Marrying the Guy I Hate

By Teesh_the_Fish

572K 11.5K 395

Marrying the Guy I Hate is a about a girl named Katherine who has a boyfriend whose name is Charles. Unexpect... More

PROLOGUE
MGIH C-1: The Encounter
MGIH C-2: His Past
MGIH C-3: The Plan
MGIH C-4: Trouble
MGIH C-5: Date
MGIH C-6: Bonding [Part 1]
MGIH C-7: Bonding [Part 2]
MGIH C-8: Kiss
MGIH C-9: Hatred
MGIH C-10: Heartbreak [Part 1]
MGIH C-11: Heartbreak [Part 2]
MGIH C-12: Epic Fail
MGIH C-13: Arrangement
MGIH C-14: Pain
MGIH C-15: Living Under the Same Roof
MGIH C-16: Revelation
MGIH C-17: Confused
MGIH C-18: Miserable
MGIH C-19: Outing
MGIH C-20: His Personal Nurse
MGIH C-21: Avoiding Him
MGIH C-22: Insulting Each Other
MGIH C-23: War
MGIH C-24: Savior
MGIH C-25: Truth
MGIH C-26: Fuss and Fight
MGIH C-27: Ruined Date
MGIH C-28: Feelings
MGIH C-29: Movie Marathon
MGIH C-30: Being Together
MGIH C-31: Falling For Him
MGIH C-32: Catch Me, I'm Falling
MGIH C-33: Disappointment
MGIH C-34: Deal
MGIH C-35: Kiss in the Rain
MGIH C-36: Crush at First Sight
MGIH C-37: His Heartbreaking Plan
MGIH C-38: School Concert [Part 1]
MGIH C-39: School Concert [Part 2]
MGIH C-40: Serenade
MGIH C-41: A Night Together
MGIH C-42: First Date
MGIH C-43: Grocery
MGIH C-44: Expectations
MGIH C-45: Excruciation
MGIH C-46: Payback Time
MGIH C-47: Ironic
MGIH C-48: The Story Behind Her
MGIH C-49: Officially On
MGIH C-50: Engaged
MGIH C-51: Role Playing
MGIH C-52: Endless Argument
MGIH C-53: Complicated
MGIH C-54: Playful Fate
MGIH C-55: Good or Bad News
MGIH C-56: A Gap in Her Memory
MGIH C-57: The Come Back
MGIH C-58: Lost Memories
MGIH C-59: Acquaintance Party
MGIH C-60: Leaving for good
MGIH C-61: Friends
MGIH C-62: Textmate, Callmate
MGIH C-63: Hangout with Him
MGIH C-64: Fake Lovers
MGIH C-65: Special Someone
MGIH C-66: Torture
MGIH C-67: "Me" Time
MGIH C-68: Drunk
MGIH C-70: Wedding
MGIH C-71: Runaway
MGIH C-72: Misconception
MGIH C-73: Bombshell Proposal
EPILOGUE

MGIH C-69: Invitation

4.8K 92 3
By Teesh_the_Fish

Love is like a domino. I fall for you, you fall for her.

Kath's POV

This is it! This is the day! This is the day that I've decided to confess my feelings to him.

Yes, I already love him. I already love Tyler. I already love my best friend more than he thought. I don't care if he rejects me after I confess. It doesn't matter, anyway. I don't mind hurting myself for I know that he has Sofia now. The important thing is, I'm ready to confess 'cause I can't keep this anymore. I just can't keep my feelings forever. 'Cause the more I keep, the more my conscience haunts me.

It's been months since Tyler made a surprise for me. The fireworks thingy remember? We already graduated in college. And that's when I realized that I already love him but unfortunately, he loves somebody else.

