Kabanata 3: Katotohanan

56.4K 3.1K 849
                                    



ISANG galon ata na laway ang nalunok ko habang nakatitig kay Grock. Sobrang bilis din nang patibok ng puso ko na para bang tumakbo ako ng isang kilometro.

"Paano kayo napunta rito, Lady Xiang?"

Gusto kong ibuka ang bibig ko para sagutin siya ngunit nanigas na ata ako sa kinakatayuan ko pero para akong yelong lumambot nang may humawak sa braso ko.

"Jia," nilingon ko siya, si Rushin. "Anong nangyayari rito?"

"Jia?" Tanong ni Grock. "Xiang ang kanyang pangalan, ginoo." Diin niya.

Kumunot ang noo ni Rushin, bago pa man magkagulo ay pumagitna na ako.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo kuya pero Jia ang pangalan ko. Hindi ko kilala ang Xiang na sinasabi mo," tinignan ko si Rushin at nagsasalubong ang makakapal niyang kilay. "Mabuti pa ayusin na lang natin ang gulo na 'to. Humihingi ako ng pasensya kung humarang kami sa daanan niyo. Ayos na ba?"

Masama pa rin 'yong timpla ng mukha ng kapitan na walang kasing sungit, "Heneral, mabuti pa umalis na tayo rito. Nag-aaksaya lamang tayo ng oras."

Aba, biglang atras siya pero sa ekspresyon ng mukha niya ay mukhang inis pa rin siya sa akin. At teka, tinawag niyang heneral si Grock! Siya pala ang pumalit kay Chaun. Hindi ko na kasi naisulat ang mga nangyari sa kanila pagkatapos maging hari ni Scion.

"Sigurado ka bang hindi ikaw si Lady Xiang? Kamukhang kamukha mo talaga siya at halos magkasing boses pa kayo," pagpipilit niya. Nag-iba na naman ang itsura ko pero paano at nakilala niya pa rin ako? "Hindi mo na ba talaga ako maalala? Ako 'yong kasamahan ni Shin."

Biglang sumikip ang dibdib ko nang mabanggit niya ang pangalan ng matalik niyang kaibigan. Ang taong nagbuwis ng kanyang buhay para sa aming lahat.

Pero hindi niya dapat malaman na ako nga ito.

"Sabi ng nanay ko maari ka raw magkaroon ng isang taong kamukhang kamukha mo kaya baka kamukha ko lang talaga siya. Isa pa, taga saan ba ang sinasabi mong Xiang?"

Huminga siya nang malalim at napatingin siya sa lupa, "Siguro nga... kamukha mo lang siya."

Tinalikuran na niya kami at sumakay na siya sa kabayo. Ganoon din ang ginawa ng ibang sundalo pero itong kapitan ay pinangdilatan muna ako ng mata bago tuluyang umalis.

Mukhang mabigat ang dugo niya sa akin pero ayos lang dahil ganoon din naman ako sa kanya.

Biruin mo ba naman na muntik na niyang maapakan 'yong walang kaawa awang bata? Wala ba siyang anak para gawin niya 'yon?

"Ate!" Hinila pababa ng batang niligtas ko kanina ang damit ko. "Salamat sa pagligtas mo sa akin! Isa kang bayani!" Lahat ng batang kasama niya kanina ay lumapit na rin sa amin at sumang-ayon sa sinabi niya.

"Wala 'yon pero sa susunod mag-iingat na kayo, ayos ba?" Ngumiti sila sa akin at ganoon din ako. "Sige na, umuwi na muna kayo at maligo."

Masaya silang nagtakbuhan pabalik sa kani-kanilang bahay. Tinignan ko naman si Rushin at mukhang hindi rin ata maganda ang timpla ng mukha niya.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay niya.

Sinara niya ang pinto ng bahay at sinigurado rin niya na nakasara ang pinto ng kwarto ng lola niya. Humarap siya sa'kin at seryoso ang kanyang mukha.

"Sabihin mo nga, sino ka ba talaga?"

Malalim ang boses niya nang sabihin niya 'yon. Iba sa una kong pagkakakilala sa kanya.

"Ikaw ba 'yong Lady Xiang na sinasabi niya?"

"Hindi ako 'yon," diin ko.

"Paano mo nalaman na hindi ikaw 'yon, hindi ba nawalan ka ng memorya? Pwera na lang kung nagsisinungaling ka lang talaga sa'kin."

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now