Kabanata 13: Natatangi

45.1K 2.9K 1.2K
                                    


NATATANGI o nag-iisa, iyan ang ibig sabihin ng tangi– ang tawagan namin ni Rushin.

Sa totoo lang kung magkakaroon ako ng boyfriend, 'yong talagang totoo na at hindi lang pagpapanggap, gusto ko ring call sign 'yong tangi.

"Sa tingin mo ba talaga titigilan ka na ng Hari ngayon na alam niyang magkasintahan tayo?"

Gusto kong sabihin na oo pero hindi ko pa masabi sa ngayon dahil parang hindi pa rin siya sumusuko.

"Kung mapapatunayan natin na talagang magkasintahan tayo siguro titigil na siya," matagal ko nang gustong itanong sa kanya 'to pero wala lang akong pagkakataon. "Nagkaroon ka na ba ng kasintahan?"

Tumawa siya nang malakas at napahawak pa sa kanyang tiyan. Anong nakakatawa sa tanong ko?

"Tingin mo ba hindi maganda ang itsura ko para hindi ako magkaroon ng kasintahan?"

Teka, nagyayabang ba siya sa akin? Kahit naman gaano ka kagwapo kung magaspang naman ang ugali mo ay wala rin magkakagusto sayo.

Marahan niya akong tinulak, "Biro lang. Baka sabihin mo ay mayabang ako. Pero para sagutin ang tanong mo, oo nagkaroon na ako ng kasintahan."

Nababasa niya ba 'yong nasa isip ko?

"Nag-aalala ka ba kung magagawa ko nang maayos ang pagpapanggap natin?"

Umiling ako, "Gusto ko lang malaman."

Nakarating na kami sa kantina. Nakaupo na sa isang mesa ang limang kasamahan niya at kasama roon si Bonjo. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

Umupo kaming dalawa ni Rushin sa gilid ng mesa nila. Naglaho ang malalakas na tawanan nila.

"Sinabi mo na ba sa kanila ang ginawa ko?" bulong ko kay Rushin. Bigla kasing nag-iba ang mga reaksyon sa mukha nila.

Umiling siya at kinuha niya ang isang kutsara at ipinukpok sa kanyang baso, tila ba ay may iaanunsyo siya.

Lahat sila ay nagtinginan sa direksyon namin. Hindi maiwasan na magtama ang mga mata namin ni Banjo, tila napatalon ang puso ko. Ganito ba ang pakiramdam na makita ang tao na may malaki kang atraso?

"Mga kapatid," panimula ni Rushin. "Gusto kong i-anunsyo na kasintahan ko na si Jia. Sana ay maging masaya kayo para sa amin."

Nalaglag ang kanilang mga panga maliban kay Bonjo na siya namang pumalakpak habang hindi mapagsidlan ang tuwa.

"Kailan pa?"
"Sigurado ka ba d'yan kapitan?"
"Kakakilala niyo pa lang, hindi ba?"
"Maganda siya!"

Ayan ang mga narinig ko galing sa kanila. Mukhang hindi lahat sa kanila ay masaya sa sinabi ni Rushin.

"Mabilis ang mga pangyayari pero kakaibang babae si Jia," tumingin siya sa akin habang siya ay nakangiti. Namumukod tangi na naman ang mga asul niyang mata. Nakaladlad na rin ang mahaba niyang buhok. "Kaya kahit ilang araw ko pa lang siyang nakakasama ay nahulog na agad ako sa kanya."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now