Hindi na ako takot na masaktan. Dahil alam kong matagal nang game over. Hindi talaga kami ang para sa isa't-isa. He has Sofia. I have Charles. Gayunpaman, gusto ko pa ring malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaya hindi na ako takot ma-reject kasi alam kong sa umpisa pa lang na yun at yun ang babagsakan ko... ang REJECTION. Best friend lang ako. Hanggang doon na lang yon. Kumbaga sa kalsada, dead end na. Sa laro, game over na. Sa eroplano, lumanding na.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok ng Starbucks. Dito kasi namin nagpagdesisyunang magkita.

"Tyler," I called him.

"Kath!"

Bigla niya akong inakbayan at hinalikan sa noo bago humila ng upuan para sakin.

"Tyler, buti naisipan mong pumunta."

"Buti kamo nagyaya ka."

"May sasabihin kasi ako sayo."

"I have something to tell you, Kath."

Sabay kaming nagsalita.

"You go first," sabay ulit kami.

"Okay. Ladies first."

"No, ikaw na muna," sabi ko.

"Fine. I just want to give you this."

May inabot siya sa aking sobre.

Ewan ko ba kung bakit bigla akong kinabahan pag-abot ko ng sobre.

"What's this? Christmas bonus? Bakit late?"

"Just see for yourself," plain niyang sabi.

Nag-init ang gilid ng mata ko pagbukas ko ng sobre.

It's just a wedding invitation.

Wedding invitation of Reid Tyler Stewart and Sofia Monique dela Cruz.

"Uh-uhm, c-can you excuse me? Sumama kasi yung tiyan ko," paalam ko saka tumayo at dumiretso sa restroom.

Dun ako umiyak nang umiyak.

Nasa loob lang ako ng isang cubicle at iyak nang iyak.

Sobra pa pala sa rejection ang matatanggap ko. This is so much heartbreak!

I thought hindi na ako masasaktan dahil alam ko na ang kahihinatnan pero bakit para akong pinapatay deep down inside? Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng mahalin, yung best friend ko pa! Yung taong pag-aari na ng iba. Yung taong nandyan lang palagi sa tabi ko, pero parang ang layo-layo niya. Yung taong hindi ko akalaing mamahalin ko.

Bakit nasasaktan ako? Bakit si Sofia pa ang nakita niya eh, the whole time ako lang ang palaging nasa harapan niya. Bakit si Sofia pa ang minahal niya, eh ako 'tong palaging nasa tabi niya? Mas maraming beses ko siyang napangiti kaysa kay Sofia. Mas maraming beses ko siyang napatawa kaysa kay Sofia. Mas maraming beses ko siyang inalagaan kaysa kay Sofia. Mas matagal ko siyang nakasama kaysa kay Sofia. Mas naiintindihan ko siya kaysa kay Sofia. Ako lang naman ang palagi niyang katabi, masaya man siya o malungkot. Bakit hindi niya ba nakikita yon? Bakit hindi niya ba napapansin yon?

Ang tanga-tanga mo talaga, Kath! Syempre, paano ka niya mapapansin kung alam niya ng may fiancé ka na? Paano ka niya mamahalin kung alam niyang pagmamay-ari ka na ng iba? Hindi naman kasi siya tanga katulad mo na nagmahal pa rin ng isang tao na alam mong simula't sapul, pagmamay-ari na ng iba.

Pero wala pa nga silang isang taon tapos malalaman ko na lang na magpapakasal na sila. Sigurado na ba talaga siya kay Sofia?

Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Naiisip ko pa lang na mawawala na siya sakin, pakiramdam ko mawawalan na ng saysay yung buhay ko. Pakiramdam ko nag-iisa na lang ako sa mundo. Hindi ko matanggap na hindi na ako ang palaging nasa tabi niya at palaging hinahanap-hanap niya. Hindi ko matanggap na mawawala na ako sa buhay niya.

Lumabas na ako ng cubicle pagkaubos ko ng tissue. Naghilamos na ako at lumabas ng restroom.

"Okay ka na?" tanong niya pagbalik ko sa table namin.

