Zithea (Published under Indie...

Per blue_maiden

2.2M 117K 36.8K

POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngu... Més

Pagpapakilala
Simula
Kabanata 1: Bagong tahanan
Kabanata 2: Anino sa gabi
Kabanata 3: Katotohanan
Kabanata 4: Hando
Kabanata 5: Muling Pagkikita
Kabanata 6: Manggagamot
Kabanata 7: Reyna Weiming
Kabanata 8: Ang pagbabalik mundo
Kabanata 9: Misteryo
Kabanata 10: Paghihinala
Kabanata 11: Pag-amin
Kabanata 12: Pagseselos
Kabanata 13: Natatangi
Kabanata 14: Kaibigan
Kabanata 15: Chaun
Kabanata 16: Isipiya
Kabanata 17: Punong Doktor
Kabanata 18: Kasunduan
Kabanata 19: Ugnayan
Kabanata 20: Hari ng Lobo
Kabanata 21: Earth
Kabanata 23: Halik
Kabanata 24: Yuppa
Kabanata 25: Bundok ng Zeryu
Kabanata 26: Pag-amin
Kabanata 27: Halik
Kabanata 28: Pagbalik
Kabanata 29: Pagbagsak
Kabanata 30: Hari ng Soka
Kabanata 31: Paghihiganti
Kabanata 32: Naulilang Ama
Kabanata 33: Pagbaba sa Trono
Kabanata 34: Pagsakop
Kabanata 35: Heneral Baxia
Kabanata 36: Koronasyon
Kabanata 37: Pamamaalam
Kabanata 38: Huling pagkikita
Katapusan

Kabanata 22: Bundok ng Deri

50.2K 2.8K 1.6K
Per blue_maiden



HINDI ko alam kung paano sasabihin kay Rushin na kailangan kong magtrabago bukas pagkatapos namin mamasyal. Pakiramdam ko ay maiinis siya.

"Kanina pa kita hinihintay," binigyan niya ako nang malaking ngiti. "Naghanda na ako ng makakakain para sa pamamasyal natin bukas."

Ang daming pagkain sa mesa pero karamihan sa mga ito ay hindi pa naluluto. Hindi naman siya excited para bukas, ano?

Mas lalo akong nahirapan sabihin sa kanya ang utos ng Hari... na tila ba ay kinakamuhian niya.

"Uhm... hindi ba masyadong marami ang mga ito?"

"Buong araw tayo bukas sa sa bundok na iyon kaya kailangan madami tayong dala na pagkain."

Nanahimik ako sandali at iniisip kung paano ko isisingit ang kailangan kong sabihin.

"Ano kasi... uhm... inutusan kasi ako ng Mahal na Hari na samahan siya bukas sa... sa parehong bundok na pupuntahan natin."

Naningkit agad ang mga mata niya. Dahan-dahan lumalabas ang mga ugat sa mukha niya. Pinagmamasdan kong mabuti ang kulay ng mga mata niya at nag-iba nga ang kulay nito.

Naging pula na.

"Wala kang pasok bukas sa palasyo kaya bakit ka niya uutusan?" Malumanay lang ang pagkakasabi niya ngunit ramdam mo ang galit sa boses niya. "Sinabi mo bang aalis tayo?"

"Oo, sinabi ko pero nagpumilit siya. Hihintayin daw niya tayong matapos."

Tumalikod siya sa akin at nagbuhos siya ng tubig sa lababo. Mukhang pinipigilan niya ang galit niya.

"Hayaan na lang natin siya. Masisira lang ang araw natin bukas kung magagalit ka."

Pinunasan niya ang mukha niya pagkatapos ay humarap siya sa akin. Tinignan niya ako sa mga mata ako at kahit papaano gumaan ang loob ko dahil naging asul na ang mga mata niya.

Hindi na siya galit... tama?

"Alam mo bang kaya mong alisin ang galit ko nang ganoon na lang? Ano bang meron sa'yo?" Ngumiti siya pagkatapos hinawi niya ang buhok ko papunta sa likod ng tainga ko. "Pakiramdam ko nahuhulog na ako sayo... Jia."

Uminit ang magkabilang pisngi ko at rinig ko sa mga tainga ko ang sunod-sunod na tibok ng puso ko.

