Katapusan

48.5K 3.7K 2.5K
                                    



TUWANG-TUWA ang mga tao habang nagku-kwento ako. Hindi ko akalain na magugustuhan nila ang kwento ng Hari ng Hando.

"Miss Serenity, hindi na po ba talaga magkikita si Haring Scion at Jia?" Malungkot na tanong ng isa sa mga nanunuod. "Alam kong si Weiming pa rin ang makakatuluyan niya pero mas gusto ko si Jia."

Pagkatapos ng Polaris ay nagsulat muli ako ng karugtong nito... ang Zithea.

Alam kong dapat mag move-on na ako sa mundong 'yon at kay Scion pero ayoko 'tong ipagkait kay Jia.

Hindi kagaya sa totoong buhay, binigyan ko ng kanya-kanyang happy ending ang dalawa. Si Scion, nanatili siyang masaya sa piling ni Weiming at si Jia... naging masaya siya sa Earth kasama si Liam.

"Tanda niyo ba ang libro ng Polaris? Gumagana lang ito tuwing isang daan taon kaya imposible na ulit silang magkita..."

Kita ko sa mukha nila ang lungkot.

"Pero alam ko naman na kahit magkalayo sila ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang isa't isa."

Sana nga ay hindi ako makalimutan ni Scion... kami.

Tanggap ko na naman sa sarili ko na wala na talagang paraan para magkita pa kami. Hindi ko pwedeng gamitin ang natitirang pahina sa Polaris dahil nakalaan ito kung magkakaroon muli ng problema ang mundong ito. Ginawa naman ang libro na 'yon para protektahan ang Earth at hindi para sa pansarili kong kagustuhan. Dugo at pawis ang ibinigay ng mga ninuno namin para rito.

Siguro sa susunod na buhay, kung magkikita pa muli ang landas namin, baka magkasama na talaga kami.

Sa ngayon, masaya na ako sa mga alaala na ibinigay niya sa akin. Isang alaalang nagpabago ng buhay ko. Iyon naman ang importante at hindi ang malulungkot na nangyari sa amin.

"Minahal po ba nila ang isa't isa, Miss Serenity?"

Tumango ako, "Oo naman.. pero may kanya-kanya na silang mahal sa buhay. Kaya maging masaya na lang tayo para sa kanila."

Sa totoo lang kahit limang taon na ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko para sa Hari ng Hando... sa bawat araw na lumipas, mas lalo ko siyang minamahal.

Sa bawat araw mas lalong sumasakit pero sa tuwing tumitingin ako sa telescope at nakikita ko ang mga bituin, at minsan ang Zithea, ay kumakalma ang puso ko.

Alam ko na sinisilip niya rin ako sa mundo niya.

Natapos na ang maikling story telling ko. Oras na para sa book signing ng Zithea. Tatlong taon na itong nailabas pero madami pa ding tumatangkilik dito.

Isa-isang pumila ang mga tao.

Nauna sa pila ang isang batang babae na may kulot na buhok at porselanang kutis. Kapansin pansin din ang kulay asul niyang mga mata, katulad na katulad sa kanya... ama.

"Good morning, my little princess Jia." Bati ko.

"Hi mommy!"

Masaya niyang inabot sa akin ang libro. Kinuha ko ito at pinirmahan. Kasama niya ang ninong Cooper niya habang nakaupo sa harap si Fashia at ang anak nilang si Skyler.

Si Auntie naman ay nagpapahinga dahil kakapanganak lang niya.

"I'll see you later, okay?"

"Okay, my love."

Si Jia ang isa sa mga magagandang alaala na ibinigay sa'kin ni Scion. Hindi ko akalain na magbubunga ang pagmamahalan namin... ang gabing ibinigay ko sa kanya ang sarili ko.

Kilala niya ang kanyang ama pero sa tuwing hinahanap niya 'to ay sinasabi ko na lang na nasa mga butuin ito at pinapangalagaan ang mundo namin.

Para sa kanya, ang ama niya ang superhero niya. Hindi man niya makita si Scion, buhay na buhay pa rin 'to sa puso't isip niya.

Zithea (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon