke't nakapag-aral lang sa Maynila. Ang tataas na ng tingin sa sarili, wala naman palang binatbat!" Si Ava.

"Naku, sinuwerte lang," ang natatawa niyang wika.

Tawa lang din ng tawa ang nanay niya dahil sa mga pinagsasabi ni Ava.

"Suwerte ba ang tawag mo dun? Noong high school pa tayo, nanalo kang Ms. SGNHS. Ngayon naman, kahit nagfi-feeling 'yang mga kalaban mo, ikaw pa din ang nagwaging Bb. San Gabriel! Hindi na suwerte ang tawag dun, Hana! Charm na, charm!"

Natawa lang sila ng nanay niya.

"And speaking of charm, 'eto na ang lucky charm mo," anito.

Sabay silang napalingon ng nanay niya sa direksiyong iningunguso nito. Noon nila nakita ang papalapit na si Juan Miguel dela Francia. Nagkataon kasing isa ulit ito sa mga judges at ito din ang nagtanong sa kanya noong Q&A portion.

"Congratulations," anito.

"Naku, thank you po, Mr. dela Francia," ang nahihiya niyang sagot.

"JM na lang."

"Naku, nakakahiya naman po," aniya.

"Anong nakakahiya doon? Hindi naman ako iba sa'yo, 'di ba? We've met more than once." Isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito. "Oh, by the way, uuwi na kayo? Sumabay na kayo sa akin." Bumaling ito sa nanay niya.

"Naku, huwag na ho." Ang nanay niya ang sumagot. 

""Naku, salamat ho, Mr. dela Francia. Mahirap na nga hong kumuha ng tricycle kapag ganitong oras na," ang sabat naman ni Ava.

Siniko niya ito.

"Okay lang ho, Mr. --- este, JM. Okay lang ho talaga kami, magta-tricycle nalang po kami. 'Di naman masyadong kalayuan 'yong bahay namin. Pwede nga hong lakarin, eh," aniya.

"Maglalakad tayo, eh, naka-high heels ka?" Si Ava ulit.

Muli niya itong siniko. Talagang masasakal na niya ito.

Natawa si JM. 

"Buti pa 'tong friend mo, 'di mahirap ayain," anito.

"Namimili din naman ho ng aaya. Kung katulad ba naman ninyo, eh, 'di gow!," ani Ava. May gana pang ngumisi ang loka. Ang landi talaga. Kung 'di lang niya ito best friend, kanina pa niya ito sinapak.

Muling natawa si JM. "So, pano po, Aling ----"

"Salud," ang sagot ng nanay niya.

"Aling Salud," ang pag-uulit ni JM. "Pwede ko po ba kayong ihatid?" ang pangungulit nito.

Kaya walang nagawa ang nanay niya kundi ang pumayag.

"Alam mo, may gusto sa'yo si JM," ang wika ni Ava kinabukasang pumunta ito sa bahay nila.

"Hinatid lang tayo pauwi, may gusto kaagad?" aniya. 

Nagsasampay siya noon ng mga nilabhang damit.

"Eh, bakit ka naman niya ihahatid, aber? Kung wala siyang gusto sa'yo, ba't ka naman niya ihahatid pauwi kagabi?" anito.

"Baka gusto lang magkawang-gawa," aniya.

"Bakit? Pulubi ka ba, ha? Sus! Aminin mo na kasi, nararamdaman mo rin iyon. Kasi ako, ramdam na ramdam ko," anito.

"Gutom ka lang siguro. Pumasok ka doon sa loob at may natitira pa yata kaming kanin at ulan doon."

"Busog ako, ano. At 'wag mo akong dyino-joke-joke diyan at 'di ako nakikipagbiruan sa'yo. Feeling ko talaga ay may gusto 'yang si JM sa'yo. Dati pa naman, eh. Noong high school pa tayo at sumali kang SGNHS. 'Di ba binabara mo siya doon sa Q&A? Ba't 'di siya nagalit sa'yo? Kasi nga gusto ka niya. Kung dito lang siguro naglalagi 'yang si JM at hindi sa Maynila, malamang matagal ka na niyang niligawan."


"Ako? Liligawan ni JM dela Francia? Nagpapatawa ka ba?"

"Tingnan mo nga 'tong mukha kong 'to. Mukha ba akong nagpapatawa? At tingnan mo 'yang paparating. Tingnan lang natin kung matatawa ka pa."

Dali siyang napabaling sa iningunguso nitong direksiyon. Isang puting van ang paparating. Iyon din ang van na naghatid sa kanila pauwi.

"Naku, kung 'di ka pa liligawan niyan, ewan ko na lang!" narinig niyang wika ni Ava habang pinapanood nila ang paghinto ng sasakyan sa harapan ng kanilang bahay.

Lumabas doon si JM. Malapad ang ngiti sa mga labi nito. Guapo pa din itong tingnan kahit na nakasimpleng polo shirt at denim shorts lang ito.

Bigla tuloy siyang na-conscious sa hitsura. Pano, naka-duster lang kasi siya. Naglaba nga kasi siya 'di ba? 

"Magandang umaga, Hana."


Bigla niyang nasuklay ang buhok gamit ang sariling kamay. "Magandang umago din po, Mr. dela Francia. Napadalaw ho kayo."


"May ipapakisuyo kasi kami sa'yo," anito.

"Naku, pasok ho muna kayo. Pasensiya na po at medyo magulo ang bahay namin, naglalaba po kasi ako. Wala din po kasi sina Nanay, nagpa-check up sa bayan," aniya.

Nakita niya ang pilyang ngiti sa mga labi ni Ava. Pinandilatan niya ito sabay tulak dito papasok ng bahay nila. Bigla tuloy siyang kinabahan. Ano kaya ang sadya ni JM sa kanya?

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Where stories live. Discover now