"Pero hindi pwede... kaya dapat pigilan," mahina niyang sambit.

Lumayo siya sa akin at dumiretso sa mesa. Kinuha niya ang ibang mga pagkain at inilagay sa isang lalagyanan.

"Mukhang hindi natin 'to mauubos bukas kaya mabuti pa na ibigay ko na lang kina Ling ito."

Hindi pa rin nawawala ang init sa mga pisngi ko.

"Ah... oo nga... sayang naman."

"Kumain ka na rito at magpahinga. Maaga na lang tayo umalis bukas. Minsan lang tayo makapamasyal kaya dapat sulit na 'to."

Tinignan niya ako at bigla niya akong kinindatan ngunit bigla na lang pumasok sa isip ko ang mukha ni Scion habang kinikindatan niya ako.

Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Bakit ko ba siya naiisip gayong si Rushin naman ang nasa harapan ko.

"Jia? Ayos ka lang ba?"

Tumango ako at ngumiti, "Ayos lang ako, Rushin."

***

MAAGA nga akong ginising ni Rushin. Gusto talaga niyang sulitin ang araw na 'to. Siguro may dalawa o tatlong linggo pa naman ako sa mundong 'to kaya pwede pa namin 'to gawin ulit.

"Nakikisama ang panahon sa atin, maganda ang sikat ng araw," ang laki ng mga ngiti sa mukha niya. "Nasasabik ka na bang pumunta sa bundok ng Deri?"

Masaya ako na makita siyang masaya. Pakiramdam ko kahit papaano nakakabawi na ako sa mga ginawa niya sa aking pagtulog.

"Oo, hindi ko pa man nakikita 'to pero tingin ko maganda siya."

May isang bag na dala si Rushin o Beibao kung tawagin nila. Hindi ko alam kung anong laman no'n kasi 'yong mga pagkain naman basket.

"Dalian na natin dahil baka kunin ka agad sa akin ng Mahal na Hari."

Hindi naman ako makukuha ni Scion sa kanya dahil hindi naman ako pagmamay-ari ni Scion... at hindi ko rin siya pagmamay-ari.

Tahimik lang ako hahang pinagmamasdan ko si Rushin. Kakaiba ang saya niya ngayon, ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya.

Naisip ko... seryoso kaya siya sa sinabi niyang nahuhulog siya sa akin? Ganoon ba kadaling mahulog sa isang tao?

Sabagay... nahulog din naman agad ako kay Scion.

Pero wala naman kasing kagusto-gusto sa'kin. Paano kaya nahulog sakin si Liam at si Rushin? Si Scion, hindi ko pa sigurado.

"Kanina ka pa tahimik, pagod ka na ba Jia? Malapit na tayo," medyo hinihingal na si Rushin dahil paakyat na 'tong nilalakad namin pero ayaw pa rin niyang bitbitin ko 'yong basket na dala niya. "Pasensya ka na, dapat pala nangheram ako ng kabayo papunta rito."

"Ayos lang–"

"Sandali lamang!"

Pareho kaming huminto at tinignan ang aming likuran. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Scion, Grock at lima pang kawal.

Anong ginagawa nila rito? Akala ko ba mamaya pa sila pupunta?

"Kami kasama ang Mahal na Hari ay papunta sa bundok ng Deri, kung inyong nais ay maari na kayong sumabay sa amin," sambit ng isang kawal.

Tinignan kong mabuti ang mga dala nilang kabayo. Lahat ng mga kawal ay may bitbit sa likuran. Ang natitira na lamang na may upuan ay ang kabayo ni Grock at ni Scion.

Umigting ang panga ni Rushin at nakasarado na ang mga kamao nito.

"Pasensya ka na, hindi ko alam na maaga sila darating," bulong ko sa kanya. "H'wag na lang tayong sumabay."

"Ayos lang, Jia. Batid kong pagod ka na kaya mas mabuti na sumakay na tayo sa kanila."

Hindi nakatingin sa amin si Scion at sa harapan lang ang kanyang titig.

Ano na naman kaya ang iniisip niya?

"Lady Jia, doon na lang po kayo sa likuran ng kamahalan umupo," sambit ni Grock.

Pero agad na sumingit si Rushin, "Paumanhin po Heneral pero hindi po magandang tignan kung sa likod ng Mahal na Hari uupo si Jia. Maaring may makakita sa atin at pag-isipan nang masama ang pangyayari."

