Kabanata 12: Pagseselos

49.1K 3K 1K
                                    



PAANO? Iyan ang kanina ko pa iniisip. Paano ko sasabihin kay Rushin ang isa pang pagkakamali na ginawa ko. May atraso ako sa kaibigan niya.

Pambihira kasi si Scion! Ayaw pa rin ako tantanan hanggang ngayon kaya kung ano-ano na ang nasabi ko. Ganito rin ang ginawa namin noon kay Liam.

Bumigat ang dibdib nang maalala ko si Zhao. Nakikita niya kaya ako rito sa Zithea mula sa langit?

"Kanina ka pa hindi nagsasalita, Jia. May problema ba? Tungkol ba 'to kagabi?"

Naglalakad kami ngayon papunta sa palasyo. Pinatulog ko na si Rushin kagabi dahil mukhang pagod na siya kaya hindi ko na nasabi sa kanya ang dapat ko pang sabihin.

"Uhm... ang totoo kasi niyan... may gusto akong sabihin sa'yo."

Huminto kami sa paglalakad at tumingin siya sa'kin. Nagtama ang mga mata namin at kapansin-pansin na naman ang mga asul na mata niya. Nakapusod ang kanyang buhok kaya kitang-kita ang mga panga niya.

 Nakapusod ang kanyang buhok kaya kitang-kita ang mga panga niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Minsan may pagkakahawig sila ni Scion.

Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Ano iyon?" Tanong niya.

Inabot ako ng ilang segundo bago ko maibuka ang bibig ko pero bago pa man ako tuluyang makapagsalita ay may dumating na mga kawal na sakay ng mga kabayo.

"Lady Jia," bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Grock na nakasakay sa isang itim na kabayo. "Paumanhin sa abala ngunit mag gusto kaming iparating sa inyo."

Isa-isa silang bumaba sa kabayo, anim pa talaga silang kawal. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ipapadala na ba ako sa konseho? Hindi ba naging epektibo 'yong ginawa ko sa mga kawal?

Humakbang sa harapan ko si Rushin at hinila niya ako papunta sa likuran niya. "Heneral, kung dadalhin niyo siya sa konseho, kailangan ay kasama niya ako," sambit niya.

"Konseho? Anong sinasabi mo? At sino ka?"

Hindi ako dadalhin sa konseho. Hindi pa nila ako ibibitin sa lubid hanggang sa mamatay ako.

"Uhm... ako si Rushin. Isa niya akong kaibigan–"

"Ah! Siya ay kai-bigan ko," pumunta ulit ako harapan nila Grock. "Ano ba ang kailangan niyo? Nagmamadali kasi kaming makapunta sa palasyo at baka mahuli pa kami."

"Ipinapatawag kayo ng mahal na Hari sa kanyang tanggapan. Kung maari ay sumabay na kayo sa amin."

Kaya pala may isang kabayo na bakante dahil doon nila ako papasakayin. Akala ko naman kung ano na ang gagawin nila sa akin.

Nagkatinginan muli kami ni Rushin, "Mauna ka na sa palasyo, magkita na lang tayo mamayang tanghalian." Ngumiti siya sa akin pero pakiramdam ko ay nalungkot siya dahil naging matamlay bigla ang boses niya.

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now