Marahan naman akong tumango.

"Umiyak ka ba?" kinabahan ako sa tanong niya.

Halata bang umiyak ako?

"H-hindi. B-bakit naman a-ako iiyak? W-wala namang namatay," I replied stuttering.

"Bakit ganyan yung mata mo parang galing sa iya–"

"Masama kasi yung pakiramdam ko. Sumuka rin kasi ako sa cr kanina kaya naluluha yung mata ko."

"May sakit ka ba? Gusto mo bang dalhin kita sa–"

"O-okay lang ako. Uuwi na lang ako."

"I'll drive you home then."

"Wag na. I can handle myself. Umalis ka na lang. Baka may aasikasuhin ka pa para sa wedding niyo. C-congrats, anyway."

"No, I'll drive you home. Saglit lang naman yun eh. Ayokong pabayaan ka."

"Wag na."

"No, I insist."

"WAG NA NGA SABI EH!"

Nagulat siya sa pagsigaw ko. My voice broke.

"I'm sorry. I have to go."

"What about yours? Hindi mo pa nga sinasabi yung sasabihin mo sakin eh."

Napatigil ako.

"It's not that important," sabi ko saka umalis.

Hindi na importanteng sabihin ko sayo na mahal kita. Wala pa rin naman talagang mangyayari. Magmumukha lang akong tanga dahil ikakasal ka na sa iba. And worst, masisira lang lalo ang friendship natin kapag umamin ako. Bakit hindi ko ba naisip yun umpisa pa lang?

I love you, Tyler. But I have to say goodbye. I gotta go my own way.

May pumatak na luha sa mga mata ko.

Sumakay ako ng taxi pauwi.

**

"Oh hija, ang aga mo yata."

Hindi ko sinagot si manang at dumiretso na sa kwarto ko.

And for the nth time, umiyak na naman ako nang umiyak.

Akala ko hindi na ako masasaktan. Akala ko tanggap ko na. Akala ko magiging okay din ang lahat.

Bakit mo pa kasi ako iniwan Charles? Kung hindi mo ako iniwan, hindi ko makikilala si Tyler. Bakit mo ba ako iniwan Andrea? Kung hindi ka umalis, hindi ako mapapalapit pa kay Tyler. Grey naman kasi, ano bang nangyari? Iniwan pa tuloy ako ni Andrea.

Kung hindi niyo sana ako iniwan, hindi sana ako nasasaktan ngayon. Dahil sa pag-alis Andrea, nawalan ako ng best friend, kaya si Tyler ang naging best friend ko. Dahil naman sa pag-alis ni Charles, nawalan ako ng mahal, kaya si Tyler na lang ang minahal ko pero hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko naman ginustong mahalin siya kasi alam kong masasaktan lang ako.

Bakit ba kasi ako nagka-amnesia? Kung hindi ako nagka-amnesia, siguro hindi ako naghihirap ngayon. Hindi ako nasasaktan ngayon. Hindi ako nasasaktan kay Tyler.

Pagod na pagod na akong umiyak. Sawang-sawa na akong maiwan.

"Kath? Hija? Ayos ka lang ba?"

Natigil ako sa pag-iyak.

"Manang? O-okay lang po a-ako. Masama lang po ang pakiramdam ko."

Nasa labas lang ng pinto si manang. Naka-lock kasi yung kwarto ko.

"Dadalhan na lang kita ng gamot."

"Wag na po, manang. Uminom na po ako kanina."

"Gusto mo ba ng makakain?"

"Wala po akong gana."

"Sige, hija. Magpahinga ka na lang muna. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka, huh?"

"Opo, manang."

Napaisip ako. Sabi ni manang tawagin ko lang daw siya kung may kailangan ako. Paano kung sabihin ko sa kanyang kailangan ko si Tyler? Magagawa niya kayang ibigay sa akin yung kailangan ko?

