Revival Of The Dead Heart (Co...

By anxiouschip

1.2K 601 60

Shane Smith, a depressed woman who still cannot move on from her fiancé who died. After two years, Andrei Wil... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: Dull
Chapter 2: Drunk
Chapter 3: Birthday Celebrant
Chapter 4: Carried
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Strange
Chapter 7: Blurry
Chapter 8: It's You
Chapter 9: Catch Up
Chapter 10: Kiddie
Chapter 11: Bug
Chapter 12: Last Wish
Chapter 13: Unfair
Chapter 14: Joke
Chapter 15: High Smoke
Chapter 16: Sketch
Chapter 17: Doubled Fear
Chapter 19: Fever
Chapter 20: Beginning
Chapter 21: Journal
Chapter 22: Ticket
Chapter 23: Court
Chapter 24: Unexpected Return
Chapter 25: Hatred
Chapter 26: Father's Love
Chapter 27: In-Law
Chapter 28: Another
Chapter 29: Reunite
Chapter 30: Conceal
Chapter 31: Disturbed
Chapter 32: Find Him
Chapter 33: Kisses
Chapter 34: Red Alert
Chapter 35: No More Conflicts
Chapter 36: Stars Of The Night
Epilogue
Help!

Chapter 18: Hallucinate

24 15 0
By anxiouschip

SHANE'S POINT OF VIEW

He was running towards me before I fainted. Hindi. Hindi totoo iyon. Nag-hallucinate lang talaga ako. Yeah, that's it. Iyon nga iyon.

Tumagilid ako ng higa para abutin ang phone kong nasa side table ng hinihigaang kama. 11:41 PM na pala. Kanina pa ako nakahiga rito ngunit hindi naman na ako dinadatnan ng antok. Uh, ito ay dahil siguro sa pagkahimatay ko kanina.

Bumangon na lang ako at isinuot ang mga slippers ko. Buti pa ang mga kasama ko, napakahimbing na ng mga tulog nila.

Ibinulsa ko ang phone at ang yellow purse ko sa pocket ng aking jogging pants. Bumaba ako sa dining hall para uminom ng kape. Mabuti na lang, 24-hours open ito.

May mga mangilan-ngilan ding mga tao roon bukod sa akin. Some of them were drinking wine while the others chose to drink coffee.

Nginitian ako ng staff na in-charge sa pagtitinda ng mga tinapay at kape kahit na mukhang antok-antok na ito. "What is it, Ma'am?" she asked, still smiling.

"Brown coffee."

"Okay, Ma'am. Wait a minute po." After several minutes, binigay niya na sa akin ang kape.

Naglakad ako papunta sa balcony habang humihigop. Automatic akong napasandal sa railing nang makita ang kumikislap na dagat. Nagre-reflect doon ang mga bituing kumikislap sa langit. Napakagandang pagmasdan.

"Ang ganda, 'di ba?" Kahit na hindi ko lingunin ang lalaking tumabi sa akin, alam ko namang si Andrei iyon.

"Yes, it is." Sinulyapan ko siya. "Bakit ka narito? Tulog na kayo kaninang lumabas ako, eh."

Humigop siya sa kapeng dala niya. "Sila lang. Don't include me," sabi niya at tumawa.

Naningkit ang mga mata ko. "Kaya noong mapansin mong lumabas ako, sumunod ka na rin, gano'n?"

"Yup."

Ibinalik ko na lamang ang tingin sa dagat. Pumikit ako noong umihip ang hangin. Bahagya pa nitong inililipad ang buhok ko.

"I saw you yesterday with a little girl," wika niya, dahilan para imulat ko ang mga mata. "Nag-sketch ka at ibinigay mo sa kaniya . . . and then—"

" . . . you saw that I cried," tuloy ko sa sinasabi niya that made him faced me with his confused expression.

"Yeah . . . pero bakit?"

Dahil sa dalawang taong mahalaga sa akin na iniwan ako. But, of course, I would not tell it to him.

Nginitian ko siya. "Ah, because it's my first time to meet a girl like her. Napakabait niya plus . . . she appreciates everything." Pilit akong napatawa. "Nakatataba sa puso ang mga gano'ng bata."

Napatawa ako ulit ngunit napatigil ako noong bigla niya akong niyakap mula sa likuran. Muntikan ko pang nabitawan ang tasa.

"Andrei, what do you think you're doing?" I asked, a bit warning.

"It's because of him, right?" bulong niya.

Yes, and my father . . . it still hurts. Hindi ako sumagot.

"I like you."

Mariin akong napapikit nang marinig ko iyon. No, please, not now.

Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang ko ngunit mas lalong humigpit ang yakap. Now, I could feel his breath on my neck.

"After how many years, hinanap kita. Now, finally, nakita na rin kita pero napaka-wrong-timing. Kung kailan naman ako napalapit na sa iyo, saka pa naman namatay ang puso mo. Let me . . . let me revive your heart once again."

I stared at the sea as I heaved a sigh. "Andrei, not now. Please."

~*~

He likes me. He just confessed last night. This is unexpected. I thought, he just tried to find me because we're childhood friends but, I did not expect that there's more than that.

