Kabanata 19: Ugnayan

41.8K 2.6K 865
                                    



MALAKAS ang boses ng mga paparating na kawal. Pareho kaming natigilan ni Scion sa pagdating nila.

"Mahal na Hari, ang Mahal na Reyna po ay nasa panganib! Kayo po ay inaasahan sa kanyang silid!"

Agad na napatayo si Scion at dali-daling sumama sa mga kawal. Nabunutan man ako ng tinik sa lalamunan dahil hindi na niya nakita ang palad ko pero nag-aalala ako para kay Weiming.

Hindi ko na muna inisip kung paano ko tatakpan ang sugat sa palad ko. Nagmadali rin akong pumunta sa silid ng Reyna.

Madami na ang tao sa labas, nakita ko na rin si Doktor Guryo na nagmamadali sa pagpasok sa silid ng Reyna.

Ano kayang nangyari sa kanya? Mukhang malakas naman siya kahapon pero parang malala ang lagay niya ngayon.

Sinubukan kong pumasok sa loob dahil ako ang kanyang personal na manggagamot kaya nararapat lang na nasa tabi niya ako ngayon.

Agad akong tinawag ni Doktor Guryo nang makita niya ako sa pintuan.

Namumutla si Weiming at puno ng pawis ang katawan niya. Kumuha ng mga karayom si Doktor Guryo at ang bawat dulo nito ay isinasawsaw niya sa kulay lilang enerhiya.

"Hanapin mo ang mga ugat niya at iturok mo ang mga karayom na ito," utos niya. "Madali ka, Jia!"

Wala talaga akong alam sa mga ganito. Hindi rin ako sigurado kung nasaan ba ang mga ugat niya pero para gumaling si Weiming ay ginamit ko na ang kapangyarihan ko. Iniakyat ko ang enerhiya ko papunta sa aking mata. Mas malinaw akong nakakakita sa tuwing ginagawa ko ito. Ang nagiging kapalit lang ay nanghihina ako kaya hindi ko na ito ginagawa pero kailangan.

Naramdaman ko na ang init ng enerhiya at nang makarating na ito sa mga mata ko ay mas malinaw ko nang nakita ang ugat niyang nangingitim na.

Isa-isa kong itinurok na may kasamang pag-iingat ang mga karayom.

Inabot kami ng isang oras para maiturok kay Weiming ang lahat ng karayom na kailangan niya.

Kung kanina ay namumutla siya, ngayon ay namumula na ang mukha niya. Mas magandang indikasyon kesa kanina na halos nawawalan na siya ng dugo.

"Jia, mukhang pagod na pagod ka na. Magpahinga ka na at ako na ang bahala rito."

Sinunod ang utos ni Doktor Guryo. Agad akong lumabas sa silid. Nilalabanan ko ang hilo na nararamdaman ko. Ito na siguro 'yong epekto ng paggamit ng kapangyarihan ko.

Medyo nakalayo na ako sa lugar ng Reyna. Pinilit ko pang makapaglakad hanggang makarating ako sa tanggapan ni Doktor Guryo pero hindi ko na kinaya.

Bumagsak ang katawan ko sa lupa at nanlalabo na ang paningin ko. Uhan na uhaw na ako at parang mawawalan na ako nang malay.

"Jia!"

Pamilyar ang boses niya pero kung tama ako, hindi na niya dapat ako sinundan pa.

"Anong nangyari?" Lumuhod siya at inangat niya ang ulo ko. Malabo ang paningin ko pero alam kong siya si Scion. "May nakita akong kakaiba sa mga mata mo kanina. Isa ba iyong enerhiya?"

Nanghihina na nga ako tapos inuusisa niya pa ako.

"Tu-tubig..." sambit ko gamit ang nanghihina kong boses. "Tubig..."

Bigla ko na naman naramdaman ang pakiramdam na para kang nahuhulog sa isang malalim na bangin. Ang tagal na panahon na nang maramdaman ko ito pero hindi ko pa rin ito makalimutan.

Napapikit ako sandali at pagmulat ng mga mata ko ay nasa silid na ako ni Scion.

Isinandal niya ako pader at dali-dali siyang kumuha ng tubig para iabot sa akin.

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now