Tahimik lang ang lahat at lahat kami ay nakatingin kay Scion... naghihintay ng sasabihin niya.

"Nagbago na ang aking isip, walang uupo sa likuran ko. Mag-usap kayong dalawa kung sino ang uupo sa likuran ng Heneral."

Pinatakbo niya ang kabayo niya at agad naman na sumunod ang ibang kawal. Naiwan si Grock sa amin.

"Maglalakad na lang ako, Jia. Hintayin mo ako sa isang napakalaking puno na kulay ginto. Nag-iisa lamang ito rito kaya agad mo iyong makikita."

Nawala ang saya na meron si Rushin kanina. Hindi rin maiwasan na malungkot ako pasa sa kanya. Masaya sana ang araw na ito para sa amin pero ngayon pa lang ay nasira na.

Sinasadya ba talaga 'to ni Scion?

"Mag-iingat ka, hihintayin kita sa itaas."

Inalalayan niya ako para makasakay sa kabayo ni Grock. Kinuha ko na ang dala niyang basket para hindi siya ganoon mapagod paakyat.

Tahimik lang kami ni Grock. Nakakapit ako sa balikat niya para hindi ako mahulog.

"Pasensya ka na Lady Jia, hindi namin gusto na guluhin kayo sa pamamasyal niyo ng iyong nobyo ngunit nagmamadali na ang Mahal na Hari para mahanap ang gamot sa sakit ng Mahal na Reyna."

"Nagmamadali? Bakit? May nangyari na naman bang masama sa kamahalan?"

Umiling siya, "Ganoon pa rin ang kalagayan niya. Ayon sa punong doktor ay maayos na siya ngunit wala pa rin siyang malay dahil kulang pa siya sa lakas."

"Kung ganoon, para saan ang gamot na kukunin dito sa bundok ng Deri?"

Binigyan ako ni Doktor Guryo ng papel, dito nakasulat kung ano ang itsura ng Yuppa, ang gamot na hinahanap ni Scion. Hindi niya na nasabi ang ginagawa ng gamot na ito dahil bigla siyang pinatawag sa silid ng Mahal na Reyna.

"Gusto ng Mahal na Hari na magising na agad bukas ang Mahal na Reyna dahil bukas na lilitisin sa konseho ang dating Heneral Chaun."

Nanlaki ang mga mata ko. Kadalasan kapag may lilitisin na preso sa konseho ay kumakalat ito sa palasyo ngunit parang biglaan ang lahat.

"Biglaan ang desisyon na ito ngunit walang magawa ang Mahal na Hari dahil ito ay nasa kamay na ng konseho at ng punong ministro."

May hindi tama sa mga ito, noon pa man hindi na maganda ang pakiramdam ko sa punong konseho na iyon.

"Alam ng Mahal na Hari na malapit sa puso ng Mahal na Reyna ang dating Heneral kaya gusto niya na gising siya habang ginagawa ito."

Buti naman at naisip niya ang bagay na iyon. Matindi ang pinagsamahan ni Weiming at Chaun kaya hindi iyon basta-basta na lang mawawala.

Alam ko hanggang ngayon ay may puwang pa rin si Chaun sa puso niya.

Pero nababahala ako sa mangyayari bukas. Maaring hindi maging maganda ang kalabasan ng paglilitis bukas. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama may Chaun.

Dapat lang talaga na gising si Weiming si bukas para matulungan niya ang dati niyang minamahal.

Pero kung magiging maganda ang kakalabasan bukas ay mas mapapadali ito para sa akin dahil ang iintindihin ko na lang ay makuha ang libro na sinasabi ni Doktor Guryo.

Para na rin makabalik na ako sa mundo ko.

"H'wag kayong mag-alala, pagkatapos ng aming pamamasyal ay tutulong na ako sa inyo."

Ibinaba na ako ni Grock sa puno na sinasabi ni Rushin. Ngumiti lamang siya sa akin bago umalis.

Halos nasa tuktok na ng bundok ang lugar kung nasaan ang puno na ito. Tanaw rito ang bayan at ang palasyo. Mainit man dala nang sikat ng araw pero nilalaban ito ng lamig na dulot ng hangin.

Umupo ako sa ilalim ng gintong puno habang hinihintay ko si Rushin. Tinignan ko laman ng basket niya at may tela roon. Inilapag ko ito sa damuhan at isa-isang nilabas ang pagkain na dala-dala niya.

Bago sa paningin ko ang mga pagkain na ginawa niya pero mukhang masarap ang mga ito.

Bigla na lamang may tumakip sa dalawang mata ko mula sa likuran ko, "Rushin?"

"Hindi ako si Rushin," boses ito ng isang babae. "Pero binabalaan kita na lumugar ka kung saan ka nararapat lumugar dahil kung hindi ay kikitilin ko ang iyong buhay."

Hinawakan ko ang kamay niya para mai-alis niya ito sa mga mata at para na rin makita ko kung sino man siya.

"Anong ibig mong sabihin? Sino ka ba?"

Mas humigpit ang pagkatakip niya sa mga mata ko. Sinubukan ko siyang sikuhin pero bigla na lang siyang nawala na parang bula.

Tumayo ako para hanapin siya pero wala kahit isang bakas akong nakita sa paligid.

"Jia? Anong problema?" Magkasalubong na ang dalawa niyang kilay. "May nanggugulo ba sa'yo?"

"Uhm... may ba-babae kasi kanina na nagtakip mga mata ko at binantaan niya ako."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga braso ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Sino siya at ano ang sinabi niya?"

Umiling ako at patuloy na tumingin sa paligid pero hindi ko pa rin siya nakita.

"Hundi ko alam pero ang sabi niya, kapag hindi ako lumugar sa tama ay papatayin niya ako."

Humigpit ang pagkakahawak ni Rushin sa akin. Nagsisimula na rin magbago ang kulay ng kanyang mga mata.

Hinawakan ko siya sa kanyang kamay para kumalma siya. Hindi ko gusto kapag nagagalit siya... natatakot ako sa kanya.

"H'wag kang mag-alala, wala naman siyang ginawa sa akin at isa pa, kaya kong protektahan ang sarili ko."

"Hindi natin siya kilala, Jia! Maaring mapanganib siya at isa pa hindi tama ang ginawa niya sa'yo!"

Sa totoo lang kahit hindi ko na siya nakita pakiramdam ko mapanganib siya. Sa boses pa lang niya parang kayang kaya niya nga akong saktan. Natatakot din ako pero ayoko lang sabihin kay Rushin dahil mag-aalala lang siya lalo sa akin.

Ayoko rin masira na nang tuluyan ang araw na ito para sa kanya at sa akin. Iniisip ko nga na sana ay sinarili ko na lang pala ang tungkol sa babae na 'yon.

"Konti lang ang oras natin ngayon kaya ayokong sayangin 'yon sa babae na 'yon. Pag-usapan na lang natin 'yon pagka-uwi natin."

Tumahimik siya sandali at humingan nang malalim. Minasahe niya ang mga kamay ko pagkatapos ay binigyan niya ako ng matatamis na ngiti.

"Alam mo ba na sa tuwing nagagalit ako ay para akong nagiging lobo at wala pa kahit na sino ang nakakapag paamo sa akin maliban... sa'yo."

Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako direktang makatingin sa mga mata niya.

"Maari bang manatili ka lang sa tabi ko palagi, Jia?" Natahimik muli siya kaya tinignan ko siya. Nawala ang mga ngiti sa labi niya. "Kapag iniisip kong babalik ka na sa mundo ninyo ay sumisikip ang dibdib ko... parang hindi ko kaya."

Napalunok ako at mabilis na kumikisap ang aking mata. Damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa aking mukha at sa isang iglap lang ay dumampi na ang kanyang labi sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko pero hindi lang dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Rushin... nakita ko si Scion sa malayo na nakatingin sa amin.

Itutuloy....

Continua llegint

You'll Also Like

Desired Fantasy Per Alle_zanne

Literatura romàntica

198K 306 16
⚠️ MATURE CONTENT !TAGALOG SMUT! Are you ready to enter the World of Pleasure? ___________________________ A COLLECTION OF EROTICA ONE SHOT STORIE...
132K 3.7K 49
A place where death is everywhere a girl who have a pure heart and a monster who killed and make people's life miserable what if they met it each oth...
21.3K 635 42
Sa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?