Andrei, lamunin ka na sana ng lupa for giving me another problem!

Umaga na at kung kailan umaga na, ngayon pa naman gusto ng katawan kong matulog. Napahikab ako habang ginugusot ang mga mata ko.

Nagkataon namang lumapit sa akin ang nakangiting si May. "Tara magkape sa baba," anyaya niya.

Tumango na lamang ako. "Ano ang gagawin naman natin ngayon?" tanong ko sa kaniya habang sinusuot ang mga slippers ko. "I mean, what activity?"

"Um . . . let's swim?"

"Okay." Mabuti na rin iyon para magising ang kaluluwa ko ng malamig na tubig.

Tulog pa ang tatlo noong lumabas kami. Dumiretso kami sa dining hall para—gaya nga ng sabi niya—para magkape.

Tumambay kami sa balcony kaya sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kagabi.

Kung hindi ka lalamunin ng lupa, Andrei, ako ang mismong maglilibing sa iyo nang buhay! How dare you give me such problem!

"Okay ka lang, Shane? Parang wala kang tulog," komento ni May habang diretso ang tingin sa dagat.

"You've noticed. Yes, wala akong tulog. Siguro, dahil sa pagkahimatay ko."

"Kung sabagay, ilang oras ka ring walang malay."

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon.

Humigop ako ng kape. "May, I saw him before I fainted . . . nababaliw na ba ako?" tanong ko at tumawa rin ako nang mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko.

Mukhang natigilan siya pero agad din siyang nakasagot, "No, you're not. You're just depressed."

"Am I too depressed to hallucinate na nakita ko siya?" Now, I could not hide my bitterness in my voice.

"Probably." Bumuntong-hininga siya. "Alam mo? Cheer up! Sige. Bahala ka. Tuluyan kang mababaliw. Kawawa naman ang mama mo." She pinched my right cheek kaya napangiwi ako. Tinignan ko siya nang masama ngunit nawala rin iyon nang makita ko siyang nakangiti. "Look forward, Shane. Marami pang masasayang bagay na mangyayari sa buhay mo. Look forward. Move forward."

Her eyes were full of positiveness at that time so I just smiled. "Yeah, you're right." Yes, I'll move forward but it takes time. I need time for myself to recover first.

Noong ibalik namin ang tingin sa dagat, pareho kaming napasimangot nang kumulimlim ang kalangitan. Makalipas ang ilang sandali, tuluyan nang bumuhos ang ulan. What a day.

"Ano ba 'yan? Kung kailan ready na akong isuot ang two-pieced swimsuit ko, saka pa naman umulan," inis na wika ni May.

"Iinit din mamaya. Tignan mo o, malakas ang hangin, maililipad din iyang mga ulap," sabi ko naman, "Wala na iyan mamaya—aray!" Napakagat ako sa labi nang sikuin niya ako sa tagiliran.

"Ikaw, ah. Kanina, ako 'yung nagko-comfort sa iyo, ngayon, ikaw naman." Natawa na lang kaming pareho.

Habang humihigop ako ng kape, hindi sinasadyang napatingin ako sa isang lalaking nakaputi. Kumakaway siya sa aming direksiyon. Aasarin ko sana si May na may nagpapapansin sa kaniya pero hindi ko na naituloy when I realized that it was him. He's waving at me while being soaked under the rain.

Basta, namalayan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo papunta sa kaniya. Wala na akong pakialam kahit na nabitawan ko ang tasang hawak ko, kung sinu-sino ang mga nababangga ko palabas, at wala na rin akong pakialam kung mabasa man ako ng ulan.

Napalunok ako nang sa wakas, nakaharap ko na siya ulit. He was smiling at me kaya ngumiti rin ako. I was about to go and hug him but then, napagtanto kong . . . nagha-hallucinate lang ako.

"Shane," he called my name.

No, this isn't true. Ikinuyom ko ang mga kamao as I closed my eyes, trying to calm myself.

"Shane, I'm here."

"Hindi. Wala ka rito. Wala ka na!"

"Shane . . ." Stop. Please. "Shane."

Huminga ako nang huminga nang malalim to clear my mind until I couldn't hear him anymore. Iminulat ko ang mga mata ko para tingnan siya. He's gone.

"Ano ba, Shane?! Gusto mo bang magkasakit?!"

Ngumiti ako kay Andrei na kararating lang at hinarap ako. Basa na rin siya ng ulan tulad ko.

"I saw him again but I made myself stop from hallucinating. Shall I be proud na nilalabanan ko ang depression ko?"

His mad face softened. Hindi siya sumagot. Sa halip ay niyakap niya lang ako.

Tumingin ako sa itaas at pinagmasdan ang bawat patak ng ulan.

"Of course, I must be. I must be because I made a promise to him that I'll set myself free and learn to live without him. I'll move forward." Kaunti na lang and finally, I'll be able to move on.

At tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
Paint In Red By ATE REID

Mystery / Thriller

349 119 6
WARNING: MATURED CONTENT | R-18 "The Scarlet Queens," known for their beauty, power, and bad behavior in school. Following instances of bullying and...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...