Kabanata 36: Koronasyon

31.8K 2.2K 455
                                    


KULAY pula ang mga mata ni Rushin. Galit siya at hindi lang sa mata niya 'yon nakikita kung hindi pati sa buong mukha niya.

Nasa likuran niya sina Bonjo.

"Sumuway kayo sa kasunduan, Bonjo!" Sigaw ko. Hindi ko rin matago ang inis ko.

Nagtiwala ako sa kanila pero nilinlang nila ako. Akala ko talaga ay iba sila at gusto nilang tulungan ang Hari nila.

"May mali sa kasunduan, aking reyna." Singit ni Rushin. "Hindi naman Jia ang iyong pangalan, hindi ba? Ikaw si Xiang Serenity."

Kaya pala malakas ang loob nila at kaya pala buhay pa rin sila hanggang ngayon. Hindi na pumasok sa isip ko ang bahay na iyon.

"Ngayon, bumalik na tayo sa palasyo, aking reyna. Maaga ang koronasyon bukas."

"Hindi ako sasama sa'yo, Rushin!"

Mas lalong lumabas ang mga ugat sa mukha niya. Isinara niya ang dalawang kamay niya.

"Hindi iyon isang paki-usap, isa iyong utos!"

Pagsigaw niya ay isa-isang nagsulputan ang mga puting lobo sa paligid.

"Hindi ko na ito uulitin pa, sumama ka na sa amin o hindi mo magugustuhan ang mangyayari."

Bigla akong napa-isip. Kung susuwayin ko siya ay maari niyang patayin si Scion.

Nasira ko ang plano. Sinira ko ang nag-i-isang chance na matalo namin si Rushin at Jun.

Hinawakan ni Scion ang kamay ko, "Hindi siya sasama sa'yo! Hindi ka niya mahal kaya tigilan mo na ang ilusyon mo!"

Tumawa nang malakas si Rushin.

"Sige nga, sino ang mahal niya, ikaw?"

Sabay silang tumingin sa akin, hinihintay ang sagot ko. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Scion.

"Oo, ako ang mahal niya."

Kusang lumabas ang malaking ngiti sa labi ko. Proud na proud kasi si Scion habang sinasabi ang mga salita na iyon.

"Walang ibang pwedeng mahalin si Jia, kung hindi ako lamang!"

Inangat si Rushin ang kamay niya at inituro niya kami. Isa-isang lumapit sa amin ang mga lobo niya at ang kasama niyang mga sundalo.

Agad naming iniwasan ang atake nila. Gayon pa man, masyado silang marami kumpara sa bilang namin. Hindi rin ganoon naka-atake ang mga ahas ko.

Habang nakikipaglaban ay may humili sa akin mula sa likod ko. Pagtingin ko sa leeg ko ay may nakatutok na sa akin na patalim.

Lahat sila kahit na si Rushin ay natigilan at napatingin sa amin.

"Jun, anong ginagawa mo?"

Siya pala. Hindi na ako nagulat sa ginawa niya. Inaasahan ko nang isang araw ay ta-traydurin niya rin si Rushin.

Alam kong may iba pa siyang binabalak kaya niya kami dinala rito. Hindi lang siya basta maghihiganti. May iba pa siyang plano.

At kung tama ang hinala ko, may kinalaman ito sa dahon ng Sequioa.

"Ibigay niyo sa akin ang dahon ng Sequioa, ngayon din! Kung hindi ay papatayin ko si Xiang!"

Tama nga ako... gusto niya pa rin maghari sa mundo. Hindi pa rin siya tapos sa kasamaan niya.

"H'wag niyong ibigay sa kanya!" Mabilis kong sigaw.

Humakbang siya patalikod habang hila-hila ako.

"Tumahimik ka, Xiang! Hindi ko hahayaan na masira mo ulit ang plano ko! Hindi 'yon mangyayari!"

Mas lalo niyang idiniin sa leeg ko ang punyal. Nakaramdam ako nang hapdi at may kaunting dugo ang tumulo sa leeg ko.

Zithea (Published under IndiePop)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