Kabanata 30: Hari ng Soka

40.6K 2.6K 913
                                    



HATING gabi na at saktong pagdating ng karwahe na sinasabi ni Doktor Guryo.

Agad ako lumapit sa mga iyon at sa panghuling karwahe ay naghanap ako ng mapapasukan. Mula sa likuran ay nakapasok ako sa loob.

Walang tao sa loob, puro mga... baril. Parang ang high tech ng mga baril na gamit nila. May baril na sa mundong ito pero hindi ganito ka-high-end. May nakita pa akong granada. Parehong-pareho sa nakikita ko sa bahay nila Fashia. Dati kasing pulis si si Raymond bago siya naging inspektor.

Sumilip ako sa maliit na butas para malaman ko kung pwede na ba akong bumaba o hindi. Pagpasok namin sa loob ay hindi mahulugan karayom ang mga sundalo. Ibang iba ang awra sa Soka, kumapra sa Hando. Parang lagi silang may pupuntahan na gera.

Medyo malayo na ang nilalakbay namin simula nang makapasok kami sa loob. Malaki nga talaga ang bayan na ito katulad ng sinabi ng doktor.

Hinintay ko na makapunta kami sa tunnel na pwede mong babaan. Madilim daw doon at walang makakakita sa akin. Sana lang tama talaga ang sinasabi ni Doktor Guryo. Ayokong mahuli at mamatay dito.

Madilim na pero mas lalong dumilim, indikasyon na nasa tunnel na kami. Naghanda ako at pagbilang ko ng lima ay tumalon na ako sa karwahe.

Naglabas ako nang kaunting enerhiya sa kamay ko para kahit papaano ay may makita ako.

Lumabas ako sa tunnel at dumiretso sa bahay-bahay ng bayan.

Lahat ng bahay dito ay sarado at walang may isang ilaw. Puno ng mga kahoy ang bintana nila na akala mo ay may magnanakaw na aatake sa kanila gabi-gabi.

Dito ay tinawag ko na ang mga ahas ko na dumaan sa ilalim ng lupa. Hindi sila maaring makita ng mga sundalo dahil maaring matunugan nila na may ispiya sa loob.

Hinayaan ko silang maghanap ng daan papunta sa palasyo ng Soka. Daan na hindi agad ako makikita pero aabutin lang ako ng ilang minuto at hindi ng umaga. Kailangan ko makaalis dito bago palitan ng araw ang buwan.

Tanging mga padyak ng mga sundalo ang maririnig mo sa loob, hindi katulad sa Hando na kahit hating gabi ay maririnig mong may mga nag-uusap at nagtatawanan pa.

Nang makapasok na sa loob ang isang ahas ko ay wala na akong inaksayang oras pa. Tahimik akong naglakad papunta sa likod ng palasyo.

Sa isang kakahuyan ako dumaan pero kahit ganoon ay mga bakal na nakita ang mga alaga ko. Tumigil ako sandali para pag-aralan kung ano ang mga ito at nanlaki ang mata ko dahil isa itong mga land mines. Madalas akong manuod ng mga war movies kaya pamilyar na ako sa itsura nila.

Pero ang tanong... paano?

Paano sila nagkaroon ng ganito? May kapangyarihan man ang mga tao sa Zithea pero hindi pa ganoon ka advanced ang mga gamit nila, hindi katulad sa Earth.

Gayon pa man, nag-ingat ako para hindi paapakan ang mga ito. Ginabayan ako ng mga ahas ko upang iwasan ito. May mga pagkakataon na muntik ko na siyang maapakan kaya wala pa man ako sa mismong palasyo ay hinihingal na agad ako at napaka bilis ng tibok ng puso ko.

Masyadong sadista ang lugar na ito. May mga ispiya kaya na nakakalabas pa rito na buhay? Kung wala ay sana isa ako sa maging exemption.

Tanaw ko na ang palasyo. Hindi pa rin nawawala ang ilaw sa loob. Parang hindi sila natutulog.

Naplano na namin 'to ni Doktor Guryo kaya sana gumana.

May ibinagay sa akin ang doktor na tableta. Kapag ininom ko raw ito ay walang makakakita sa akin pero gagana lang ito sa loob ng sampung minuto. Kaya sa loob ng oras na 'yon ay dapat makuha ko na ang libro dahil kung hindi, pugot ang ulo ko.

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now