Kabanata 32: Naulilang Ama

43.7K 2.4K 661
                                    



SA pagbanggit pa lang ng kanyang pangalan ay nakaramdam na agad ako ng kakaibang takot, paano pa kaya kung makita ko siya sa personal.

Alam ko nang buhay siya pero hindi ko inaasahan na magkakilala na sila ni Rushin. Ngayon nagbalik siya, sigurado akong gusto niyang gumanti sa akin at kay Scion dahil sa nangyari kay Liam.

"Masama siyang tao," sambit ko. Maaring pareho lang silang masama pero may pag-asa pa ako kahit papaano kay Rushin. "Hindi mo dapat siya pagkatiwalaan."

Nakakunot ang noo ni Rushin, "Mukhang iba ang nai-kwento niya sa akin."

Tumaas ang kilay ko, "Anong sinabi niya sa'yo?"

"Nabanggit niya sa akin na dati mong kasintahan ang kanyang anak. Pero ang nakakagulat sa kwento niya ay si Scion ang pumatay sa kanya."

Sabi na nga ba, iyon ang sasabihin niya sa iba. Maaring iyon talaga ang nasa isip niya pero siya naman talaga ang pumatay sa sarili niyang anak. Kung hindi sana siya nakipag-alyansa kay Haring Midas, hindi mamatay si Liam.

Kinagat ko ang labi ko at isinara ko ang kamao ko. Gusto kong pigilan ang galit ko para hindi maubos ang lakas ko. Isa pa, hindi ako nakakapag-isip nang tama kapag matindi ang emosyon ko.

"Wala ka bang naramdaman na galit kay Scion dahil sa ginawa niyang pagpatay sa dati mong kasintahan? Siya ang masamang tao rito... Jia."

Tinignan ko siya diretso sa mga mata niya. Gusto kong makita niya na seryoso ako sa mga sasabihin ko.

"Hindi si Scion ang pumatay kay Liam. Ang sarili niyang ama ang gumawa noon at lalong hindi masama ang Emperador."

Siya naman ngayon ang nagsara ng kamao sabay ng pag-igting ng kanyang panga. Nagsisimula nang magpalit ng kulay ang kanyang mata sa pula.

Tumayo siya at humarap sa pintuan ng beranda. Binuksan niya iyon kaya pumasok ang malakas na hangin galing sa labas.

"Mahal mo pa rin ba siya hanggang ngayon?"

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot sa kanya. Hindi ito tungkol sa nararamdaman ko. Tungkol 'to sa magiging plano niya laban kay Scion. Kailangan ko siyang pigilan at hindi ang lalong dagdagan ang galit niya sa Emperador.

Hindi ko siya sinagot. Mas mabuti nang manahimik ako at hintayin ang kanyang sasabihin.

"Ang katahimikan mo ngayon ay nangangahulugan na tama ako."

Pumito siya at isa-isang pumasok sa loob ang itim at puting lobo.

Pamilyar silang lahat sa akin. Ang mga puting lobo na ito ang nakita ko sa labas ng Hando at ang itim naman ang nakita ko sa mga bubong at nagtangkang humabol sa akin.

"Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking iyon at sobra ang pagmamahal mo sa kanya pero malapit na rin siyang bumagsak," hinimas niya sa ulo ang mga lobo niya. "Hindi ko siya papatayin pero hindi ko mapipigilan ang aking ina sa mga balak niya niyang gawin sa minamahal mong Emperador."

"I-ikaw ba 'yong lalaking may kasamang lobo humabol sa akin?" Tanong ko. "Ikaw rin ba 'yong kumontrol sa mga puting lobo noong lumabas ako ng Hando para iligtas ang mga preso?"

Ngumiti siya at umupo sa harapan ko. Pumatong sa hita niya ang isang puting lobo habang ang iba naman ay umupo sa tabi niya. Nakatingin silang lahat sa akin.

"Tama ka, ako ang kumontrol sa puting lobo para protektahan ka. Noon pa man binabantayan ka na nila."

Gusto ko sanang matuwa pero dapat ko ba siyang paniwalaan sa mga sinasabi niya?

Sabagay, kailangan niya ako sa plano niya kaya kailangan niya lang talaga akong bantayan. Hindi dahil sa nag-aalala siya sa akin.

Dapat kong itanim sa utak ko na simula ngayon ay kalaban na si Rushin.

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now