Kabanata 22: Bundok ng Deri

50.1K 2.8K 1.6K
                                    



HINDI ko alam kung paano sasabihin kay Rushin na kailangan kong magtrabago bukas pagkatapos namin mamasyal. Pakiramdam ko ay maiinis siya.

"Kanina pa kita hinihintay," binigyan niya ako nang malaking ngiti. "Naghanda na ako ng makakakain para sa pamamasyal natin bukas."

Ang daming pagkain sa mesa pero karamihan sa mga ito ay hindi pa naluluto. Hindi naman siya excited para bukas, ano?

Mas lalo akong nahirapan sabihin sa kanya ang utos ng Hari... na tila ba ay kinakamuhian niya.

"Uhm... hindi ba masyadong marami ang mga ito?"

"Buong araw tayo bukas sa sa bundok na iyon kaya kailangan madami tayong dala na pagkain."

Nanahimik ako sandali at iniisip kung paano ko isisingit ang kailangan kong sabihin.

"Ano kasi... uhm... inutusan kasi ako ng Mahal na Hari na samahan siya bukas sa... sa parehong bundok na pupuntahan natin."

Naningkit agad ang mga mata niya. Dahan-dahan lumalabas ang mga ugat sa mukha niya. Pinagmamasdan kong mabuti ang kulay ng mga mata niya at nag-iba nga ang kulay nito.

Naging pula na.

"Wala kang pasok bukas sa palasyo kaya bakit ka niya uutusan?" Malumanay lang ang pagkakasabi niya ngunit ramdam mo ang galit sa boses niya. "Sinabi mo bang aalis tayo?"

"Oo, sinabi ko pero nagpumilit siya. Hihintayin daw niya tayong matapos."

Tumalikod siya sa akin at nagbuhos siya ng tubig sa lababo. Mukhang pinipigilan niya ang galit niya.

"Hayaan na lang natin siya. Masisira lang ang araw natin bukas kung magagalit ka."

Pinunasan niya ang mukha niya pagkatapos ay humarap siya sa akin. Tinignan niya ako sa mga mata ako at kahit papaano gumaan ang loob ko dahil naging asul na ang mga mata niya.

Hindi na siya galit... tama?

"Alam mo bang kaya mong alisin ang galit ko nang ganoon na lang? Ano bang meron sa'yo?" Ngumiti siya pagkatapos hinawi niya ang buhok ko papunta sa likod ng tainga ko. "Pakiramdam ko nahuhulog na ako sayo... Jia."

Uminit ang magkabilang pisngi ko at rinig ko sa mga tainga ko ang sunod-sunod na tibok ng puso ko.

"Pero hindi pwede... kaya dapat pigilan," mahina niyang sambit.

Lumayo siya sa akin at dumiretso sa mesa. Kinuha niya ang ibang mga pagkain at inilagay sa isang lalagyanan.

"Mukhang hindi natin 'to mauubos bukas kaya mabuti pa na ibigay ko na lang kina Ling ito."

Hindi pa rin nawawala ang init sa mga pisngi ko.

"Ah... oo nga... sayang naman."

"Kumain ka na rito at magpahinga. Maaga na lang tayo umalis bukas. Minsan lang tayo makapamasyal kaya dapat sulit na 'to."

Tinignan niya ako at bigla niya akong kinindatan ngunit bigla na lang pumasok sa isip ko ang mukha ni Scion habang kinikindatan niya ako.

Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Bakit ko ba siya naiisip gayong si Rushin naman ang nasa harapan ko.

"Jia? Ayos ka lang ba?"

Tumango ako at ngumiti, "Ayos lang ako, Rushin."

***

MAAGA nga akong ginising ni Rushin. Gusto talaga niyang sulitin ang araw na 'to. Siguro may dalawa o tatlong linggo pa naman ako sa mundong 'to kaya pwede pa namin 'to gawin ulit.

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now