Kabanata 17: Punong Doktor

44.8K 2.8K 749
                                    



GAANO ba siya kasigurado sa mga sinasabi niya? Wala naman siyang proweba kaya pwede akong mag-deny sa mga sinasabi niya.

"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo, Doktor."

Huminga siya habang ipinikit niya ang mata niya, "H'wag ka nang magsinungaling sa akin, Jia."

Inihinto niya ang paghahalo at itinapat niya sa akin ang kanyang kamay. Bigla na lamang umangat ang aking katawan.

May kulay biyoletang enerhiya ang nakapalibot sa akin. Mahigpit ang pagkakakapit nito sa akin kaya hindi ako makatakas.

Ang buong akala ko ay nagbago na siya at bumait pero nagkamali pala ako.

"Paki-usap, pakawalan mo ako Doktor Guryo! Wala akong alam sa sinasabi niyo!"

"Papakawalan kita kapag sinabi mo sa akin ang totoo. H'wag mo nang pahirapan ang sarili mo."

Mas lalong humigpit ang enerhiyang nakapulupot sa akin. Hindi ko pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko dahil mas lalo niya akong mabibisto pero paano ako makakatakas?

"Aminin mo sa akin ang iyong totoong pagkatao at papakawalan din kita. Hindi ko ito gustong gawin sa iyo kaya paki-usap, umamin ka na."

Anong mangyayari kapag umamin ako sa kanya? Mas mapapanatag ba ako dahil mas maiintindihan niya ako o baka naman mas lalo akong mapahamak?

Paano kung utos sa kanya 'to ni Scion para mapaamin ako na ako nga si Xiang?

Hindi ako nagsalita. Hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko alam kung kakampi ko ba siya o kaaway kaya mas mabuti na ang manahimik.

Pagkatapos ng isang minuto ay dahan-dahan niya rin akong ibinaba. Nawala na ang enerhiya na nakapalibot sa katawan ko.

Akala ko papatayin na niya ako.

"Mabuti at hindi ka umamin," may kinuha siyang papel sa kanyang bulsa. "Mabuti rin na hindi mo ginamit ang iyong kapangyarihan dahil iyon ay lubos na delikado."

Talagang desidido siya na may kapangyarihan ako. Paano naman niya nakuha ang ideya na 'yon? Samantalang hindi ko naman iyon ipinapakita sa harap ng madaming tao.

Nagkaroon ng tila ba video ang papel na hawak niya. Ang mas nakakagulat roon ay nandoon ako sa video. Parang kuha ito gamit ang mata ng isang tao.

"May kakayahan akong silipin ang huling labing walong minuto ng isang taong nawalan ng memorya."

Kung gayon ay point of view ito ni Kapitan Yogu. Kitang kita ako roon at malinaw ang mga boses.

"Kitang kita rito na ginamit mo ang kamandag ng mga ahas para mawalan sila ng memorya. At sa huli, hindi ka man niya nakikita ay narinig niya ang mga huli mong sinabi, na hindi nila pwedeng malaman ang iyong totoong pagkatao at kung saan ka nanggaling."

Huli at kulong, iyan ang sitwasyon ko. Hindi ko na pwedeng itanggi ang katotohanan sa kanya. Kaya pala dinidiin niya talaga ako dahil may proweba siyang hawak.

Huminga ako nang malalim, hindi ako halos makatingin sa kanya.

"Alam ko wala na akong kawala kaya aaminin ko na... tama kayo sa sinabi niyo. May kapangyarihan nga ako at hindi ako galing sa mundo na ito."

Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko mabasa kung masaya ba siya o galit sa pag-amin ko.

"Paki-usap ko lang sana, h'wag niyo po itong sasabihin sa iba, Doktor. Kahit po sana sa Mahal na Hari at Mahal na Reyna."

Zithea (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon