Kabanata 26: Pag-amin

49.3K 3K 1.1K
                                    


PAGMULAT ko sa mga mata ko ay naaninag ko agad ang mukha ni Rushin.

"Jia?"

Hinawakan niya ang noo ko, siguro tinitignan niya kung may lagnat ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

Nilibot ng mata ko ang paligid. Wala na kami sa mala-disyertong daanan, tila ba nasa loob kami ng isang kuweba. H'wag mong sabihin na nasa bundok na kami ng Zeryu?

Pinilit kong umupo kahit masakit pa rin ang katawan ko pero naigagalaw ko na ang mga ito.

"Nandito na ba tayo? Nasaan ang Mahal na Hari?"

"Nasa loob na siya," may itinuro siyang daan papasok pa sa loob ng kuweba. "Ginagamot na ng manggagamot na si Doktor Zeryu. Kaya raw ganoon din ang pangalan ng bundok dahil pag-aari niya ito."

Ibig sabihin dalawang araw na akong nawalan ng malay, ganoon kalakas ang epekto sa akin ng kapangyarihan na iyon. Hindi ko dapat pa gamitin iyon dahil baka hindi ko ulit kayanin sa susunod.

Pero... "May nakita akong mga puting lobo na nakapalibot sa atin bago ako mawalan ng malay. Anong nangyari sa kanila? Sinugod ba nila tayo?"

Sigurado ako sa mga nakita ko at hindi lang basta kathang-isip ang mga iyon. Nawalan ako ng lakas kaya nagawa ko ang paglipat ng paningin ko sa mga ahas.

"Walang mga lobo na umatake sa atin, Jia. Ligtas tayong nakarating dito sa bundok ng Zeryu."

Nakakapagtaka. Anong dahilan at hindi nila kami inatake? Hindi ba sila agresibo at mapanganib katulad ng iba halimaw dito?

Sinubukan kong tumayo para puntahan si Scion. Baka kailanganin niya ako habang ginagamot siya sa loob. "Sinong kasama ng Mahal na Hari sa loob?"

"Siya lamang, iyon ay paki-usap ng manggagamot, Jia." Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. "Manatili ka na lamang dito. Ako na ang bahalang magbantay sa kamahalan."

"Asan ang ibang sundalo?"

"Ang iba ay nagbabantay sa pinakapasukan ng kuweba na ito, ang iba ay kumuha ng tubig at pagkain natin pabalik."

Hindi ko na siya sinuway. Hinayaan ko na siyang magbantay kay Scion. Umupo ako ulit sa sahig at doon bumawi ng lakas. Kung hindi kami nasugod papunta rito ay maaring pauwi kami atakihin kaya kailangan ko rin maging handa.

Ilang oras na ang nakakalipas at wala pa rin lumalabas sa sinabi ni Rushin na maliit kuweba kung nasaan si Scion.

Tumayo ako para tignan kung anong nangyari pero may mga maliliit na lobo ang biglang nagsilputan. Bumukas ang batong pinto kung nasaan si Scion at agad na pumasok ang mga lobo.

Tumakabo ako papasok, nandoon si Scion at nakahiga habang ang doktor naman ay pinapalo ang mga lobo palayo.

"Mahal na Hari!" Sigaw ko.

Agresibo ang mga lobo, kulay puti at itim sila pero pulang pula ang mga mata nito.

Lumapit ako kay Scion. Agad kong inutusan ang mga ahas para magpunta sa akin.

Nagpapakawala ako ng enerhiya para mailayo ang mga lobong gustong atakihin si Scion.

"Nagamot ko na ang Mahal na Emperador, kailangan na lamang niyang magpalakas! Ilayo mo na siya rito!" Sigaw ng doktor.

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now