Kabanata 31: Paghihiganti

42.8K 2.6K 1K
                                    



ISA sa mga masakit na bagay sa mundo ay ang lokohin ka ng isa sa mga taong mahalaga sa'yo. Ang tiwala kasi, kapag nasira na, mahirap na ibalik kahit na ano pang gawin mo.

"Gusto kong gamutin niyo siya sa lalong madaling panahon. Gusto kong kasama siya sa koronasyon ko," utos niya sa mga manggagamot nila.

"Masusunod po Mahal na Hari."

Hindi ko na kailangan pang magtanong. Malinaw na siya ang Hari ng Soka. Kung babalikan ko rin noon ay tinawag na siyang Hari ng mga kaibigan niya, na maaring mga sundalo sa kaharian niya. Kaya rin siya tinawag na prinsepe ng lola niya– o kung sino man siya.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung anong dahilan at siya ang naging isipiya. Kung gusto niyang tiktikan ang lugar na iyon at bakit siya mismo ang pumunta roon at hindi ang mga tauhan niya. Masyadong mapanganib para sa kanya ang ginawa niya. May mga bagay pa rin na hindi malinaw sa akin.

Lumapit siya sa akin habang nakahiga ako sa napakalaking kama na tingin ko ay silid niya.

"Kanina pa masama ang tingin mo sa akin, Jia." Umupo siya sa tabi ko. "Ako pa rin naman 'to, si Rushin, 'yong taong may gusto sa'yo."

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ikaw pa rin nga ba?" Mahina kong tanong.

Sa totoo lang, pakiramdam ko na niloko niya ako. Hindi ko alam kung alin sa mga kwento niya ang totoo. At kung totoo ba talaga na gusto niya ako.

Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko rin itong inalayo sa kanya. Hanggat hindi nasasagot ang mga tanong ko ay ituturing ko siya na isang kaaway.

"Ipaliwanag mo sa akin ang lahat, Rushin. Anong ginagawa mo sa Hando? At bakit nagpanggap ka na isang kawal lang?"

Bago pa man niya maibuka ang kanya bibig ay bumukas ang pinto ng kwarto niya.

Pumasok ang Mahal na Reyna kasama ang babaeng kanina pa galit na galit sa akin, si Dria– ang kasintahan ni Rushin.

Iyon pa, may kasintahan pala siya pero hanggang ngayon ay sinasabi niyang gusto niya ako? Paano pa ba ako maniniwala sa mga pinagsasabi niya?

"Anak, ipinatatawag ka na ng punong ministro."

Hindi humakbang ang nanay ni Rushin pero itong Dria na 'to, mas lumapit pa sa amin.

"Rushin, ako na ang bahala sa kanya," ngumisi siya sa akin pero alam kong may binabalak siyang masama. "Kailangan ka na sa pulong."

Tinignan ko si Rushin at matutulis ang tingin niya sa girlfriend niya. Hindi niya ba na-miss ang sweety pie niya? Ilang araw din silang hindi magkasama.

Sabagay, kung pagsalitaan niya kanina si Dria ay ganoon na lamang. Hindi mo aakalain na may namamagitan sa kanilang dalawa pero pwede rin na magkaaway sila.

"Babalik ako, Jia. Magpahinga ka na muna at magpalakas."

Mas lalong lumaki ang ngiti sa mukha ni Dria habang papalayo si Rushin. Naiwan siya sa loob at ilang kawal. Bantay sarado pa rin ako kaya hindi pa rin ako makakaaalis sa lugar na 'to.

Naglakad nang pabalik-balik sa gilid ko si Dria. Hindi naman niya siguro ako papatayin na lang bigla? Sabi ng Hari, pupugutan daw siya ng ulo kapag sinaktan pa niya ako.

Gagawin ba talaga 'yon ni Rushin sa kasintahan niya? Kaya ba mukhang masaya 'tong babae na 'to dahil magagawa na niya ang gusto niyang gawin sa akin kanina pa?

"Jia, ang babaeng pain..." panimula niya. "Sinabihan na kita noon pa na alamin nag lugar mo dahil kung hindi ay malilintikan ka sa'kin."

Ibig sabihin ini-istalk niya na kami noo pa. Ganoon ba siya ka obsessed kay Rushin? Hindi naman ako dapat damay dito dahil wala naman namamagitan sa amin ng nobyo niya.

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now