Syempre hindi! Tao lang si manang, hindi Diyosa.

**knock knock**

"Hija, hinahanap ka ni Tyler sa baba."

Napabalikwas ako ng bangon. Pero bumalik rin ulit sa pagkakahiga.

Hindi ko pala siya kayang makita. Masasaktan lang ako lalo.

Kaso hindi ko alam ang sasabihin ko kay Manang Elisa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na ayokong makita si Tyler kahit pa kailangan ko siya.

Nakakainis isipin na minsan, kung sino pa ang nanakit sayo, siya pa ang makakapagpahilom ng sugat sa puso mo.

"Sabihin niyo po, hindi ko po kayang bumangon. Umuwi na lang po siya."

"Sige. Uh pero, hija, ba't hindi mo na lang siya paakyatin dito?" sabi ni manang sa labas ng pinto.

"Wag na po, manang. Baka may aasikasuhin pa po yun."

Ikakasal na siya sa iba eh. Iiwan niya na ako.

"Sige."

Maya-maya, may narinig ulit akong kumatok.

"Kath?"

Napapikit ako ng mariin. Boses ni Tyler ang nasa likod ng pinto.

"Kath, are you okay?"

I'm physically okay but emotionally not, Tyler.

"Hindi ako okay! Umalis ka na!" sigaw ko.

Siguro nawi-weirdohan na siya sakin. Bigla na lang nagbago yung mood ko pagkabigay niya ng pesteng wedding invitation niya.

"No, I will not go anywhere unless you're okay."

"Okay lang ako. Umalis ka na."

"Kath naman. Bakit mo ba ako pinagtatabuyan? Galit ka ba?"

"Masama lang ang pakiramdam ko pero hindi pa ako mamamatay. Kaya wala kang dapat na ipag-alala. We may now go."

"No, I wouldn't."

"Asikasuhin mo na yung wedding niyo. Magalit pa sayo yung soon-to-be wife mo! Sabunutan pa ako!"

"I said I wouldn't."

"Di wag! Bahala ka dyan. Manigas ka! Hindi ako lalabas. Matutulog ako."

"I'll wait for you to wake up then."

"Bukas pa ko gigising."

"I'll wait for you to wake up tomorrow then."

"Next year pa ko gigising."

"I'll be waiting."

"Hindi na ako gigising."

"Then I'll kiss you just to wake you up."

Silence conquered the area after he spoke.

"I'm not sleeping beauty either. Umalis ka na nga! As if naman kaya mong maghintay overnight," I broke the silence.

"I can!"

"Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!"

**Kinabukasan**

**yawn, yawn**

Ang bigat ng mata ko. Namamaga na naman. Nasobrahan ako sa iyak kahapon. Hindi na rin ako nakapaghapunan.

Dumiretso ako sa cr para maghilamos at mag-toothbrush.

Pagkatapos ko, lumabas na ako ng kwarto pero natalisod ako paglabas ko ng pinto.

Pagtingin ko sa baba, may nakahiga. Nakahiga si... TYLER?!

"Tyler?! What the hell? What are you doing down there?"

"Sleeping, obviously," he replied with husky voice.

"Bakit dyan ka natulog? Siraulo ka ba?"

"Ikaw kaya! Ayaw mo akong pagbuksan ng pinto eh! Teka, b-bakit parang namamaga yang mata mo? Nagdrama ka?"

"Lul! Nagdrama ka dyan! Puyat lang ako!"

"Puyat? Bakit? Nakokonsyensya ka kasi di mo ako pinagbuksan ng pinto at dito ako natulog sa sahig?"

"As if!"

"Sama mo sakin ah! Pag ako nagkasakit, hindi na kita ii-invite sa wedding."

"Much better," pabulong kong sabi.

"Ano?"

"Sabi ko di wag! Bahala ka sa buhay mo! Wedding mo yun eh! Paki ko dun?"

"Ang sungit mo na naman. Bakit ba ang sungit mo tuwing mapag-uusapan yung wedding?"

"WALA LANG!"

"Wala lang. Eh bakit parang bitter ka? Pfffft BITTER," pang-aasar niya.

"Duh? Ako? Bitter? As if!"

"Haha defensive? Bitter ka kasi ang tagal niyo nang engaged ni Charles, 'til now, hindi pa rin kayo nagpapakasal. Naunahan pa kita."

"Hindi naman kasi kami nagmamadali gaya niyo," madiin kong sabi.

"Nagmamadali? Huh! Di mo lang alam!"

"Anong di ko alam? Bakit? Joke-joke lang ba yung wedding? Ano yun? Para pagselosin lang ako at aminin sayo na mahal na kita higit pa sa kaibigan? Pakshet lang, Tyler!" naramdaman kong tumatakas na naman ang mga luha ko.

"Iniisip ko minsan, naiisip mo rin kaya na ako yung palaging nasa tabi mo sa tuwing malungkot ka? At kadalasan kapag masaya ka, ako ang may dahilan ng pagtawa mo? Na mas matagal na tayong magkasama. Mas kilala na natin ang isa't isa. Bakit siya? Bakit siya yung minahal mo samantalang ako naman ang palaging nasa tabi mo? Ako yung unang nakakaintindi sayo. Ako yung unang nalalapitan at natatakbuhan mo. Ako yung numero unong concerned sayo! Bulag ka ba? Bakit hindi mo nakikita yun? Bakit hindi mo napapansin yun? Tyler, mahal kita... higit pa sa kaibigan."

Natulala siya sa sinabi ko.

"Haha joke lang!" pagbabawi ko sa sinabi ko.

"J-joke lang?"

"Oo joke lang."

"B-bakit p-parang may hugot lahat ng sinabi mo? B-bakit ka umiiyak kung j-joke lang ang sinabi mo?"

"Best actress kasi ako. Hindi talaga ako umiiyak. Napuwing lang. Sige, una ka na sa baba. Magsi-cr lang ako," tapos tumalikod na ako.

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko pagkarating ko sa cr.

Inamin ko na. Binawi ko lang.

Hindi ko pala talaga kaya na ma-reject ako nang harap-harapan. Hindi ko kayang ipamukha niya sakin na hindi ako ang mahal niya. Sa sobrang kahibangan ko. Sa pagbabakasakali ko, nasasaktan ko lang ang sarili ko.

"Ang hirap magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabalik. In the end, masasaktan at masasaktan ka lang talaga."

**

"Kath, I need to go. Nasa bahay na raw ang wedding planner. Anyway, nice joke. Makatotohanan. Idol na kita, Moko," paalam ni Tyler pagkababa ko.

Tumango na lang ako at pilit na ngumiti.

"Ito pala yung wedding invitation. Naiwan mo sa Starbucks kahapon," aniya saka inabot sakin yung sobre.

"Bye, Moko!"

"Bye," walang gana kong sagot.

"Bakit bye lang? Dapat 'Bye, Loko!'"

"Bye... Loko," pagkasabi ko nun, mabilis niya akong hinalikan sa noo saka umalis na.

"Loko," mahinang sambit ko nung nasa malayo na siya.

Loko... Pwede rin pala siyang abbreviation sa LOve KO.

Nakita ko na naman yung wedding invitation nila. Binuklat ko yung laman at sa pagbuklat ko... mas lalong tumulo yung luha ko.

Then, I realized that the longest distance is not from north to south. It is when you are standing in front of him and he ignores you because he is busy looking at someone else.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.7K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
109K 3K 53
Reunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex a...
96.4K 2.9K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
14.6K 296 36
''Proloque Naranasan mo na bang mainlove sa bestfriend mong lalaki? Pero di mo maamin dahil ayaw mong masira ang pagiging magbestfriend niyo? Eh...